⇜CHAPTER 1⇝

169 5 0
                                    

            “Nakita mo si MIA boy?” exaggarated na tanong ni Mhaui nang i-kwento ko sa kaniya ang di inaasahang pagkikita namin ni Christian. MIA ang tawag niya kay Chris dahil naghalo daw na parang bula sa ibabaw ng mundo ang first love ko matapos niyang magpaalam sa akin last year. Nagreklamo pa nga ako sa kaniya kasi naglaho agad sa IBABAW NG MUNDO? Ano yun namatay? Umalis lang pinaglamayan niya na agad. Hindi ba pwedeng nagtago lang?

            “Eh hindi ko nga sure,” sagot ko sa kaniya habang nakapangalumbaba ako sa arm rest ng silyang yari sa kahoy at nakatunganga sa white board na wala namang nakasulat.

            “Anong di mo sure? Kinausap ka di ba?”

       Tumango ako habang nakatingin pa rin sa white board na parang pinapanood ko doon ang eksena namin ni Christian sa San Bernardino Shopping Center.

               “So ibig sabihin sya nga ‘yon.”

            “Sya nga ‘yon. Pero friend parang hindi totoo eh. Para kasing yung sikat ng araw naging spotlight from heaven. Iniilawan siya ng mga anghel at para siyang nagniningning habang nakatayo sa harap ko,” paliwanag ko na parang nangangarap ng gising.

            “Sira! Ano sya apparition? Multo lang ang peg. Naku, naku, Coreen. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Naglaho na talaga yang jowa mong hilaw sa mundong ibabaw. At wala kang ginawa kungdi isipin sya ng isipin kaya ayan, minulto ka.”

            Umingit ako na parang bata.

            “Ehhhhhh. Wala namang ganyanan, friend. Masamang biro yan eh.”

            “Sige na nga. Sorry na. Alam ko namang patay na patay ka sa multong Christian na ‘yan. Pero friend kung ako sayo kinalimutan ko na si Christian. It’s been a year since he left na kasi. Tapos ni ha ni ho wala kang narinig from him. Isa pa, hindi ka niya ipinaglaban, Coreen. Oo nasaktan siya. Pero nasaktan ka rin naman at nag-sorry ka na. Ano pa ba ang kulang?”

            “Gusto nya nga lang daw ng change of scenery para maka-recover siya sa heartache niya.”

        “Ganun? Madrama lang. May balak siyang mag-artista ‘te?” medyo sarkastikong tanong niya. Nagtaas pa ng kilay ang bruha.

            “May mga lalaki din namang sensitive di ba?” pagdadahilan ko.

            “Kung sensitive siya bakit hindi sya naging sensitive sa nararamdaman mo? If what he needed was just to recover from his own heartache, bakit hindi ka man lang niya kinontak? Pagre-recover nga lang ba ang gusto nya o he’s trying to get over you completely?”

            Natigilan ako. Biglang nawala ang parang movie projection ng eksena namin ni Christian sa white board. Para akong biglang nagising mula sa isang panaginip. All of a sudden, I was faced with reality.

            “Bakit kasi hindi mo na lang sundin ang sinabi sayo ni MIA boy? Move on, move on din pag may time, friend,” suggestion ni Mhaui na halata ang pagiging sympathetic sa mukha at tinig. Nginitian ko siya para mabawasan ang pagiging guilty niya. Di ko naman kasi talaga gustong ma-guilty siya eh.

            “Bilib talaga ako sayo. Broken-hearted ka na nakakangiti ka pa rin.”

            “Promise ko yun kay Christian eh.”

            “Ganun? Siguro nangako din sayo si Christian ‘no. “

            “Anong pangako?”

Courting the Bad Boy (ATT Book 2) ~ ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon