“BWAHAHAHAHAHHA!”
“Sige tawa pa,” walang buhay kong sita kay Mhaui. Ikinuwento ko kasi sa kaniya yung nangyari sa party ni Riza. Nung una na-excite siya kasi nagkita ulit kami ni Christian. Pero nung i-kwento ko sa kaniyang nakatapak ako ng tae ng aso, ayan…pinagtawanan ako nang wagas.
“Sorry, friend,” sabi niya in between loud laughters. “Ang malas mo naman kase talaga. Akalain mo ba namang sa dinami-dami nang pwedeng mangyari ay yun pang makatapak ka ng tae! Pang-manga na sana ang eksena nyo ni MIA boy eh. Tapos biglang umeksena yung tae.”
Bumuntung-hininga ako saka walang-siglang sumandal sa sandalan ng concrete bench na inuupuan namin, habang humahagalpak uli ng tawa si Mhaui. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang magandang sikat ng araw. It seemed like a perfect day to win your lost love back. Pero paano?
“So ano’ng balak mo ngayon, friend?” tanong ni Mhaui nang makabawi sa pagtawa. Tapos uminom siya mula sa sariling tetra pack juice na binili namin kanina sa vending machine.
“Ewan ko. Nakakawala ng fighting spirit yung mga sinabi nya sa ‘kin eh.”
“Sira! Akala ko ba mahal mo?”
Tumango ako.
“O eh baket naggi-give up ka na agad?”
“Ano ba naman kasi ang magagawa ko? Mukhang ayaw nya na talaga sa akin,” sagot ko sa tanong niya. Ramdam ko yung pagsisikip ng aking dibdib dahil sa sinabi ko. Para kasing kahit alam ko namang malabong bumalik sa dati yung tingin sa akin ni Chris, syempre umaasa pa rin naman ako. Mahal ko nga kasi eh.
“Hay,” medyo parang napapaisip na sabi ni Mhaui. “Ano ba naman kasi ang meron diyan sa Christian na ‘yan at hindi mo makalimutan?”
“Well…he’s cute and sweet and thoughtful,” parang nangangarap na sagot ko habang nakatingin sa asul na asul na langit na parang nakikita ko doon ang mukha ni Chris.
“O eh ano naman ngayon?” un-impressed na tanong niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya.
“Ha?” kunut-noong tanong ko.
“Cute ba kamo? So what? Marami namang cute diyan. Idilat mo lang ang mga mata mo. Yung sweet part? Sweet ba yung kung pagsalitaan ka daig pa principal? At lalo namang hindi siya thoughtful. May thoughtful ba’ng bigla na lang manghihila tapos mang-iiwan ng babaing alam naman niyang may feelings pa rin sa kaniya?”
I pouted my lips.
“Hindi naman siya dating ganun eh.”
“Eh ano’ng nangyari?”
“Di ko rin alam.”
“Tsk. Tsk. Love is blind ang motto mo noh? Ang tanga mo sa pag-ibig eh,” sabi ni Mhaui saka inihagis ang walang lamang lalagyan ng juice sa malapit sa trash can.
Lumabi ako.
“Coreen,” tawag ni Riza sa akin na nakatawag ng pansin namin ni Mhaui. Tumatakbo siya papunta sa amin ni Mhaui. Tapos ay walang sabing umupo sa tabi ko nang makalapit.
“Oh my God, Coreen. I didn’t know that you know Christian! Paano kayo nagkakilala? Kayo na ba?” excited na tanong ni Riza na nagtu-twinkle pa ang mga mata.
Marahan akong umiling habang may pagtatakang nakatitig sa kaniya. Paano nya kaya nalaman yung tungkol sa amin ni Chris?
“I saw you and Chris last Friday sa party. Inagaw ka niya sa date mo. Kyaaaahhh! Super kilig,” parang naiihing ewan na sabi ni Riza habang pinipilipit ang sariling necktie.
“Teka, teka. Kilala mo si MIA boy?” kunut-noong tanong ni Mhaui.
“MIA boy?”
“’Yun ang tawag ni Mhaui kay Christian,” sagot ko sa tanong ni Riza. Tumangu-tango siya.
“Aaaahh. Teka lang. Baket MIA boy?”
“May past kasi sila ni Coreen. Pero iniwan siya ni Christian at never siyang kinontak. Kaya MIA boy,” kibit-balikat na paliwanag ni Mhaui.
“Really! May nakaraan kayo ni Christian! OMG, Coreen!!! You’re so lucky,” kinikilig pa ring sabi ni Riza.
“Huh? Bakit? Saka pa’no mo nakilala si Chris?” takang tanong ko kay Riza. Pareho lang naman kasi kaming freshman unlike Christian na second year na. So paano sila nagkakilala?
“Oh my God, Coreen. Hindi mo ba alam?”
“Ang alin?”
“Si Christian ang certified bad boy heartthrob ng campus,” nagniningning ang mga matang sagot ni Riza na parang nangangarap nang gising. Obvious ang excitement nito.
“Huh!? Certified…BAD BOY!?”
“Yup,” abot-tenga ang ngiting sagot ni Riza.
“Teka, teka. Si Christian Rivera ba yung tinutukoy mo?” tanong ni Mhaui na parang biglang nadagdagan ang energy at super obvious ang curiosity. Tumango si Riza habang abot-tenga pa rin ang ngiti na parang puppy. Tapos ako naman ang binalingan ni Mhaui.
“Si Christian Rivera si MIA boy!!!” nanlalaki ang mata at exaggerated na tanong niya sa akin.
“Ahhmm…yun nga ang pangalan niya. Pero…I…don’t know anything about him being a bad boy,” alanganing sagot ko. Kelan ba naman kasi naging bad boy si Christian? He’s the most gentle person I know.
“Naku Coreen. No! Absolutely, definitely, without a doubt…Christian is a big NO!” tutol ni Mhaui.
“Ha? Baket?”
“Coreen, even before I entered this school marami na akong naririnig tungkol sa heartthrob ng campus na super hot pero super nakakatakot din.”
“Akala ko ba susuportahan mo ‘ko?” medyo nagtatampong tanong ko kay Mhaui.
“Eh hindi ko naman kasi akalaing yung Christian mo at ang Christian na laging present sa rambulan at gulo dito sa campus ay iisa.”
“Rambulan? Gulo? Baka nagkakamali kayo. Hindi ganyan si Christian ko.”
“Coreen, ilang beses nang na-suspend si Christian ever since he entered this school. Muntik na nga rin siyang ma-expel one time,” sabi naman ni Riza.
“Expel? Si Christian? Imposible yan.”
“Oo,” sunud-sunod na tumango si Riza. “According to what I heard, nasunog ang chemistry lab. Kaya nga hindi sa Science Building gumagawa ng chem. experiments ang mga students eh. Dahil hindi pa tapos i-renovate. Muntik pa nga daw masunog ang buong Science building eh. Mabuti na lang daw at naagapan ng mga bumbero. And Christian was the one who burned the laboratory down,” chismis ni Riza.
“Huh!”
BINABASA MO ANG
Courting the Bad Boy (ATT Book 2) ~ ON HOLD
Подростковая литератураA whole year had passed. Naka-graduate na sila ng mga kaibigan niya from highschool. Pero after all those times, hindi pa rin niya nakalimutan ang first love niya. Si Christian. She tried to be happy dahil nangako siya kay Christian na susubukan niy...