Inside Out

838 19 1
                                    

She Is a Faker.

A great Pretender.

Maagang nagising ang Dalaga upang pumasok sa kanyang trabaho. Bago sya umalis ay Sinigurado nya munang naka lock ang kanilang bahay.

Ngunit di inaasahan ay may nakita syang lalake sa Di kalayuan isang lalake na kanyang kinamumuhian. Ang lalake na kanyang Kinasusuklaman.

"Anong ginagawa mo dito!?" malamig nyang sabi sa lalake.

"Ganyan ka ba bumati ng magandang umaga?" nakangiting sabi ng Binata.

"Anong kailangan mo?"

"Nais lamang kitang Batiin" sagot na binata na hindi nawawala ang ngiti sa mukha

"Kung narito ka para isama ako pwes hindi iyon mangyayare at walang mangyayare." madiin na sabi ng dalaga at nag simula ng maglakad palayo sa binata. Ngunit agad na hinablot ng binata ang kamay ng babae "Masyadong mainit ang ulo mo mahal ko." nakangising sabi ng binata at inaamoy pa nito ang buhok ng dalaga.

"Bitawan mo ako!" sigaw ng babae at hinila ang kamay sa binata.

"Masyado kang matigas! Mag hantay ka lang lamang at mapapasa akin ka rin mahal ko." magiliw na sabi ng binata at inamoy pa ang nakuhang buhok sa dalaga.

"Hinding hindi ako mapapasayo. Pakyu ka! " sagot sa kanya ng dalaga.

"Iyan ba ang mag tinuro sayo ng mga kinalakihan mong magulang mahal ko?"

"Tigilan mo ang katatawag sakin ng mahal ko nakakadiri ka! Hinding hindi ako mapapasayo Gago!" bulyaw ng dalaga.

"Nararapat lamang na namatay ang iyong kinalakihang magulang hindi ka nila tinuruan ng magandang asal mahal ko."

"Wag mong idamay sina inay at itay dito!" nakakuyom na kamaong sabi ng dalaga.

"Nararapat lamang silang mamatay!" Sigaw ng binata.

Sa isang iglap lang ay nasa harapan na ng binata ang dalaga at tinulak sya nito ng malakas sa pader. "Umalis kana!" Sigaw ng dalaga kitang kita ang galit sa mata nito dahil nag palit ito ng kulay mula sa pagiging Brown ay naging kulay pula ito.

Agad namang bumangon ang binata at pinunasan pa nito ang dumugo nyang Labi dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ng dalaga. "Babalikan kita Mahal ko.. Babalikan kita Jhoana" pag katapos nun ay nag lahong parang bula ang binata.

*********
Yay so dahil sa pangungulit sakin ay Gumawa ulet ako ng panibagong JhoBea Story. Sana magustuha nyo yung twist ng Story Enjoy.

Inside OutWhere stories live. Discover now