Mateo's POV
After the day I woke up isang beses ko lang nakita si Aira. I am waiting for her to come back pero bakit kaya hindi na sya bumalik? May ginagawa kaya sya? Busy na naman kaya sya sa work? O baka may problema ba???
"May problema ka ba Bossing?" tanong ko kay Betong na syang bantay ko ngayon
"Betong, asan na si Aira? Umuwi ba muna? Bakit parang hindi ko na napapansin?" Ako
"Umuwi na nga po." Betong
"Eh kelan daw babalik?" Ako
"Hindi na po ata." Betong
"Ha? Edi ba sya ang nagaalaga sa akin?? Ayaw nya na akong alagaan?" Ako
Nalungkot ako sa posibilidad na ayaw na nga nya akong makita pang muli. Pero bakit nya nga kaya ako inalagaan? Bakit nya ako pinupuntahan noon? Bakit sya naglaan ng oras sa akin? Pwede kayang kahit konti ay minahal na rin nya ako? Haiiii! Sana nga.
"Alam mo ba Bossing, sobra sobra kang inalagaan ni Miss Aira. Love na love ka nga nya eh. Alam mo po ba? Halos di na sya umuwi." Betong
"Eh bakit hindi na sya bumalik? Lalabas na ako mamaya pero hindi na sya bumalik. May nangyari ba habang natutulog ako? May nangyari ba sa labas ng kwarto? May mali ba??" Ako
"Eh kase naman Bossing. May kasama ka nang iba. Akala nya tuloy, wala na syang lugar jan sa puso mo." Betong
"Ano?" Ako
"Nakita ko pong nakatingin lang sya sa inyo ni Miss Lily. Siguro kasi Bossing akala nya, girlfriend mo na si Miss Lily kaya ayun, umalis na lang sya. Nakausap ko nga po sya sa chapel eh, niyaya ko dito ayaw naman na nya bumalik kasi hindi na sya kailangan. Gusto ka daw kasi nyang sumaya." Betong
Si Lily?? Ano namang kinalaman ni Lily sa kasayahan ko? At paano namang nasabi ni Aira na sasaya ako kung hindi na sya babalik?
"Anong si Lily? Ano bang meron? Teka nga ano bang nangyayari?? Hindi ko maintindihan?!" Ako
"Ai nako Bossing. Ganto lang yan, pasimplehin natin, nagseselos si Miss Aira kay Miss Lily, kaya ayun, lumalayo na lang si Miss Aira para hindi na lang sya masakatan. Akala nya kasi eh mahal mo si Miss Lily na hindi bestfriends. Alam nyo po yun? Yung parang magerlpren na po kayo! Sa totoo lang naman eh mukha naman kasi talagang kayo na eh." Betong
"Ano? Kami ni Lily??!! Grabe. Bestfriends lang kami. tsk tsk. Tingin mo nga kaya nagseselos si Aira?" Ako
"Oo naman Bossing. Kase kasalanan din to ni Ser Oliver eh. Sabi ba naman eh girlfriend mo nga daw si Miss Lily. Ayun syempre maniniwala si Miss Aira hindi naman kasi marunong sa joke yun! Haha" Betong
"Oliver??!!" Sigaw ko kay Oliver
"Eh, Sir, para sa yo din yun. Promise!" Oliver
"Anong para sa akin ha??!!" Ako
"Alam mo kasi Sir, minsan kailangang mawala ng mga bagay bagay para malaman natin ang halaga nila. Gaya na lang ni Miss Aira, kita mo Sir, nagseselos sya at nasasaktan." Oliver
"Anong nasasaktan? Paanong mawala? Teka nga! Wala akong naiintindihan!!" Ako
"Nasabi nya kasi sa akin na nasasaktan syang may mahal ka nang iba. Odiba? effective. Kasi feeling nya, nawala ka na sa kanya. Kaya ayun narealize nya na lablab ka naman pala talaga nya. Atleast ngayon alam na nating mahal ka talaga nya pati tingnan mo naman Sir, may album ka pa. Oha? oha? Ang bright bright ko lang kaya?!" Oliver
Tama nga naman si Oliver. Siguro nga, ngayon, alam kong kahit papaano ay nagkaroon din ng bunga ang lahat ng paghihirap ko. Alam kong kahit papaano, mahal din ako ng taong mahal na mahal na mahal ko. At dahil din sa mga pangyayari, may nabuong plano sa isip ko.
***toogsh***
"Aray naman Sir. Akala ko naman okay ka sa plano ko kaya ka nakangiti jan, bakit mo naman ako binatukan?" Oliver
"Nayayamot ako sa'yo dahil nasasaktan lang naman ang pinakamamahal ko pero dahil bright nga naman ang idea mo, binatukan na lang kita kesa binaril pa." Ako
"Sir naman." Oliver
"So ngayon, Bossing, ano nang plano?" Betong
"Anong plano?" Ako
"Sus naman. Alangan naman kasi Bossing na wala na lang tayong gagawin?! Dapat nating planuhin kung paanong maayos ang relasyon ninyo ni Miss Aira." Betong
"Onga naman Sir. Sa lahat ng idea ni Betong, ngayon lang ako nag agree." Oliver
"Onga naman Bossing, ngayon lang kami nag kasundo." Betong
"Osige. May plano na ako." Ako
Then we talked about my plan and how we'll do it.
"Aba Sir, dapat after nito kayo na ha?" Oliver
"Tama Bossing! Dapat may magandang mangyari ha?!" Betong
And all I hope is for the best thing to happen. Sana naman ibigay na ni Lord ito sa amin. Sana this time mayroon na kami.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Police Precinct
RomanceCan law of attraction be true if you and I are on both end of the pole?