Hello. Oo ikaw nga, kamusta? May jowa ka na? Weh??
Kung wala ka pa rin jowa at umabot ka sa pagbabasa nito at hindi ka pa din naglalaslas eh congrats. Pero wag ka maglaslas ha. Biro lang yun syempre, pasasaan ba eh dadating din tayo diyan. Sa pagkakaroon mo ng sinisinta. Kapit lang besh.
"SARILI", Oo tama ka kung sa standards eh wala ka namang problema at natakasan mo na ang sumpa ng third wheel at lumabas ka naman na ng bahay at hinarap mo na ang tunay na mundo at muli wala ka pa ring jowa eh baka nga naman sa sarili mo na may problema.
Mag-isip ka. Baka panget naman ugali mo kaya walang nagtatangkang manligaw sayo. Oo hindi sa itsura, dahil naniniwala ako na ang pagtibok ng puso ay hindi nababase sa itsura. Baka sobrang pihikan mo o choosy ka masyado. Yung tipong ang hinahanap mo eh mga linyahan nila James reid at Zach efron. Hindi sa sinasabi ko na wala kang pag-asang magkaroon ng jowang ka hilatsa nila, ang punto eh baka hindi yun ang nakatadhana sayo.
Hindi ko sinasabing kung sino na lang at magpaka desperada o desperado tayo. Ang sinasabi ko eh sige mamili ka o tumanggi ka pero sana naman makatotohanan, yung alam mong wala kang sinayang sa chance kung hihindi ka man ngayon sa pagkakataon. Gets? Are we on the same page now?
Ex: May dalawa kang manliligaw at pareho mo silang tinurn down dahil hindi sila nanonood ng K-Drama. Punyeta diba? Nagegets mo na?
Oo alam ko, ikaw ang makikisama at kailangan mo minsang sundin ang kung anong dinidikta sayo ng utak mo pero jusmiyo marimar sana naman yung reasonable at hindi dahil lang hindi nya kilala si Goblin si Oppa, Superjunior si park jung goo o kung sino man sila. (Paunawa: hindi ko alam kung meron talagang park jung goo, kung meron man patawad)
Gagawa ka ng sarili mong lovestory sa oras na makapili ka o kapag nagkaroon na ng interes sayo ang isang tao at ganun ka din sa kanya, ang pinupunto ng ikaapat na sulatin ay ang makatarungang pagpili at pag tanggi sa pagkakataon.
Kung alam mo at naiintindihan mo kung ano ang sinasabi ko na problema sa sarili mo eh mahusay, hindi pa huli ang lahat para itama ang mali at mag-isip ng mabuti. Ang mga magiging desisyon mo sa buhay ay uukit ng malaking linya sa magiging takbo ng istorya mo. Sa lahat ng aspeto ng buhay. Hindi lang sa pag-ibig.
Protip: Hindi masamang humindi basta alam mo lang kung ano ang pinakakawalan mo.
BINABASA MO ANG
ANG ALAMAT KUNG BAKIT SINGLE KA PA RIN
HumorSINGLE KA . BAKA ME MALI? . BAKA NAMAN ANG MUNDO ANG MALI AT DI IKAW . BAKIT NGA BA? . TARA LASLAS