Beatriz De Leon.
Nandito kami somewhere sa tagaytay dito kase ako dinala ni Jho mula kanina antahimik nya na mula pag dadrive hanggang makarating kami dito.
Nakahiga lang sya ngayon habang naka sarado ang mga mata. Wala gaanong araw kaya okey lang nasa Harap namin ay ang napaka gandang tanawin ng dagat payapang dagat.
"Alam mo ba kung bakit kita dinala rito?" panimula nya habang naka pikit padin
"Baket?" tanong ko sa kanya.
"Tinatanong ko kung alam mo tas ang sagot mo tanong din diba dapat Oo or Hindi lang?" pambabara nya.
"Jhoana Louisse" naka poker face kong sabi sa pangalan nya kaya naman bahagya syang tumawa saka tumayo at nag punta sa cliff ng bangin
"Ito kase yung Happy place ko walang ibang nakaka alam nito maliban sa akin at sayo." ngumiti sya sa akin at umupo kaya lumapit ako sa kanya.
Mataas ang bangin nakaka lula tinignan ko yung baba ta puno ito ng bato may mababaw na tubig yung tipong Pag nalaglag ka wala ng chance na mabuhay kapa samantalang si Jho enjoy na enjoy na naka upo sa cliff.
"Upo ka rito oh. Tabi tayo." pag aaya nya habang tinatapik ang tabi nya.
"Ano kase Jho eh Takot kase ako sa matataas" namumula kong sabi.
"Andito naman ako di kita pababayaan" para naman kusang nawala ang takot ko sa sinabi ni Jho kaya umupo ako sa tabi nya habang naka pikit. "Wag kang pumikit. Di mo makikita ang ganda sa Dilim" naka ngiti nyang sabi.
"Wow Ang ganda" namangha kong sabi. Mas maganda ang tanawin dito dahil kitang kita ang buong dagat pati na rin ang mga munting bangka na nasa dagat.
"Bakit ka natatakot sa matataas?" tanong nya sa'ken.
"Nakaka lula kase ang taas" sagot ko sa kanya sabay tingin sa baba.
"Kaya ka lang naman natatakot kase natatakot kang mahulog tama ba?"
"Parang ganun na nga" sabi ko sa kanya at Yumuko.
"Lahat naman tayo natatakot mahulog eh. Mahulog sa maling tao o mahulog sa bangin pero diba minsan mas gugustuhin nalang natin mahulog sa bangin kesa mahulog sa maling tao." mapait ang ngiti nya na may halong lungkot.
"Nahulog kana ba sa maling tao?" di ko mapigilan na di magtanong sa kanya siguro para nadin makilala ko sya.
"May maling tao ba? Para kase sakin sa lang natin nasasabi na maling tao sya na para sa atin kase di sya napapa satin. Nahulog na ko sa tamang tao na para sa iba ay mali. Ang gulo diba?" natatawa nyang sabi.
"Anong nangyare?"
"Ang sabi nila ay sa maling tao daw ako nahulog. Pano naging mali ang mahalin ang isang tao? Ikaw sa tingin mo ba maling tao ang mga naging Ex mo?" seryoso itong nakatingin diretso sa mata ko.
"Sabi nila kase hindi ko sya nakatuluyan o hindi kami nagtangal kaya sa maling tao daw ako nagmahal."
"Sa tingin mo kung mag tatagal kayo ay magiging tamang tao na sya para sayo?"
"Hindi ko alam" malungkot kong sabi. Totoo naman di ko talaga alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"May mga mag magkasintahan na nagkakatuluyan sasabihing sya na yung tamang tao para sa pero pag nag hiwalay sasabihin Maling tao ang napangsawa nya. Maling tao ba ang minsang nag pasaya sayo? Maling tao ba ang minsang naging dahilan kung bakit buo ang araw mo? Maling tao ba yung nagpapatibok ng puso mo? Maling tao ba yung nag bigay sayo ng madaming memories? O naging maling tao lang sya para sayo kase hindi naging kayo hanggang pag tanda mo?" Mahabang turan nya sa akin. Tama naman si Jho eh. Paano mo masasabing maling tao ang minsan nagpatibok ng puso mo? Natahimik lang ako habang naka yuko inaantay ang susunod nyang sasabihin.
"Kukunin ko lang yung niluto ko ah? Para maka kain na tayo. 3 pm na pala" natatawa nyang sabi bumabalik na naman sya pagiging masiyahin nya na parang kanila lang eh kasing lalim ng dagat na to ang hugot nya sa buhay.
Tumango ako sa kanya kaya tumayo na ito pinagmasdan ko lang sya hanggang maka rating sya sa kotse nag thumbs up pa sya para sabihin okey lang sya at kaya nya na.
Lalong tumaas ang urge na gusto kong makilala si Jho. Masyado syang misteryoso para sa akin gustong gusto ko makilala Si Jho.
Sa lalim ng iniisip ko ay di ko na namalayang nakabalik na sa tabi ko si Jho. May dala syang Tupperware dun nakalagay yung Carbonara At may dala rin syang inumin.
"Minamagic mo ba yung mga niluluto mo? Bat ansarap?" natatawang tanong ko sa kanya habang ngumunguya.
"Di ka ba tinuruan na wag mag salita pag may laman ang bibig?" pabalik nyang pambara sa akin.
"Wala naman tayo sa formal Meeting or gathering para maging pormal sa pagkain eh." Sagot ko sa kanya.
"Bat mo ko gustong makilala?"
"Wala bakit masama?" sagot ko sa kanya at kumain ulit.
Di ko alam pero may tumutulak sa akin na kilalanin si Jho ng lubusan parang matagal ko na nga syang kilala eh. Pati sa pakikitungo nya sa akin parang antagal na naming magkakilala.
"Hoy Isabel Beatriz baka makain mo pati tinidor" nabalik naman ako sa realidad ng madinig ko ang mapang asar na boses ni Jho.
"Ayoko na nga!" sabay lapag ng tinidor ko
"Syempre ubos na wala na talaga" natatawa nyang sabi "Takaw takaw di tumataba" dugtong nya pa.
"Ikaw ang takaw takaw kaya antaba." pang iinis ko sa kanya inirapan nya lang ako.
"Magtanong ka nalang sakin Jho daliii" nilagay naman nito ang kamay sa kanyang baba na parang nag iisip.
"Ilan na Ex mo?"masya nyang tanong na parang peke di ko alam kaya di ko nalang pinansin.
"1 palang naman" sagot ko sa kanya.
"Ilang mnths kayo?"
"2 yrs." malungkot kong sabi.
"Bat kayo nag break?"
"Kase nakahanap sya ng mas better sa akin" pilit akong ngumiti sa kanya para sabihing okey lang ako. Bahagya ko pang nakita na napakuyom sya ng kamay ngunit nawala din agad ito "Ano ba yan Bat kase ganun tinatanong mo dapat basic muna"
"Ikaw kase mauna wala nga kong maisip eh" naka pout nyang sabi
"Mukha lang pato na kulay black" pang aasar ko
"Mukha kang tingting na tinubuan ng mukha" irap nya sa akin.
"Laglag kaya kita dito sa cliff" sabi ko sa kanya at tumayo.
"Sige pag namatay ako wala ka ng makikitang kasing ganda ko sa mundo kala mo" nag flip pa sya ng buhok nya.
"Arte ah" Komento ko at naupo ulit sa tabi nya. Bigla ko namang naisip yung pamilya ni Jho kaya di ko maiwasang mag tanong "Asan pala Parents mo Jho?"
Naging tahimik ang paligid namin na pawang mga ugong lang ng hangin at hampas ng alon ang naririnig. Lumingon ako sa kanya dahil di sya nag sasalita.
"Wala na kong magulang. Patay na sina Nanay at Tatay" nakayuko nyang sabi habang naka kuyom ang mga kamao nya.
Di ko mapigilang di sya yakapin ng mahigpit kaya tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina nya pa pinipigilan. Nayakap rin sya ng mahigpit sa akin at patuloy na umiiyak.
"Bakit sila namatay?" tanong ko sa kanya habang hinahagod ang likod nya.
"May pumatay sa kanila" madiin nyang sabi ramdam ko ang pag kuyom ng kamao nya sa likod ko kaya kinuha ko iyon at hinawakan pagtapos ay niyakap ko sya ng mahigpit.
Ganto pala talaga si Jho madaming kinikimkim. Sino ba namang mag aakala na Wala na yung parents nya dahil pag tinignan mo sya ang Jolly nya masyado tapos mapang asar pa sya parang walang pinuproblema sa mundo pero ito sya ngayon umiiyak sa dibdib ko.
******
