CHAPTER 3

4.2K 85 0
                                    

Im Audrey Leigh Imperial. Ali for short. 17yo. 1st year college taking up BSArchitecture in one of the popular Universities here in Manila.

Bicol ang province ko pero nagrerent ako ng apartment malapit sa school namin, walking distance lang.

Hindi naman kami mayaman, katamtaman lang. Pero dito ako ngayon sa isang University kung saan halos lahat ng estudyante dito ay mayayaman.

Nagtataka siguro kayo kung bakit andito ako sa school na to eh hindi naman kami mayaman.

Nakapasa kasi ako sa Scholarship Program ng school na to. Kaya 100% free ang tuition ko at may allowance pa akong natatanggap monthly. Nagpapadala naman ang parents ko ng pambayad sa apartment ko.

Ayaw kasi nila akong mag bedspace lang dahil mahirap magtiwala sa mga tao ngayon. Ayaw ko din kasi ng magulo at maingay.

Anyway, tungkol naman sa itsura ko, hindi ako maganda pero cute ako. May kaliitan kasi ako, nasa 5'3 lang ang height ko. Matangos ang ilong ko at medyo kulot na malalaki naman ang itim kong buhok. Me biloy naman ako malapit sa gilid ng lips ko. Sabi nila nakakadagdag daw iyon sa kakyutan ko. Hihi

NBSB ako. Bata pa naman kasi ako at wala talaga akong nagugustuhan sa mga manliligaw ko. Choosy ko noh? Gusto ko kasi yung first ko yun na din yong last ko. Hindi naman ako nagmamadali dahil bata pa naman ako.😄

First day of school ko kanina. At dahil bago lang ako sa school namin, wala pa akong masyadong kilala at kaibigan dito.

Pero kanina nakilala ko ang kauna unahan kong naging kaibigan dito, sina Tiff at Devy. Classmates ko sila, magaganda kagaya ko, ehem!😄
After ng lahat ng subjects namin uuwi na agad ako.

"Ali hatid kana namin, saan kaba". si Devy na lulan ng kotse nya.

"Ah hindi na, walking distance lang naman yung apartment ko dito, salamat Dev" sagot ko.

"oh sige ikaw ang bahala, una na kami ha, kita tayo bukas" si Devy

"sige see you" sagot ko.

Umalis na sila at nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Hindi mo maikakailang anak sila ng mayayaman. May sariling mga sasakyan. Ako lang ata ang mahirap dito pero okay lang.
Maganda naman ako eh. Chos!😄

EURIEL' s PROPERTY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon