Chapter Three:
Pag-kalampas sa inter section nitong bus at hindi ko na sya matanaw pa ay sumandal nalang ako sa sandalan ng kina-uupuan ko at napabuntong-hininga.
Grabe!
Napaka-gwapo nya talaga at ang bango-bango pa.
Parang naliligo sya ng isang bote ng pabango sa sobrang bango nya.At dahil busy ako sa pag-nanasa at pagde-daydream sa kanya, hindi ko namalayan na huminto pala itong bus at may mga bumaba at sumakay na mga pasahero.
Nalaman ko lang nang may umupo sa pwesto sa tabi ko at sinabi nya---
"Miss, wallet mo."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi sa kanya na hindi akin yun at hindi ako tumanggi nang iabot nya sa akin yung wallet.
At sa hindi ring malamang dahilan ay binuksan ko ito at tiningnan kung kanino.
Oh My!!
Kay kuya sa Bus Stop pala itong wallet na ito.Ang gwapo nya rito sa picture nya.
Sinara ko na rin naman agad ito nang malaman kong kanya pala itong wallet, hindi ko na rin naman inalam kung anong pangalan nya baka lalo ko lang syang hindi ma-alis sa isip ko.
Isasa-uli ko nalang sa kanya ito, dahil sigurado namang mag-kikita pa kami bukas sa may bus stop.
-
Ngunit bigo ako, hindi sya dumating.Dumaan pa ang mga araw at naghihintay pa rin ako sa kanya.
Hanggang ang araw ay naging linggo, buwan at naging taon na.
Pero bigo parin ako.At sa mga panahong iyon ay hindi ko ni minsang sinubukan o tinangka na buksan ulit yung wallet nya.
Nanghihinayang ako na hindi ko man lang sya nakilala ng lubusan o kahit maka-usap man lang kahit sandali.
Kung alam ko lang na iyon na pala ang huli naming pag-kikita, edi sana ay nag-pakilala man lang ako sa kanya.
Haayyy........
-------
hella_29
BINABASA MO ANG
Bus Stop (Short Story) [COMPLETE]
Ficção GeralNag simula ang lahat sa Bus Stop. ---- Complete na po ito.