1

452 18 0
                                    

Bea De Leon.

"Dad Where's my secretary? Its Already 7 wala pa sya." Naiinip na sabi ni Bea sa kanyang Ama.

"Nandyan na yan maya maya anak 7:30 pa kase ang oras ng trabaho nya rito" sagot ni Dad.

"Special naman po sya masyado dad Bat 7:30 eh yung iba nga po 6:00 ang pasok eh"

"Matagal na kase sya dito Anak tyaka beatriz wag mong lalandiin yung secretary mo ah!"

"Wow dad ako pa talaga Sila kaya nanlalandi sa Anak mo. Gandang pogi ko kaya." pag mamayabang ko sa kanya.

"Syempre san ka pa ba mag mamana syempre sa gwapo mong daddy" nakangiting sabi ni daddy.

"Eww dad kay mommy kaya ako nag mana." pang aasar ko sa kanya.

"Ah Ganun--"

*knock* *knock* *knock*

naputol ang paghaharutan namin ni daddy dahil sa katok kaya bumalik na ko sa Couch.

"Come in" sabi ni daddy.

Agad naman pumasok ang isang babae na kayumanggi ang kulay at balingkinitan ang katawan may dala itong tasa ng Kape at nilagay sa Lamesa ni Dad.

"Good Morning sir!" Masiglang sabi nung babae.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya dahil Ang hyper hyper nya.

"Ano ka ba iha ang sabi ko sayo Tito nalang ang itawag mo sa akin." nakangiting sabi ni dad at ininom ang coffee nya.

"Eh Nakaka hiya po kase eh Pero sige po pero pag tayong dalawa lang po kase baka sabihin po ng iba Feeler ako diba?"

Masayahin yan ang masasabi ko sa babaeng kausap ni Dad na hindi manlang napansin ang presensya ko.

"Ehem!" Tumikhim ako para agawin ang kanyang atensyon.

"Ay Kalabaw!" Gulat na sabi nya.

"Ang pogi ko namang kalabaw." naka ngiti kong sabi na nag pakunot ng noo nya.

"Mali po ang Yabang mo pong kalabaw" sagot nya sa akin sabay irap.

"Hindi mo ba nakikilala ang kaharap mo miss?" naka ngisi kong sabi sa kanya.

"Hindi. Ngayon lang kita nakita kilala agad kita. Mukha ba king manghuhula ng pangalan?" pilosopong sagot nya sa akin.

"Jhoana, She's my Daughter Beatriz. Beatriz, This is Jhoana ur Secretary." pag papakilala sa akin ni Daddy.

Agad naman nanlaki ang mata ni Jhoana At biglang ngumiti sa akin.

"Good Morning ma'am Beatriz!" Hyper nyang sabi. "Joke Joke lang po yung kanina Hehe" naka ngiti nyang sabi at Nag peace sign pa.

"Maiwan ko na kayo at may meeting pa ako." Paalam ni Dad. "Behave Beatriz!" Huling sabi ni daddy bago tuluyang umalis sa Office nya na magiging office ko na din.

"Ano pong ipag uutos nyo na ma'am Beatriz?"

"Bea nalang"

"Ganun po ba sige po B-bea anong iuutos nyo po?"

"Gusto kong mag padala ka ng Mga mag aayos ng gamit ni Dad at Gawin itong Office ko." sabi ko sa kanya at pinag mamasdan ko sya habang kagat kagat ang takip ng ballpen nya at nag susulat.

"Noted!"

"Yun Lamang. Makaka alis kana para tawagin ang mga mag tatanggal ng gamit ni dad dito. Dalawang tao lang ay okey na." Agad naman itong nag lakad palabas ng office ko kaya kinuha ko yung Laptop ko.

Wala pa naman talaga akong gagawin dito dahil naririto pa si Dad kaya ng Facebook nalang muna ako at tinawagan yung isa sa mga kabarkada ko dati. Ilang ring lang ay sinagot nya agad ang tawag ko

"Baket Bea?" inaantok na sabi ni Alyssa.

"Ganyan ka ba mag sabi ng Hello Ly?" natatawang kong sabi. Nakadapa pa kase ito sa unan nya at nag kukusot ng mata halatang bagong gising lang ito.

"Istorbo ka kaya sa tulog ko alam mo yun." umirap pa ito.

"Tama na kaseng kakapuyat Ly! Mukha ka ng nag dadrugs! Laki ng Eyebag mo oh" inis kong sabi sa kanya "Ano nanaman ba kina pupuyatan mo? Sya nanaman? Alam mo Di mo talaga yan mahahanap kung ayaw magpakita." sermon ko

"Makikita ko din sya bey kala mo."

"Ewan ko sayo Ly! Bahala ka jan! May bago na yun" pang aasar ko.

"wag ka nga manira ng umaga Isabel Beatriz De Leon." irap nya at pinatay ang tawag.

*knock* *Knock

"'Come in."

"Good morning ma'am kami po yung pina akyat ni Jho para po mag ayos ng gamit ng dad nyo po." bati sa akin ng babae na mapula ang labi daig pa ang kinagat ng madaming bubuyog kasama nya yung babaeng mukhang espasol dahil sa kapal ng foundation sa mukha.

"Ah Ganun ba? Sige yang mga yan paki lipat nalang sa kabilang room" utos ko sa kanila.

Nag simula na sila mag lipat ng gamit ni Dad habang ako ay nag kalkal dito sa mga Folders. Nang makita ko ang Folder na may Resume ni Jhoana.

"Jhoana Louisse Maraguinot pala ang full name nya" nasabi ko sa aking isip.

Wala syang school Background at mga Reference kaya nakakapag taka kung paano sya naka pasok dito sa kumpanya bilang secretary pa. Agad ko namang binalik ang folder ng bumukas ang pinto.

"Bea san mo pala gustong kumain? Papa deliver nalang ako para sa lunch mo." nakangiti nyang sabi. Kaya naman pinag masdan ko sya.

Maganda si Jhoana Kumbaga nga Black Beauty magaganda rin ang kanyang mata Nakaka akit na mata.

"Matunaw naman ako Isabel" pag karinig ko nun ay agad akong napabalik sa realidad.

"Kahit saan nalang." sagot ko sa kanya at nag iwas ng tingin.

Jusme nakaka hiya.

**********

Inside OutWhere stories live. Discover now