Harvy

5 1 0
                                    

++++++++++++++++++++++++++++

"Ano ka ba talaga? Pusa na naging tao?" si Lorry

"O tao na naging pusa?" dugtong ni AJ

"Ah, ano kasi" hindi malaman ni Miya kung paano sasagutin ang mga katanungan nang mga kaibigan ni Jassen.

Laking pasalamat na lang niya na sa halip na matakot sa kanya ang mga ito ay mukhang na-excite pa sila. At ngayon nga ay hindi niya alamkung paano sila sasagutin.

Lagot ako nito pag nagkataon.

"Teka, are you not cursed?" si Lorry "Just like in movies, at para mawala ang curse ay kailangan nang true love's kiss."

True love's kiss?

Sabay-sabay silang napatingin kay Jassen nananahimik sa isang gilid.

"Tsk. Bakit ganyan ang tingin niyo sa akin?"

"Hayyy...hindi bagay kayJassen."

"Sang-ayon ako sa iyo Mahal."

"Bakit naman hindi?" inosenteng tanong ni miya na ikinanga-nga nang lahat.

"Gutom lang yang pinagsasasabi niyo." si Jassen "Mas mabuti pang kumain na lang tayo."

At iniwan na sila nito.

"Hindi man lang mabiro." bulong niya.

---

Diretso ang tingin at may misteryosong ngiti sa labi si Harvy habang naglalakad sa hallway nang kanilang pa-aralan.

Hai...alam kong gwapo ako pero..

Biglaan siyang huminto saka pasimple niyang tiningnan isa-isa ang bawat babae na agad umiiwas ng tingin sa kanya. May iba naman na kumakaway sa kanya at namumula pa habang nagpa-flying kiss.

tsk. Gwapo nga siguro ako pero ang mga babaeng ito dapat mahiya naman sila!

"E-excuse me."

May isang maliit na babae ang nasa harap niya at may hawak na regalo.

"Harvy Chavez m-m-m-may ibibi-"

Pandak."Hindi ako interesado." putol niya dito "Hindi ako interesado sa mga pandak na babae.Isa pa," he look at her from head to foot and stop his gaze on her breast na ikinapula nito saka siya bumulong "Maliit."

He tilted his head and is about to walk away when someone caught his attention. May isang babae ang naglalakad papalapit sa kanya. Mahaba ang itim na itim nitong buhok na sumusunod sa bawat indayog nang galaw nito. She has this sweet and mysterious smile and a catlike eyes that is hard to ignore.

Ang ganda niya.

thud.

thud.

thud.

thud.

Napahawak siya sa dibdib.

Teka, ano ito? Bakit ang bilis nang tibok nang puso ko?

Muli siyang napatingin sa babae nang malapit na ito.

"T-teka lang."

Pero nilagpasan lang siya nito leaving her alluring scent behind. Nasundan na lang niya ito nang tingin.

Ang bango niya. Sino kaya siya?

"Hindi ka ba tatabi?"

Huh?

Liningon niya ang nagsalita and smirk upon seeing who's behind him.

"Himala at kinaka-usap mo na ako ngayon Jassen. Kasama mo pa rin pala ang dalawang-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang banggain siya ni Jassen at lagpasan siya nito.

"Teka lang!"

"Bitawan mo ako." matigas na sabi ni Jassen na nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"Huwag kayong mag-away dito." singit ni AJ sa kanilang dalawa. "Baka mag-away pa ang mga fans niyo. Nako! Pag nagkataon ang laking gulo noon!"

"Hayaan mo lang sila AJ." si Lorry "Masaya kayang malaman kung sino ang mas malakas ang fan base. Si Jassen o si Harvy?"

Tama si AJ maraming studyante ang nakatingin sa kanila. Atubili siyang napabitiw kay Jassen.

"Ano pa ang ginagawa niyo dito?"

"Ah, Miya pasensya na may kina-usap lang kami." si Lorry saka nilapitan ang babaeng nagpakaba sa kanya.

Magkakilala sila?

Sa gulat niya ay hinawakan nito ang mga kamay ni Jassen saka hinila.

"Tayo na Jassen. Gutom na ako."
.
.
.
Bakit siya nakahawak sa kamay ni Jassen?

.
.
.
huwag mong sabihin na...
.
.
.

Magboyfriend sila?!?!?!?

++++++++++++++++++++++++++++

That's my Cat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon