Paano ba magsimula?
Paano ba simulan ang isang bagay?
Kagaya ng kuwentong ito, paano ba 'to nagsimula? Nagsisimula? At magsisimula?
Well, that's kinda the question. Paano ko sisimulan 'tong kuwentong ito kung ngayon palang parang ayoko nang tapusin pa?
Sabi nga ng kaibigan ko 'All great stories must end with a tragically happy ending'
Tragic na nga happy pa rin? Ang gulo n'ya noh?
Well, siguro maniniwala ako sa kanya. Kasi sa totoong buhay naman, kahit anong gawin natin kung ito ang kapalaran. Ito na talaga.
Kailangan lang nating tanggapin na dito nagtapos ang isang bagay, masaya man o hindi, wala kang magagawa. D'yan nagtapos eh. Bakit mo pagpipilitan pa?
Bakit nga ba ako nagsasabi ng ganito?
Bakit ba ang dami kong tanong?
Siguro nga ay dahil naghahanap pa ko ng mga kasagutan.
Living for 25 years, is still an enigmatic journey.
Everyday there's a new surprises, stories and news to know.
Para bang tuwing umaga na gigising ako laging patanong ang pagmulat ko.
Bakit pa ba ako nagising? Bakit pa ko nabuhay? Bakit ba pagkagising ko una kong nakita ay ang kumot kong nakabalot sa katawan ko? Bakit hindi pamilya ko? Bakit hindi isang babae?
Dalawangpu't lima taon na kong nabubuhay pero ni isang beses ay hindi ko maranasan ang makahaplos ng isang babae. Hindi ko naranasang pumasok sa isang relasyon. Bakit kaya?
Choosy ba ko? Hindi naman ako nangarap na sana si Arci Munoz ang maging girlfriend ko pero bakit hindi ko pa nararanasan magka girlfriend?
Ewan ko.
Baka masyado nga lang talaga akong maraming tanong sa buhay na gusto ko pang masagot kaya masyado akong abala.
Nagising na lang ako sa katotohanan ng mapansin kong nagkumpulan ang mga tao sa paligid ko rito sa isang loading and unloading station. Mukhang may paparating na na bus kaya nagsilapitan na sila.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang strap ng bag ko.
Looking at this people, nasesense ko na, standing ovation nanaman 'to.
Sabay sabay umaakyat ang mga tao sa isa lamang pintuan ng pampublikong bus na ito. Nagsisiksikan at nagkaka initan ng ulo dahil sa pagmamadali nila.
Pinauna ko yung mga babae na nasa unahan ko maka akyat at tinulungan pa isang batang babae na maka akyat kasabay ng kanyang Ina.
Sumunod ako at napatingin sa loob ng bus. Puno na nga at mukhang nakatayo na lamang ako sa buong byahe.
Kahit may aircon ay mainit rito sa loob pero wala na kong magagawa, ito na yata ang dapat mangyari kaya ano pa bang magagawa ko? Andito na ko.
Nagsimula nang umandar ang bus at kan'ya kan'ya na lamang kaming balanse upang 'di matumba.
Buti na lang dahil medyo napagkalooban ako ng tangkad kaya hindi ako nahihirapan makakapit.
Alas otso pa lamang ng umaga pero para bang alas singko na ng hapon. Halatang pagod na kagad ang mga Filipino dahil sa pag gigisa samin ngayong umaga.
Nagbayad ako ng pamasahe ko sa kondoktor at nagmasid na lamang sa gumagalaw na mundo sa labas ng bintana ng bus.
Kahit naman araw araw kong ginagawa ito ay di ko parin maalis sa pagkatao ko na tignan ang paligid habang umaandar ang sinasakyan ko. Nakakapagrelax lang ako kahit papano sa panonood lamang noon.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife
RomanceA Novella written for all of the fans of Ricci Paolo Rivero and Michelle Monique Cobb (MiCci) This is R-13, not all are allowed to read the novella. This is a very restricted one so be prepared.