HINUBAD ni Steven ang damit
at agad lumusong. Nilangoy niya hanggang falls kaya noong makaahon labis-labis ang paghabol niya sa hininga. Yakap ang sarili nilinga niya ang paligid.
"Wow! Ito ang totoong paraiso."
Lalo siyang nanabik noong salubungin niya ang tubig. Nang manawa muli siyang lumangoy sa kabilang ibayo.
Hinilamos niya ang mukha at agad lumusong patungo kung saan iniwan ang damit. Sa noo'y pag-ahon agad niyang napansin ang pares ng paang nakatungtong sa puting t-shirt niya, "Damn. Hey!" turo niya at hinagod ng paningin ang taong nagmamay-ari ng walanghiyang paa na iyon.
Ito 'yung babae kahapon na napagkamalan siyang rapist, magnanakaw at kidnapper.
Tinaasan niya ito ng kilay, "Want to join me?" aniya sinamahan pa niya ng ngisi.
Lalo niyang tinaas ang paningin para makita ang mukha nito kaso masyadong maliwanag at tapat sa araw kaya ginamit pa niya ang kanang kamay para takpan ang liwanag.
Tinabingi niya ang ulo. Hindi kasi ito nakatingin sa kanya. Agad itong umalis parang hindi manlang siya napuna.
"What the fuck! Hey!" Mabilis siyang umahon at nagmamadaling magbihis. Hinabol niya ito at naabutan sa putol na tulay.
"Bingi ka ba?" aniya noong lingunin siya nito. Pinkita niya ang bakat ng paa nito sa suot niyang t-shirt. "Bingi ka na bulag ka pa. Hindi mo tinitignan ang inaapakan mo." hasik niya rito, sinundan niya ang pagtanaw nito sa suot niya at sinalubong ang matang parang walang pakialam noong tignan na siya nito.
"Hindi ka pipe kaya magsalita ka." utas niyang muli. Humigpit na rin ang hawak niya sa payat na braso nito.
"Nananadya ka ba?" hamon niya rito pero hindi ito nakitaan ng takot. "I don't care go away." anito. Marahas na pumiksi at iniwan siya para maupo sa gilid ng tulay.
BINABASA MO ANG
Your Rapist (One Shot Entry LIGHTS)
Historia Corta"Ugali kong tinatakbuhan ang problema ko. Tapos babalik lang kapag okay na at kung tingin ko ay nakalimot na ang mga tao. Pero ang case natin Daisy. Hindi ko kayang takbuhan ito kasi..." Nakagat niya ang labi. "Sa lahat ng problema ko ito lang ang t...