Jhoana Louisse Maraguinot
"Hoy Isabel ano ba!? Akin na yan sabi eh! Ito yung pagkain mo oh!" Sigaw ko kay Isabel habang inaagaw yung Baon ko.
"Ayoko nyan! Iyo nalang yan palit tayo." sigaw nya pabalik sabay kain dun sa baon ko.
Kinuha nya yung baon ko tapos itong inorder ko para sa kanya ayaw nya! Kaya nga Ako nag luto ng para sa akin eh. Kinuha ko nalang ang burger at Fries at yun ang kinain.
"Shino nak luttto nito Louisshe?" tanong nito habang may laman ang bunganga.
"Dont speak when your mouth is Full" sabi ko dito at tinignan sya ng masama.
Agad nya namang linunok ang Nasa bunganga nya "Sino ba kase ng luto nito? Bat ang sarap"
"Bat kailangan mo pa malaman?" pag tatarat ko sa kanya.
"Damot!" Sigaw nya at pinag patuloy ang pagkain.
"Ako pa talaga madamot ah? Wow lang Eh FYI Ms. De Leon Baon ko po yang kinakain mo tas ako pa madamot?"
"Alam kong baon mo to at FYI din po Ms. Maraguinot Boss mo po ako dito" Sagot nya na dinidiinan ang Po sa mga sinasabi nya at nag smirk.
"Yeah Whatever!" irap ko sa kanya at ibinalik ang atensyon sa pagkain ko "Mabulunan ka sana" bulong ko.
*Cough* *cough* *cough*
Agad syang tumayo at kinuha ang Softdrinks na nasa Lamesa sa harap ko.
"Bilis nga naman ng Karma oh" nakangiti kong bulong
"May sinasabi ka ba Louisse?" masama ang tingin na tinapon nya sa akin.
"Wala po Ms. De Leon ang sabi ko lang Po ingat po kayo at wag mag madali" pang aasar ko pa lalo.
Una palang ay alam ko ng sya ang magiging boss ko masaya ako at the same time ay nasasaktan. Di ko maiwasang di sya titigan gusto kong haplos ang kanyang mukha gusto kong sabihin kung gaano ka ganda ang kanya mga mata pero hindi maari.
"Matunaw ako Louisse. Alam kong pogi ako pero wag mo naman ipahalata" pag mamayabang nya habang nililigpit ang pinagkainan nya.
"Yabang nito." irap ko dito at umiwas ng tingin Sa totoo lang ay oo gwumapo ka lalo gwumapo ka ng sobra.
"Ito na oh Bukas pagbaon mo din ako nyan ah? Salamat Louisse" nakangiti nyang sabi sabay gulo ng buhok ko.
"Ano ba yan nakakapagod kaya mag suklay tas guguluhin pa" pag paparinig ko sa kanya.
"Wag ka nga Di ka naman nag susuklay eh." sagot nya at bumalik sa mesa nya.
Lumipas ang oras na wala akong ginawa kundi ang Awayin sya at ang titigan lang sya buong mag hapon habang busy sya sa pag babasa ng di ko alam. Baka may kinalaman yun sa Negosyo nila.
Lumabas na ko ng Company nina Isabel at Nag abang ng masasakyang Taxi pero may biglang huminto sa harap ko na Benz at ng ibaba ng driver ang bintana ay nakita kong si isabel yun.
"Ampogi lang leche!" sabi ko sa isip ko.
"Hey Louisse! Hatid na kita!" sigaw nya mula sa loob at binuksan ang pinto ng kotse nya
"Salamat." nakangiti kong sabi sa kanya at nag seatbelt.
"San punta mo?" tanong nito at nag start na ng Kotse nya.
"Moa Seaside mo nalang ako hatid"
"May ka date ka? Grabe naman Ang malas nung tao" pang aalaska nya.
"Pag moa Date agad? Iba rin isip nito eh tyaka Hoy di sya malas no! Swerte nya kaya sakin"
"At Baket naman?" bahagya pang tumungin sa akin at bumalik ulet ang tingin sa daan
"Swerte nya may Jowa syang Dyosa" pagmamaganda ko sa Kotse nya sabay hawi ng Buhok ko. Bigla naman syang napa preno kaya muntik na kong mauntog. "Hoy beatriz balak mo ba kong patayin?" inis na sabi ko sa kanya.
"Sorry may nakita kase akong parang tumawid eh." Sabi nya na parang may hinahanap.
"Palusot.com ka rin eh no? Sige na Andar na wala naman eh." sabi ko dito sabay Ayos ng upo lumingon muna sya sa akin para tignan kung okey lang ako kaya nag thumbs up ako para sabihing okey lang.
"Anong gagawin mo sa Moa Seaside?"
"Mag suswimming ako dun Isabel. May dala nga kong swimsuit eh" pamimilosopo ko dito.
"Oh sige nga pag ikaw di nag swimming dun ah!" pang gagatong nya kaya naman nginitian ko sya.
"Joke lang. Manunuod ako ng Sunset"
"Bat sunset mas maganda kaya sunrise" sagot nya sabay Hinto.
"Edi ligawan mo mas maganda pala eh." sagot ko at bumaba. "Salamat" nakangiti at sincere kong sabi sabay sara ng Pinto ng Kotse nya
Nag tungo ako sa may mga bato at doon umupo Tahimik ang paligid tanging ang pag hampas lang ng alon ang ingay na maririnig.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nag simula ng lumubog ang Araw. Nagpapatunay na matatapos na ang Liwanag at Simula nanaman ng Kadiliman. Naging kulay Orange ang Paligid.
"Bat gustong gusto mo ang Sunset?" amoy palang ay kilalang kilala ko kung sino ang nag salita.
"Isa kasing patunay na di lamang puro liwanag ang mayroon kailangan balanse at mag sisumula na ang kadiliman. Na Hindi sa lahat ng Oras ay Masaya kailangan din ng Lungkot o kasakitan para maging balanse ang buhay kase boring kung puro liwanag lang at di ka nahihirapan mangapa sa gitna ng dilim ganun din sa buhay natin boring din kung puro masayang bagay lang ang nangyayare kailangan din minsan masaktan." Pagkatapos kong sabihin yun ay tumingin ako sa kanya at ngumiti kasabay ng pagngiti nya ay ang pag kagat ng dilim.
"Hindi ka ba nalulungkot kase diba ang Sunset ay katapusan rin?"
"Lahat naman kailangan mag tapos eh. Lahat naman may hangganan kaya nga na anjan ang mga tala at Buwan na syang nagbibigay ng ilaw sa atin di man kasing liwanag ng araw pero sya ang nag gagabay sa atin sa Gitna ng dilim at nariyan rin ang Sunrise para bigyan tayo ng pag asa na may darating na panibagong araw panibagong simula panibagong pag asa at panibagong dahilan" tumingin ako sa kanya bago ko tapusin ang aking salita "para sumaya sa mga panibagong tao na mag dadala ng saya sa buhay mo"
"Baket ganto? Kanina lamang kita nakilala pero ang gaan gaan ng loob ko sayo na parang dati pa ay kilala na kita?" Tumingin ito sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko.
"Hindi ko alam Siguro ay madali lang talaga ako pakisamahan." pag dadahilan ko dito at tumayo na "Gabi na Kailangan na nating umuwe." pag aaya ko sa kanya.
Tahimik lang kami na sumakay sa kotse nya. Binigay ko sa kanya yung Address ng bahay ko kaya naman nag patuloy lang sya sa pag mamaneho hanggang makarating kami sa bahay.
"Salamat Isabel" bababa na sana ako ng pigilan ako nito.
"Louisse" seryoso nyang tawag sa akin. "Baket?" sagot ko sa kanya ng may halong pag tataka.
"Gusto kitang makilala ng Lubusan." sisenro nyang sabi sa akin habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Nangungusap ang mata nya na parang nangungulila. "Pwede ba?"
"Oo naman walang kaso pero sa ngayon ay umuwe kana gagabihin kana masyado. Mag iingat ka" bago ako bumaba ay binigyan ko sya ng isang halik sa noo na nag pakunot ng kilay nya. Pagkatapos nun ay tuluyan na akong bumaba at pumasok sa bahay.
***********