Klein's POV
Its this true? Nasa harap ko ba talaga siya? Waaaaahhhh
"Hiro?"
Hala! Nakangiti lang siya sa akin lalo tuloy nawawala yung mga mata niya. Lalo ko tuloy siya nagiging crush. Hehehe XD
Tama kayo ng basa, crush ko siya hmmm hindi ko maalala kung kailan nagsimula itong nararamdaman ko waaaaahhhh ano daw? Hahaha pero medyo/slight crush lang okie?
Basta biglaan nalang..
"Klein ^^ " haluuuu nasaan na yung mata mo, nawawala na, di ko makita
"Yes? ^___^ "
"Bakit kasi mag-isa ka lang? Bakit hindi ka nagpasundo sa driver niyo? Muntik ka ng mapahamak tuloy." Nagulat naman ako ng bigla niya Kong yakapin... Omyyyy niyakap ako ni crush... Waaaaahhhh...
Klein kalma. Kalma lang Klein, si crush lang yan. Yun na nga eh! Si crush kasi tong yumakap sa akin. 😆😆
"Pinag-alala mo ko Klein." Hay sa wakas tinanggal niya na yung pagkakayakap niya sa kin.
"Hehehe sorry" napatingin naman ako sa suot niya. Teka!
"Hiro, ikaw ba yung sa bus kanina?" hindi ako pwedeng magkamali, siya nga yun. Yung suot niya eh katulad nung sa nakatabi ko sa bus.
"Hehehe ako nga" hala! parang nahihiya siya. Cute! Pero nakakahiya baka nalawayan ko siya haha joke lang noh
"By the way Klein, bakit mag-isa ka lang?"
"Mag-isa? Hahaha may kasama kaya ako" Kumunot naman yung kilay nya hahaha nako! Ito talagang si crush xD
"Sino?" Hayyy
"Edi ikaw! Sino pa ba? Hahaha" natawa naman siya. Kainis ang cute niya lalo.
"Teka nga, bakit ka pala nandito? I mean hindi naman dito yung bahay niyo?" tanong ko sa kanya.
"Hmm. K-kasi nag-iikot-ikot lang. Oo yun nga. Hehehe" sabay hawak niya sa batok niya.
"Weh? Di nga?" naniningkit na mga mata ko nyan huh
"O-oo nga" medyo nauutal niyang sagot
"Tara?" pag-aaya niya
"Saan?" Aba! Baka kung saan pa kami mapadpad noh
"Dyan lang, ikot-ikot. Tara na nga libot muna tayo ^___^ " masayang sabi niya kaya hindi na ko umangal pa
"Okay! ^__^" gusto ko rin namang mag ikot-ikot noh. Atsaka maganda kaya ang view lalo na gabi
"Tara dun tayo" sabi ko sa kanya sabay hila na rin sa kanya papunta sa Noodles Store, kainan ng noodles.
Kain lang kami ng kain ng kahit na anong makita naming masarap na food. Tapos lakad-lakad, kapag may nakitang kainan punta dun and kain ulit. Hahaha
Halos ganun lang ginawa namin. FOOD TRIP! Sharap! Ang Saya! Hahaha. Syempre nagkukwentuhan habang nagfofood trip. XD
Naglalakad-lakad kami ngayon habang kumakain ng Super large Ice Cream hahaha Malaki po kasi yung Ice cream na binili namin. Maiinggit kayo haha joke
"Klein?" pagtawag niya sa akin
"Hmmm?" response ko habang kumakain ng ice cream
"May itatanong ako" sabi niya habang paupo kami sa swing
"Sige ano yon?"
"What if may friend kang naaksidente tapos hindi ka niya maalala anong gagawin mo?" may pinanghuhugutan? Hahaha >.< pero parang may halong lungkot yung pagtatanong niya
"Edi ipapaalala ko sa kanya yung lahat ng moments and memories namin together o kaya gagawa nalang ako ng bagong memories with him or her. ^___^ " wow hah Hindi ko alam kung saan ko nahugot yung pinagsasabi ko. Basta yun biglang nasa isip ko. Galing noh??
Parang napaisip naman siya.
"Okay 😃😁" nakangiti niyang sagot atsaka ginulo ang buhok ko.
Bigla naman siyang tumingin sa langit kaya pati ako napatingin na dun. Ang daming stars, ang ganang tignan.
"Ok then. Kung hindi mo ko maalala, gagawa nalang tayo ng bagong memories" narinig kong sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nagulat nung nalamang nakatingin pala siya sa akin tapos nginitian ako.
Pero bakit ganon? parang may sinasabi ang mga mata niya sa akin. Atsaka bakit ganun ang comfortable ng feeling ko sa kanya yung parang ang tagal-tagal ko na siyang kilala.
"Tara na? Ihatid na kita sa inyo." tumango nalang ako.
Nung nakarating na kami sa bahay nagpaalam na siya, inaya ko pa nga siyang pumasok kaso kailangan niya na rin daw umuwi.
And now! Nasa kwarto na ko at tapos ng maligo
'Ok then. Kung hindi mo ko maalala, gagawa nalang tayo ng bagong memories'
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Hiro. Hayyy. Hanggang sa makatulog ako yan lang nasa isip ko.
>>>to be continue...
Sorry ngayon lang po nakapag-update.. And pasensya na short UD lang.. But thanks for keep reading 😄😊
-TheIcePrincess_22
YOU ARE READING
Build Our Way
FanfictionKlein Dela Rosa.. isang mayaman, mabait, masipag, mapagmahal na anak at scholar student sa isang University. Ayos naman ang lahat nang biglang dumating si Hiro, ang matagal nang may bestfriend ni Klein.. Eepekto kaya ang charm ni Hiro Kay Klein? b...