One Shot!

131 2 0
                                    


Akala ko porket strong ako kakayanin ko ng kalimutan ka, ng ganun ganun lang.

Akala ko madali lang na palitan ka.

Akala ko masasanay din akong wala ka.

Akala ko lang pala yun lahat. . . . . Alam mo kung bakit?

Kasi mahal parin kita.

Mahal na mahal.


Pano ko gagawin ang kalimutan ka, kung hindi naman ito ang gusto ng puso ko?

At paano ko gagawin ang kalimutan ka, kung lagi kang pinapaalala sakin ng isip ko?

Madaling sabihin na hindi na kita mahal. Na nakalimutan na kita.

Pero mahirap panindigan.


---

"Kalimutan muna ako. Itigil muna yung nararamdaman mo para sakin. Please! Hanggang kaibigan nalang nalang talaga ang pwede kong ibigay para sayo." Seryosong sabi sakin ni Jiro habang nakahawak sa mga kamay ko.

Tumingin ako sa mga kamay namin. Namiss ko kung paano niya hawakan ang kamay ko.Ramdam ko ang init na namumuo sa mga mata ko. I felt hurt.

"Akala ko babalik ka. Akala ko mahal mo parin ako. Akala ko tutuparin mo parin yung mga promise mo sakin na lilibutin natin ang mundo ng magkasama. . . . Akala ko lang pala yun. Kasi ako? Habang hinihintay ka, diko alam na may iba kana palang gustong makasama sa mga plano natin before. Mahal na mahal kita. Di ba pwedeng ibalik nalang yun?" Nakayuko kong sabi.

Maya maya unti unti nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim. Bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Wag kang umiyak. Yan ang dahilan kung bakit gusto kong itigil muna ang nararamdaman mo para sakin. Dahil nasasaktan lang kita, at ayoko nun." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Hindi naman ikaw yung nasasaktan e. Ako naman e. Kaya hayaan muna akong mahalin ka." Nanginginig kong sabi

Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit dahilan para humagulgol ako ng iyak

"Hindi mo kailangan gawin to. Humanap ka nalang ng ibang lalaking magpapasaya sayo, yung mas deserve mo kesa sakin. Wala akong kwentang lalaki Thea. So please! Promise me na kakalimutan muna ako." Pagsusumamo niya sakin.

"Ganun lang ba yun kadali? Na parang nagtype ka lang ng text sa notepad tapos pwede munang burahin anytime na gustuhin mo? Jiro, hindi ko kaya yun." Sabi ko nung kumalma na ako.

Bigla siyang yumuko at inihilamos ang mga palad niya sa mukha niya.

"E para saan pa tong pag uusap natin? Wala rin naman palang kwenta? Thea pumunta ako dito kasi akala ko ititigil muna ang lahat satin. Na papalayain muna ako diyan sa puso mo." Madiin niyang sabi

"So? Ngayon nagagalit ka? Sorry a? Tanga e. Mahal kita e. Kahit Gago ka!" Naiiyak kong sabi.

He move closer and closer to me. He hold my hands and he kissed me on my forehead then he hugged me tight.

"Kalimutan muna yung nararamdaman mo para sakin, di naman ako mawawala e. Nandito lang ako bilang kaibigan mo. Promise! Di ako mawawala." Bulong niya sakin

This time di ako naghug back. Baka sobra ko pa siyang mamiss e. Ayoko nang masaktan. Tama na siguro to.

"S-sige. . If that's what you want. Pero di agad agad. Pero gagawin ko. Kakalimutan kita kasi yun ang tama. . . . At yun ang dapat." And with that, my tears suddenly fell down.

Huling PaalamWhere stories live. Discover now