⇜Prologue⇝

184 5 4
                                    

            It’s been one whole year. One year since the last time I saw him. One year since he left and I promised him that I’d move on. But after one whole year, here I am moving on to college…and as lonely as the day he left me.

            Bumuntung-hininga ako. Ang hirap pala kasi talaga na magkunwaring masaya ka. Na naka-move on ka na from your first heart break kahit hindi naman talaga. Nakakapagod ngumiti. Dahil bawat ngiting sumilay mula sa mga labi ko ay parang isang mabigat na trabaho. Dahil hindi ko naman talaga iyon maramdaman. Hindi ako masaya.

            “Ano kayang nangyari kung hindi siya umalis?” mahinang tanong ko sa sarili habang mabagal at walang-buhay na naglalakad sa kahabaan ng side walk sa San Bernardino Shopping Center, ang pinakamalaking shopping area sa bahaging iyon ng Baguio. Hindi ako tumuloy sa Maynila para mag-college gaya ng orihinal kong plano. Sa aming magkakabarkada ako lang tuloy ang naiwan dito.

            “Masaya kaya kami ngayon? Nagho-holding hands? Nagsusubuan ng icecream?” I tilted my head habang nai-imagine ko ang mga senaryong naisip ko. Ang sweet siguro naming dalawa. Kung nagkatuluyan lang kami. Kung hindi lang sana siya umalis.

            Nagpakawala uli ako ng isang buntung-hininga saka ako napatingin sa dalawang teenagers ma obvious na mag-syota. Ukupado ng mga ito ang isa sa mga bilog na mesang puti na nahahabungan ng maliit at makulay na beach umbrella. Kumakain ang dalawa ng icecream split na may mga cherry sa ibabaw. Isa lang kasi hati sila. Parang yung na-imagine kong gagawin sana namin ni Christian sa dtae namin kung nagkatuluyan lang kami.

            Sumubo ng icecream yung girl at may naiwang bahid ng icecream sa gilid ng labi nito. Agad namang pinunasan iyon nung boy gamit ang thumb finger nito. Nahihiya pa ngang napangiti si girl tapos ni-touch pa ni boy yung ilong niya with his pointing finger.

            Ang sweet nila. Sobraaaa. Nakakasuka!...Nakakasuka sa inggit, nakasimangot na sabi ko sa isip saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Halos maiyak na ko sa sobrang lungkot. Every time kasi na nakakakita ako ng mga ganoong eksena I can’t help na hindi maalala si Christian at magtanong ng isang daang what-if’s. What if hindi siya umalis? What if pinigilan ko siya? What if hindi ko nakilala si Jacob? What if I chose to date him instead of Jacob? What if Christian chose to fight for me?

            “But he didn’t,” I whispered bitterly. For the millionth time naramdaman ko na naman ang sakit. And for the millionth time I asked myself, am I not good enough? Wasn’t I worth it enough for him to stay?

            I bit my lower lip in the anticipation of a sob. Ayokong umiyak pero nararamdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. I blinked a few times para pigilin ang pagpatak ng mga luha. I tried to brush the lonely feeling away and started to continue my walk. Peo napatigil lang uli ako nang mula sa gitna ng mga taong paroo’t parito, unti-unting lumabas ang imahe ng taong ang tagal kong hinintay makitang muli.

            Parang namamalikmata lang ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Pakiramdam ko nga naging slow-motion ang lahat. Parang isang pelikula na kami ang bida at malabo ang imahe ng lahat dahil ekstra lang sila.

            He stopped in front of me, put his hands in his pockets and stared at me. Parang pinag-aaralan niya ang mukha ko pero wala akong makitang emosyon sa kaniyang mga mata.

            “Chris-tian?” parang namamalikmatang sabi ko sa pangalan niya habang halos matulala na ko habang nakatitig sa kaniyang mukha. Para siyang isang panaginip. Ang lapit niya at malinaw na nakaukit sa aking paningin pero parang hindi siya totoo. Para ngang halos maglaho na ang imahe niya sa tuwing nakikiagaw ng pansin ang sikat ng araw sa kaniyang likod. It was like the sun was illuminating him. Making him look like magic. My magic.

            A tear fell from my eye. But I smiled and lifted my hand. Dahan-dahan kong inilapit iyon sa kaniyang mukha. Gusto kong hawakan ang pisngi niya. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka bigla siyang mawala. Baka kasi isa lang siyang panaginip na maglalaho kapag hinawakan ko. But he seemed so real. As real as the sun that was helping it all feel like a fairytale. At gusto kong maramdaman iyon. Gusto ko ng sarili kong fairytale. So I proceeded to touch him.

            “Looks like hindi ka tumapad sa pangako mo,” sabi niya na nakapagpatigil sa gagawin ko sanang paghawak sa pisngi niya.

            “Huh?”

            “You’re unhappy. I’m disappointed, Coreen,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Tapos naglakad na siya paalis. Nilampasan niya ako na parang balewala lang ang pagkikita namin at ang mga sinabi nya.

            Natulala na lang ako habang pinapanood ang paglayo niya sa akin hanggang sa mawala ang imahe niya sa gitna ng mga naglalakad na tao. Parang wala talaga siya sa lugar na ‘yon. Parang hindi ko siya nakita. Parang isang ilusyon lang ang nangyari. Sa isang iglap nawalang muli si Christian sa paningin ko.

            “Did…I just imagined him?”

Courting the Bad Boy (ATT Book 2) ~ ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon