Binabati kita kung ngayon eh may sarili ka ng pag-ibig. Dahil dalawang bagay pa lang naka survive ka na at wala ka na sa listahan ng census na tatandang binata/dalaga.
Pero kung nababasa mo ito ngayon at single ka pa rin, wag ka magalala pasasaan ba eh magugunaw din ang mundo at mawawala lahat sila. *Grin*
Nasa ikatlong dahilan ka na kung bakit single ka pa rin.
STANDARDS
Ano nga ba ang pamantayan mo sa paghahanap ng kapareha? O gaano nga ba kataas ang metrics mo para dito?Typical- Mabait, gwapo/maganda, Disente, Mayaman, May pinag-aralan, may trabaho.
Ilan lang yan sa mga pamantayan mo wala pa diyan yung mga extra's gaya ng chinito/chinita, matangkad, petite, maputi/morena, may braces, tatlo mata, long legged, dimples, etc.
Sa tingin mo ba eh makatotohanan pa o nasa isang tao lang ang hinahanap mo? O merong package? Meron siguro pero bilang o iilan lang. Bakit di naten enumerate ngayon kung ano ang pinaka eksaktong Mr/Mrs.Right na hinahanap mo. Eksakto. Sakto. Tama lang.
1.Mabait- syempre, given na yan. Gusto mo yung igagalang ka at medyo iintindihin yung ugali mo lalo na kapag medyo sinasapian ka ng espiritu ng natataeng kabayo. Para naman kapag hinarap mo sa magulang mo para ipakilala eh namumutawi ang bibig sa po at opo. Yung tipong pag pasok pa lang ng bahay kumpyansa ka ng tao ang ihaharap mo sa mga magulang mo. Pero depende sayo.
2.Medyo badboy- may mga kilala ako na mas gusto ang badboy look kesa sa mga mababait. Mas gusto nila yung medyo may angas. Yung tipong kapag naguusap sila eh every start or end ng sentence nagmumura.
Ex-"P*ta babe, ang bango mo ngayon ah. Bago ba yang perfume mo? Anong brand niyan Sh*t ang bango talaga eh, pakiss nga sa kilikili." Mas cool daw kasama ang mga badboys kasi kaya ka nilang ipagtanggol o mas cute sila pomorma minsan. Minsan. Madalas kasi naka malaking tshirt sila snapback cap at bling bling na kumikinang. Pero muli depende parin sayo.3.Funny- *ehem* Funny is the new yummy nga daw. Sila yung mga tipong masaya ka sa umpisa hanggang sa huli. May mga pros and cons syempre. Hindi naman sa lahat ng oras eh masaya kayo. Pero sinisigurado ko sayo na hindi ka mabobored sa kanila. Hindi sila nauubusan ng jokes pero depende sa tipo ng pagka funny ah, dahil ang kaakibat ng funny eh corny. Para sakin, sakin lang ah. Isa ito sa mga dapat kasama sa listahan mo ng standards mo. Pero depende ulit sayo.
4.Mayaman/May kaya.- Hindi ko alam. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa ikalawa. May kaya. Paano? Sa paano at saan? Extra note: Paano mo ihahanay ang isang pamilya sa may kaya? Sa pananaw ko kasi eh dalawang tao lang ang meron sa mundo. Ang mga mayayaman o ang mga mahihirap. Walang middle class o yung sinasabi nilang may kaya, Itong mga nagsasabing may kaya sila eh mga indenial na mahirap sila. Walang ganun brad. Para saakin lang ah. Erase. Mayaman. Diyan tayo mag focus. Syempre para nga naman kaya nilang tustusan ang luho mo sa kahit anong aspeto. Sa date nyo syempre sa panonood ng sine at sa bawat labas nyo syempre mas madalas sagot nya o mag aambag ka pero 20% lang. Bonus pa kung may rides siya na pwedeng hatid sundo ka. Para nga namang secure na secure na ang future mo. Pero muli ito'y may kaakibat na cons. Palagi. Depende parin sayo.
5.May pinag-aralan- But opkors. Ayaw mo ng tipong medyo sablay sa academya. Yung tipong kaya kang sagutin kapag nagtanong ka ng 35 dibaydibay 9 o kung sino ang pumatay kay lapu-lapu bukod sa kusinero. Classic. Depende padin. Pero madalas mas gusto mo to.
6.Matalino- magkaiba ang matalino sa may pinag-aralan syempre. Magkaiba ang may alam sa pumapasok lang pero absent ang utak. Matalino, sila yung kahit tanungin mo ng what is the meaning of life eh sasagutin ka ng tatlong paraan. Sila yung malamang eh ma-control ka pagdating sa lahat ng desisyon sa buhay. Hindi ko sinasabing wag ka pumili ng matalino. Ang sinasabi ko dito eh ihanda mo ang sarili mo dahil alam mo kapag matalino, hindi papatalo. Hindi naman sa lahat ng oras ewan ko na lang kapag nahaluan na ng pag-ibig. Hindi ko alam seryoso. Di naman ako matalino eh.
7. Malambing- Yung ended sentence sa conversation nyo sa txt eh laging iloveyou. On time mag message ng "Lunch time. Kain ka na." Updated ka sa ginagawa nya at sobra sobra ang care kahit personal man o chat lang. Sobrang clingy din na ayaw bitawan yung kamay mo hanggang sa huli. Akbay-akbay ka sa paglalakad at nakayakap sayo sa jeep at dikit mukha pa kayo.
Naisip mo na? Kung wala diyan sa pito yung gusto mo eh laslas na besh. Nasasayo at depende padin sayo. Sabi nga nila kapag nagmahal ka mababalewala lahat ng standards mo. Kapag umibig ka na lahat ng mali sa kanya eh mamahalin mo, natural yun. Chinito man yan o malaki ang mata. Dahil ang pag-ibig walang level, walang score, walang metrics.
"kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Shanan danan shananan."
-Donna cruzProtip: Umibig ka ng naayon sa tibok ng puso. Magsisi ka man sa huli atleast sinunod mo kung ano ang nasa puso mo.
BINABASA MO ANG
ANG ALAMAT KUNG BAKIT SINGLE KA PA RIN
HumorSINGLE KA . BAKA ME MALI? . BAKA NAMAN ANG MUNDO ANG MALI AT DI IKAW . BAKIT NGA BA? . TARA LASLAS