+++++++++++++++++++++++++++++++
"Haaayyyy...napakasariwa nang hangin dito sa itaas nang rooftop" kausap ni Jassen sa sarili habang nakadungaw sa ibaba nang campus nila.
Meeeoooowwwww.....
Meeeoooowwwww.....
Meeeoooowwwww.....
Dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggalingan nang ingay at nakita ang isang cute at matabang pusa na panay ang lambing sa kanyang mga paa.
PPPPUUUUUUSSSSSSAAAAA!!!!!!!
Parang nagkaroon nang fireworks ang paligid at mabilis na kinarga niya ang pusa saka buong panggigigil na niyakap mang mahigpit.
"pusa!!! ang cute! cute! cuuuuuuuuuuuuuttttttteeeeee!!!!!!!!!! mooooooo!!!!!!!"
"MMMEEEEOOOOOWWWWW!!!!!!"
"Nagugutom ka ba? Heto may dala akong pagkain para sa iyo" agad niyang kinuha ang dalang sandwich na lagi niyang dala-dala.
"grabeh, ang cute mo talaga kahit kumakain ka~~~~"
Ngunit wala namang pakialam ang pusa at patuloy lang ang pagkain nito hanggang sa matapos.
"Ano? Nagugutom ka pa ba? Nauuhaw? Sabihin mo lang at-"
POOOOFFFFF!!!!
Biglang sumabog ang pusa at naging usok na dahan-dahang lumaki. Ilang sigundo ang lumipas at mula sa usok isang imahe nang isang babae ang nabuo. Mahaba ang napaka-itim nitong buhok at napakaganda nang hubog nang katawan nito. Kakaiba din ang malapusa nitong mata na agad tumutok sa kanya.
Ubod tamis itong ngumiti "Maraming salamat, pero hindi na ako na-uuhaw."
"PUUUUUUUSSSSSSSSAAAAAAA!!!!!!!!!!!"
++++++++++++++++++++++++
BINABASA MO ANG
That's my Cat!
RomanceJassen love cats. All types of them. He love them whether they were thin or fat. Pero nagbago ang lahat nang yon nang ang isa sa mga pusang pinapakain niya ay mag-anyong babae. Isang babae. Will he still love cats after then?