Meet Beatriz De Leon,certified chick magnet. Ano pa bang dapat pang hanapin sa isang mayaman,maitsura,matalino at sikat na tao? Yun nga lang may pagkababaero.
Marami sa atin patuloy na hinahanap ang taong nakatadhana, pero sa maling paraan natin ginagawa. Lumalayo pa tayo sa posibilidad na nasa malapit lang pala ang taong nakatakda sa isa't isa.
Masakit lang harapin ang katotohanan kapag napagod na siya maghintay.
Kapag bumitaw na siya ng hindi mo manlang nagawang higpitan ang kapit.
Kapag huminto na siyang tignan ka sa mga mata na dati sa pagtingin niya lamang sayo makikita, pero ngayon? Unti-unti ka na niyang kinakalimutan hanggang sa maging bahagi ka nalang ng nakaraan.
Kaya hanggat maaga pa gumising ka na sa katotohanang hindi habang buhay maghihintay siya, hindi habang panahon mamahalin ka niya, lalo pa't uso ang mapagod at masaktan hanggang sa huli na.
Hawak na siya ng iba.
"Patawad Jho, Hindi na mauulit pa. Mamahalin kita higit pa sa nakaraan nating dalawa. Huwag ka lang bumitaw sa pangakong, Ikaw at ako, hanggang dulo, tayo pa ring dalawa. Mahal na mahal kita." - D
"Minsan nakakapagod din umasa,masaktan,maiwan sa kawalan. Pero heto pa rin ako ngayon minamahal ka ng walang labis at kulang." - M