Chapter 12 - FINALE

1.1K 23 12
                                    

Lumipas pa ang dalawang buwan ngunit hindi napawi ang sakit at hindi nabawasan ang pangungulila ni Rose. Umuwi sila sa kanilang Villa sa Batangas. Naka-upo siya sa patio ng hapon na iyon at umiinom ng kape, sa loob ng bahay ay abalang-abala ang mga tao dahil sa ngayong araw nakatakdang bumisita si Francis at ang kanyang mga magulang.

Gusto niyang mapag-isa. Nagdesisyon siyang sundan ang daan na naliligiran ng mga bulaklak patungo sa isang maliit na lawa. Napakaganda ng tanawin ngunit walang nagawa iyon upang pasayahin si Rose. Mapagpala ang sikat ng araw ngunit hindi nakatulong iyon upang mainitan ang malamig na puso ni Rose. Nakita niya ang mga magaganda at makukulay na mga paru-paro na nagpapalipat-palit ng dapo sa maririkit na bulaklak.

Naalala na naman niya si Marcus, pero hindi na siya umiyak, nangako siya sa kanyang sarili na hindi na siya iiyak. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Papalapit sa direksyon niya ang isang heavily-tinted na sasakyan. Dumating na sila. Nagpanic si Rose. Ngayon niya makikilala ang lalaking papakasalan niya. Hindi manpamamanhikan ang sadya ni Francis, nararamdaman ni Rose na maaring doon na rin mauwi iyon. After all, nagdesisyon na siyang tanggapin ang lalaki upang maging kabiyak.

Naalala na naman niya si Marcus. Ganito pala ang nagmamahal, wala kang ibang naiisip kundi ang taong minamahal mo. Tulad ngayon parang may nakikita siyang lalaki, parang si Marcus. Imposible naman maging si Marcus iyon Kinusot niya ang mga mata niya.

Nagdesisyon si Francis na lakarin nalang ang daan patungo sa Villa ng mga Santillan. Namangha siya sa simpleng ganda ng Villa at ng lupain na nakapaligid dito. Niyakap niya ang malamig na ihip ng hangin.Ninamnam niya ang banayad na sikat ng araw. Nagdesisyon siyang maglakad-lakad muna upang magisip at upang mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Para siyang isang schoolboy na kabang-kaba sa magiging pagkikita nla ng crush niya. Natanaw niya sa di kalayuan ang isang babae. Iyan nab a si Rose?

Taglay pa rin niya ang gandang tanging kanya lamang. Kakaiba ang ganda ni Rose hindi dahil sa pisikal na katangian niya kundi sa natatangi niyang personalidad. Si Rose nga. Pareho silang tumigil sa paglalakad, nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Maya-maya pa ay tumatakbo na ang lumuluhang si Rose papalapit sa kanya. Sinalubong niya ang babae sa mga bisig niya.

Marcus! Marcus! Walang masabi si Rose kundi Marcus. Wala siyang pakialam kung maghalo man ang sipon at luha niya sa pagbuhos ng pananabik niya sa lalaki. Hindi niya alam kung paano niya tinawid ang distansya sa pagitan nila, isa lang ang gusto niya ang yakapin si Marcus. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakasubsob sa dibdib ni Marcus, pero may kutob siyang matagal iyon dahil basang-basa ang damit ni Marcus ng mag-angat siya ng mukha. Kaagad niyang hinalikan si Marcus, wala siyang pakiaalam kung anong isipin ni Marcus sa kanya, basta iyon lang ang gusto niya, ang yakapin at halikan ang lalaking mahal niya.

“Marcus mahal mo pa ba ako?” nagawa niyang itanong sa pagitan ng paghalik-halik niya sa labi ng lalaki.

“Kasi ako mahal na mahal kita,” Halik

“Huwag mo na akong iiwan,” Halik

“Kahit anong sabihin ko sa iyo,” Halik

“Kahit magalit ako sa iyo,” Halik

“Huwag mo akong iiwan kasi isa lang ang totoo – mahal na mahal kita,” Halik, halik, halik.

Hindi makapagsalita ang lalaki na tinatanggap ang bawat halik ni Rose. Maya-maya pa ay inilayo ni Rose ang mukha niya at tinitigan ang lalaki ng masama.

“Bakit hindi ka sumasagot?!” Nangiti si Marcus pagkatapos ay hinalikan ang babae.

“Paano ako makakasagot e panay ka halik?”

Nagtulis ng mga labi si Rose, pagkatapos ay biglang lumaki ang mga mata sa pagkakaalala ng isang bagay. Hinila niya ang kamay ni Marcus.

“Marcus umalis na tayo dito! Tumakas na tayo. Ipapakasal nila ako kay Francis. Ayaw kong magpakasal sa kanya. Ikaw ang gusto kong maging asawa” tuluy-tuloy lang sa paghila si Rose kat Marcus na nagpapatangay naman sa babae.

The Witch with a Capital B and Her Unscrupulous Slave (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon