Chapter Two

803 9 0
                                    

Chapter Two:

Dumaan ang mga araw at lagi ko na syang nakakasabay sa pag-hihintay ng bus.

Dito sa bus stop na nga rin ako laging nag-hihintay ng bus, ni hindi na nga ako nag-tataxi, makita lang sya.

Haayyy....
Feeling ko, gusto ko na nga sya ehh.

Kaya heto na naman ako sa bus stop na ito at as usual nag-hihintay ng bus at syempre hinihintay at nagbabakasakali na makita syang muli.

Ngunit inabot na ako ng syam-syam, pero wala pa rin sya.

Hanggang sa may humintong bus sa harapan ko at di ko mapigilang lumingon sa likuran ko kung na saan ang bus stop habang paakyat na ako sa bus.

Umaasa na dumating sya at masilayang muli.

Pero nawalan na ako ng pag-asa na makita sya, nang maka-upo na ako at unti-unti ng umaandar ang bus na sinasakyan ko.

Ngunit huminto sandali itong bus, pero hindi ko na ito pinag-tuunan pa ng pansin dahil agad rin namang umandar itong bus.

Nang bigla na lang na may umupo sa tabi ko.

At nang tumingin ako rito ay nagulat ako at lihin na natuwa, sapagkat muli ko na naman syang nakita.

Dahil sa labis na ligaya na nadarama ng puso ko,  parang ayaw ko nang huminto at makarating sa destinasyon ang bus na ito.

-
Sa buong duration ng biyahe ay wala akong ibang ginawa, kung hindi ang lihim syang tingnan at pag-aralan lahat ng galaw at features nya.

May isinusulat rin sya pagkatapos ay inilgay nya ito sa loob ng wallet nya.

Hanggang sa huminto na nga itong bus na sinasakyan namin at kinakailangan na nyang bumaba

At wala akong ibang ginawa, kung hindi ang panuorin lang syang bumaba hanggang sa umandar na itong bus at hindi ko na sya matanaw pa.

Haaayyyyy......








-----


















hella_29

Bus Stop (Short Story) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon