> Friends but < Lovers ♥ Part II - I.S.W.A.D

115 7 0
                                    

Nagkaroon na ng maraming session ng practice ang musical Drama na "It Started with a deal: I dare you, you'll be mine!" na dinidirect nila Sir Mat, Kat at Brynx. Kalahati na ng September at ilang araw na ang lumipas bago magsimula ang practice ng Drama at ilang araw na lang at ipepresent na ito sa buong campus. And at this point nagkakalabuan na si Katrina at Elf.

( http://www.youtube.com/watch?v=xL_hPEaTQ2w Promise by Yeng Constatntino )

"Pwede ka ba muna makausap?" tanong ni Elf kay Kat na nag-aasikaso para sa next na ipapractice

"Sure, ano ba yun?" sagot ni Kat

"Pwede ba yung solo lang tayo,walang nakakakita" sabi ni Elf na parang pinaparinggan si Brynx na tumutulong kay Kat.

"Sure, Brynx saglit lang aa" paalam ni Kat kay Brynx

Nagpunta na ang dalwa sa labas ng School at pumunta sa harap ng School Library.

"About saan ba yun?" tanong ni Kat

"Uhm, Kat kasi."

"Kasi?"

"Im breaking up with you." mabilis na pagkakasabi ni Elf

"Aa? Ano ulit?" tanong ni Kat na naguguluhan.

"Kasi, hindi ko na matiis yung kung ano yung meron tayo. Oo, perfect girlfriend ka pero hindi ko makita sa relasyon natin kung ano ang hinahanap ko sa isang relasyon." paliwanag ni Elf

"Sabihin mo joke lang yan. Please. Im serious." sabi ni Kat

"Wala ng joke doon. Totoo na to." sabi ni Elf

"Aa. Masaya ka aa, kung akala mong pipigilan kita, masaya ka." galit na pagkakasabi ni Kat kasi sino ba namang ewan ang hindi magagalit. Siya pa ang may ganang makipagbreak.

"Hindi ko alam kung ano ang totoo mong dahilan. Pero sana pinag-isipan mo yan. After this, bahala na tayo sa treatment natin sa isa't isa" sabi ni kat

"Pero gusto ko sana, kaibigan pa rin kita." sabi ni Elf

"More than Friends Less than Lovers?! Bigyan mo ako ng oras na makapag-isip at tanggapin na totoo tong mga nangyayari." sabi ni Kat

"Pero Kat.."

"Sige Elf, double time na. Kailangan pa ninyong ipractice ni Clair ang scene niyo" pagpapaalam ni Kat na pigil ang pagluha.

Unang bumalik si Elf sa Gym dahil naisipan pa ni Kat na ayusin muna ang sarili at hindi ipahalata na mukha siyang iiyak, lalo na kay Brynx.

"Asan na si Kat?" tanong ni Brynx sa sarili

"Oh Elf, antagal niyo naman. Asan na si Kat?" tanong ni Clair

"Nagpaiwan lang siya, Clair, mag-usap tayo later" mahinahon na pagsabi ni Elf

"Oh andiyan na pala si Clair. Tara. Ipapractice natin ngayon ang drama scene ni Ryan (role ni Elf) at Rea (role ni Clair) Get ready guys" sabi ni Sir Mat. 

Naging handa na nga ang lahat, tumugtog na ang sounds at nakahanda na rin ang dalwang bida. Pero si Elf ay parang gulong-gulo kapag nakikita niya si Kat.

"Rea, asan na ba ang Rea na nakilala ko noon na matapang, palaban at handang humarap sa iba?" sabi ni Elf bilang Ryan

"Rea? Matapang at Palaban? Kung alam mo lang na napakahina kong tao Ryan. Akala mo ba kilala mo na ako? HINDI PA RYAN HINDI!" sabi ni Clair bilang Rea

It started with a deal, (Pustahan tayo, Magiging akin ka!). ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon