CHAPTER 25

2.3K 54 0
                                    

EURIEL

Nakita ko si Bea sa isang park. Nakangiti saakin, yung mga ngiting yon, parang nagsasabing lapitan ko sya. Tama, lalapitan ko sya pero bakit ganoon habang palapit ako sakanya ay lumalayo naman sya at yung mga ngiti nya kanina lang ay napalitan ng lungkot. Unti unti syang naglalaho habang patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Bea. . . .

"Bea. . . . ."

"Euriel gising. Eu!" Sigaw ng isang tinig habang niyuyugyog ang balikat ko.

Iminulat ko ang mata ko at niyakap ako ni Ali.

Mahigpit.

Na para bang ayaw nya akong mawala.

"Akala ko binangungot kana." Garagal na sabi nya habang yakap nya padin ako.

Umiiyak si Ali? Bakit? Dahil akala nya binangungot ako?

"Wag ka nang umiyak Ali. Okay lang ako." Sabay haplos ng likod nya.

"Okay ba yon? Yung tignan ka na umiiyak habang nananaginip ka? Pinakaba mo ako." Sabi nya sabay hampas sa braso ko. Doon ko din napagtantong umiyak pala talaga ako.

Yung panaginip ko. . . Si Bea. . .

Pati sa panaginip nasasaktan ako.

"Shh! Andito pa ako oh. Okay lang ako. Salamat kasi ginising mo ako."

"Sana mawala na yung sakit na nararamdaman mo ng dahil sakanya."

"Paano mo nalam------"

Hindi pa man ako tapos magsalita ay nagsalita na sya.

"Binanggit mo yung pangalan nya. Kaya ginising kita agad. Ayokong maski sa panaginip pinapaiyak ka nya." Nakikita ko sa mga mata nya yung lungkot.

Ngayon ko lang sya nakitang ganoon. Oh ngayon ko lang talaga napansin?

Niyakap ko nalang si Ali hanggang maging okay na kami pareho.

"Ali anong oras na?"

"2:25 na ng hapon. Bakit?"

"Haba pala ng tulog ko."

"Oo nga eh. Tara lunch na tayo." Tumango lang ako at lumabas na kami ng kwarto.

"Nga pala Eu, punta tayo mamaya kila Ate Abby, birthday nya kasi."  Habang pababa na kami ng hagdan.

"Ha?! Ikaw nalang, di ko naman kilala yon eh."

"Kilala mo yon. Classmate mo kaya yon nung HS." Nakangiting sabi nya.

Abby? Classmate ko nung HS?

"Abegail Buencamino?" Sya lang naman ang Abby na naging kaklase ko nung HS eh.

"Yeah, sya nga. Pinsan ko sya. Kapatid ni papa yung mama nya, si tita Ellen."

"Okay, copy that."

Pero paano nya nalaman na kaklase ko si Abby nung HS? Weird. Pinagkibitbalikat ko nalang ang thought na yon.

Naabutan namin yung sis-in-law at si baby Arrianna sa sala nila.

"Hi Ate Claire, kaibigan ko si Euriel." Pakilala saakin ni Ali.

"Hello Euriel. Feel at home. Eto nga pala baby ko si Ayan." Sabi nya na nakangiti.

Mga bicolano at bicolana talaga napaka hospitable. Haha!

"Hi Ate Claire, Hello baby Ayan." Oh diba binati ko pati si baby. 😄

"Kain po muna kami Ate."

EURIEL' s PROPERTY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon