#1

948 12 10
                                    

Umaga na naman besh, Wala ka pa rin mabati ng goodmorning sa text. Gigising ka lang ng parang normal na sasalubungin ng nanay mo at sesermonan dahil tanghali ka na naman gumising at napuyat ka kakanood ng paborito mong koreanovela.

Mabuti pa yung pinapanood mo ang tema love story, ikaw halos matatapos na ang pinapanood mo dahil last season na wala ka pa ring sariling love story. Maghahanap ka na naman ng bago mong papanooring storya na magpapakilig sayo bukod sa pag ihi.

Maghapon ka na naman maglilike sa FB ng mga status ng mga social climber friend mo na kumakaen sa mga mamahaling resto na ang oorderin lang naman eh yung pinaka murang pasta at iced tea. Maiingit ka na naman sa mga post ng mag jowa na nag date sa tabing dagat ng Manila bay na tambayan ng mga ipis dagat. Minsan pupusuan mo pa o magcocomment ka ng "SWEET" Pero deep inside sa isip mo "MAGHIHIWALAY DIN KAYO MGA PUNYETA!"

Dadaan na naman ang tanghalian na wala ka pa rin matatanggap na message na "Kumaen ka na, Dont skip meals. iloveyou" Magbabasa ka nalang ng pocketbook na syempre love story din ang tema. May dalagang galing probinsya na magtatrabaho sa isang malaking kumpanya sa maynila at maiinlab sa boss niyang masungit, sira ulo pero gwapo at parang walang pores sa mukha at kilikili dahil hindi man lang nakakaranas ng pagpapawis o pagka oily. Magkakagustuhan sila at magpapakasal sa bandang huli. Halos 22 na pocketbook nadin ata ang natapos mo na ganyang ang tema pero ayan SINGLE ka pa rin.

Darating ang Hapunan na ipopost mo sa IG ang ulam nyo at lalagyan ng caption na "DINNER TIME #LOVELOVELOVE" Pero ikaw mismo walang sariling pag-ibig. Balik koreanovela ka na naman, mabubuhay ka na naman sa love story ng iba. Sa katha, sa pantasya habang ang realidad mo eh wala. Wala ka talagang sariling love story. Bakit?? Bakit single ka pa rin besh? Kasi mas pinipili mo na mabuhay sa di makatotohanang mundo. Laslas besh, laslas. </3

LoveTips: Tigilan ang koreanovela, pocketbook at maghapong pagbabad sa Facebook. Lumabas ka. Nasa labas ang tunay na mundo. NASA LABAS BESH.

ANG ALAMAT KUNG BAKIT SINGLE KA PA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon