Kasalukuyang naghahanda sina Marcus at Anna Luise ng pagkain para sa dinner date ng huli nang tawagin ni Rose ang lalaki.
“Marcus, don’t waste this opportunity para mapa-ibig mo si Anna Luise.” mahinang bulong ni Rose sa lalaki. Isang tango lang ang isinagot ni Marcus pagkatapos ay muling bumalik kay Anna Luise. Tahimik namang nakamasid sa kanila si Rose. Tiningnan siya ni Anna Luise, waring nawala ito sa concentration sa presensya niya. Nagbigay ng senyales sa kanya si Marcus upang umalis siya. Hindi man nagustuhan ni Rose ang ginawang iyon ng lalaki ay sumunod siya. Naisip niya na hindi nga naman ilalalabas ni Anna Luise ang pagkagusto nito sa lalaki kung naroroon siya at nakamasid.
Noong makahanap muli ng pagkakataon si Rose ay kinausap niyang muli si Marcus.
“Marcus I’ll make a way para hindi makapunta si Brent sa Dinner nila ni Anna Luise. Be sure that you’ll be there to comfort her. Be her shoulder to cry on. And use her vulnerability to ensnare her.”
Matipid na “okay” ang naging sagot ni Marcus.
Mabilis na sumibat si Rose para isagawa ang kanyang maitim na balak sa boyfriend ni Anna Luise.
***
“Nakikita mo iyang lalaking ‘yan?” tanong ni Rose sa babaeng pumasok sa kotse ni Charice. Ang babaeng ito ang magiging kasangkapan niya sa plano niya.
“Oo” sagot ni Sandra sa kanyang bedroom voice. Binalingan siya ni Rose. Maganda si Sandra, makinis ang balat at nakaka-akit ang mga mata, at mapaglaro ang ngiti, tipikal na katangian ng mga babaeng nagbebenta ng aliw. Saan nga ba napulot ni Rose ang babaeng ito? Hindi na niya matandaan but she’s willing to help her. Bumalik ang tingin nilang tatlo sa lalaki na lumakad na papalayo sa kanyang kotse. Nasa basement parking sila ng isang condo building. Hindi alam ni Rose kung anong ginagawa doon ni Brent ni masugid nilang sinusundan kanina pa. Nakita ni Rose ang mapanuksong ngiti sa labi ng babae, halatang type nito si Brent.
“Ganito ang gagawin natin,” nagsalita si Rose. “Bubutasin ni Charice ang gulong ng kotse ni Brent pagkatapos ay darating ka to offer him a lift. Pag nasa kotse na kayo, ikaw na ang bahala kung anong gusto mong gawin. Isa lang ang kailangang mangyari, ang hindi siya makarating sa dinner date niya.” Ibinukol ng babae ang kanyang dili sa loob ng pisngi pagkatapos ay ngumiti ng maluwang. Alam ni Rose na gagawin nito ang lahat upang makamit ang gantimpalang naghihintay para sa kanya kapag naisagawa niya ng maayos ang iniaatas sa kanya. Bumaba na ang babae sa kotse at lumipat sa kotseng dala nito.
“Sure.” nakangising sagot ni Sandra. “Mukhang mag-eenjoy ako dito.” Sinipat ni Rose ang buong lugar upang makasigurado na walang guard o sino mang tao sa paligid.
“Charice sige na umpisahan mo na.”
“Sure ka ba dito mare? Baka naman makulong tayo nito?”
“Kaya nga bilisan mo na. Wala naman tayong gagawing krimen noh.”
“Bakla hindi ba malicious mischief itong gagawin natin?” Tiningnan ng masama ni Rose si Charice. Umiling-iling si Charice pagkatapos ay ngumiti.
“Bahala na nga.” Mabilis na bumaba ng kotse si Charice. Nakasuot siya ng hooded jacket at isang madilin na pares ng sun glasses. Umupo sa tabi ng gulong ng kotse at kinuha ang isang patalim mula sa bulsa. Nagtagumpay siya sa pagbutas ng lahat ng gulong.
Makalipas ang halos dalawang oras ng paghihintay ay muling namataan nina Rose ang lalaki. Nagbigay siya ng signal sa babaeng kanuntasba. Bakas ang panlulumo sa mukha ni Brent ng makita niya ang kalagayan ng kotse. Kailangang kumilos ng mabilis na kumilos si Sandra bago pa makahanap ng tulong ang lalaki. Pumihit ang sasakyan ni Sandra papalapit sa lalaki.