CHAPTER 16

2.4K 61 0
                                    

BEATRIZ SANDOVAL

Dito lang kami sa pool kung saan ang mga tropa ni Euriel. Nagkukulitan lang kami at nag aasaran. Yung Love ko nakikipagsabayan na sa kakulitan ng mga kaibigan nya. Sobrang masaya ako  na makita syang masaya. Mahahalata mo iyon sa kanyang mga mata. Ang sarap nyang pagmasdan.

Habang lumalalim ang gabi, paunti naman ang mga tao sa pool. Andito na kami sa gilid ng pool ng Love ko habang yakap nya ako na nakatalikod sakanya. Yung iba nagkukulitan padin habang pinagmamasdan lang namin sila ni Euriel.

"Eu masaya kaba?"

"sobra Love, hindi ko maexplain. Ngayon lang ako sumaya at sobrang nagenjoy. Lalo na kasama kita at ang buong tropa."

"mabuti naman Love. Dapat lagi ka masaya para lagi din akong masaya."    naramdaman ko nalang na humigpit ang yakap nya saakin na nagpapasaya saakin. "basta Euriel wag na wag mo ako iiwan at wag na wag kang mambabae ha? Dapat ako lang." Dahil ayoko na syang pakawalan pa.

"paano ko iiwan ang isang gaya mo na nagpamulat saakin kung gaano kagandaang mundo? at paano ko ipagpapalit sa iba ang gaya mo na beauty and brain at dahilan kung bakit sobrang saya ko?."  Ayon at kinilig na naman ako sa mga sinabi nya.

Humarap ako sakanya habang hawak ko ang batok nya, Sya naman ay nakayakap padin sa bewang ko. Dinampian ko sya ng mumunting halik na paulit ulit sa labi nya.

"hoy ano yan? rated SPG kayo ah! Alis! doon kayo sa Kwarto nyo!."     si Les na natatawa habang tinataboy kami. Sabay kaming napangiti ni Euriel. Paano kasi hanggang ngayon wala pa silang nabibingwit na chix ni Raffy.

"Eu?"

"hmmm?"

"inaantok na ako."

"ah sige magpapaalam na tayo para makapag pahinga kana." Pero ang totoo gusto ko lang sya masolo. Hihi

Nagpaalam na kami sa mga kaibigan nya. Tinungo na namin ang kwarto. Nauna akong nagshower habang tinitignan nya yung mga pictures sa camera. Pagkatapos ko ay sya naman ang nagshower.

Pagtapos nya ay tumabi na sya saakin habang ako naman ay nanonood ng tv habang nakasandal sa headboard ng kama.

"akala ko inaantok kana?" si Eu. Humiga sya sa lap ko at nakikinood na din sya tv habang tinutuyo nya ng maliit na towel ang basa nyang buhok.

"akin na yang towel" ako na nagtuyo ng buhok nya. "nawala kasi yung antok ko eh. Matutulog kanaba?" tanong ko.

"Hindi pa naman Love. Salamat nga pala."

"saan Love?"

"sa lahat lahat. dahil dumating ka sa buhay ko" seryosong tinig nya habang nakatutok yung mata nya sa tv.

"mas masaya ako kasi kasama kita at mahal mo rin ako" sabi ko naman sakanya.

Tumingin sya saakin at umupo sabay akap ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Bea, wag na wag mo akong iwan dahil baka hindi ko kayanin". si Eu.

"Hindi ko gagawin yon mahal ko.Magsasama tayo habang buhay." Hinalikan ko sya sa pisngi at Kinuha ko ang remote saka pinatay ang tv. Saka kami umayos ng higa habang mgkayakap parin kami. Nakaunan ako sa balikat nya habang nakasubsob ako sa leeg nya. Nagkwentuhan kami hanggang sa makatulog.

**

Umaga na pala. Mmmm naginat ako ng mga braso ko at tinignan kung anong oras na. 11:47am. Tinignan ko yung katabi ko at ayon sarap ng tulog ng mahal ko. Bangon na ko para maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas ako ng kwarto at kinatok ko ang pinto ng mga tropa. Pinagbuksan ako ni Ica na halatang kakagising lang. Nagpaalam ako na mauuna na ako sa resto dahil gutom na ako at si Eu pero ang totoo tulog pa si love ko. Tumango lang sya, susunod nalang daw sila. Imbes na pumunta ng Resto bumalik ako sa room namin ni Eu. Wala na sya sa kama. Sigurado naliligo na din sya.

Tinawagan ko yung Resto at nagorder ng food. Papahatid ko nalang dito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang food at saktong labas ng banyo na nakabihis na ang love ko. Bango bango talaga nya naku.

"Oh love tara kain tayo.''

"Ayaw mo ba sa resto nalang tayo kumain? Pano ang mga kaibigan natin?" Si na nakangiti.

"Nagpaalam ako sakanila kanina, sabi ko mauuna na tayo kumain" Ayon lumapit sya saakin at nikiss ako. YEeee!

Pagkatapos kumain ay inayos na namin ang mga  gamit dahil uuwi na kami.

Tok! Tok! Tok!

"Eu ready na ba kayo? Alis na tayo maya konte" Si Pine pala.

"Oo. Ready na kami"

"Sige kita nalang tayo sa loby" paalam ni Pine.

Pagkasara ng pinto ay lumapit si Eu saakin at siniil ako ng halik. Ang sarap ng mga labi nya na dumadampi sa mga labi ko. Ang bango bango ng hininga nya.

Naalala ko kagabi muntik na akong bumigay sakanya. Nawala ako sa sarili sa mga ginagawa nya saakin. Pero bakit ganon, ayaw kong ibigay ang sarili ko sa mga ex ko pero sakanya muntik na, at ang malupit pa nito nahawakan na nya ang dibdib ko. Sya lang ang nakahawak sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mamula ang mukha dahil sa hiya sakanya. Hmm.

"Miss na kita agad mahal ko." Sabi ni Eu na katatanggal palang ng labi nya sa labi ko.

"Araw araw naman tayo magkikita sa school eh saka pwede naman matulog ka sa bahay ko kung gusto mo." Nakangiti kong sabi.

"Sleep over ka din minsan sa bahay ha" sabi ni Eu na nakayakap saakin. Tumango lang ako at inayos na namin ang mga sarili at gamit namin.

"I love you Beatriz"

"Mas mahal kita Euriel"

Isa pang halik bago nya buksan ang pinto. Pupunta na kami sa loby para magcheck out. Sabay sabay kaming pumasok ng van ni Les at mukhang wala sila sa mga sarili dahil sa hang over siguro.

Uuwi na kami sa kanya kanyang bahay namin. Isa isa ng hinatid si Raffy, Ica, Berna,Pine at kami ni Eu sa bahay nila, saka umuwi si Les lulan ng van nya.

6pm na kami nakarating sa bahay ni Eu dahil medyo traffic sa byahe. Nagpahinga muna kami at umidlip. Sunday naman kaya okay lang.

"Eu?" Tawag ko sakanya, mukhang tulog pa sya habang magkayakap kami. Sarap hay. Sana ganito kami palagi.

"Love?"

"Hmmm?" Sa wakas magising na sya.

"Nagugutom na ako" Sabi ko namam sakanya.

Bumangon na sya agad at hinalikan ako sa pisngi. Nagpaluto na sya ng dinner namin. 9pm na din kasi.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako sakanya.

"Hatid na kita sainyo Love."

"Hindi na Love, pahinga kana lang okay? See you tom"

"Okay love ingat sa byahe ah. Iloveyou Love" sabay halik sa pisngi ko.

"I love you more love"

Ayon at sumakay na ako ng kotse ko. Ng makarating ako sa bahay ay nagshower ako at natulog kaagad.😑💤

EURIEL' s PROPERTY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon