chapter 5

1 0 0
                                    

Steve's POV.

Nang maka uwi ako sa bahay si drew lang ang nadadnat ko.

naka upo ito sa sala habang hawak ang kanyang gitara at pinapatugtog ito.

"hey!" bati ko sakanya

naagaw ko ang atensyon nya kaya napatigil ito sa ginagawa.

tinignan nya ako at tsaka uminom ng juice na nasa mini table bago nag salita.

"aga mo ata ngayon kuya?"

"yeah. walang magawa eh" Wika ko

umupo ako sa tabi nya.

ibinalik na rin nya ang tingin sa gitarang hawak nya at parang may pinag aaralan itong bagong kanta.

"walang magawa? nasaan sina kuya liam? di mo ata sila kasama" tanong nito habang naka focus ang tingin nya sa papel na may lamang kanta.

may pinag aaralan nga syang bagong kanta.

well don naman talaga sya magaling, music ata ang linya nya pero ang sabi nya libangan nya lang ito pag walang magawa.

hindi ko nga alam kung bakit hindi ako biniyayaan ng ganyang talent eh gustong gusto ko pa naman na matuto.

ilang beses na rin akong nagpaturo kay drew pero wala eh di ako matuto tuto kaya ayon sumuko nalang ang kapatid ko.

that's life.

"may mga pasok pa mamaya pa ata labas nila" sabi ko.

isinandal ko muna ang likod ko sa backrest ng sofa namin bago ko ipikit ang mga mata ko.

"kaya pala, why dont you take a rest kuya you look so tired" nag aala alang suggest ni drew

I opened my eyes

"mabuti pa nga gisingin mo nalang ako kapag dinner na" wika ko bago tumayo.

"ok" tipid nitong tugon kaya naglakad na ako paitaas.

may tatlong kwarto akong madadaanan bago ako makarating sa kwarto ko at isang kwarto din sa harapan ng pinto ng silid ko.

napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko ng makita kong nakabukas ng kaunti ang kwartong nasa harapan ng silid ko kaya napagpasyahan kong tignan ito pero bago pa ako maka pasok may lumabas na ditong isa sa mga maid namin.

"may kailangan po ba kayo sir?" sabi ni nanay Miran.

"wala po ya" sagot ko

Napa kamot nalang ako sa batok.

"oh sige iho at magluluto pa ako ng hapunan nyo tinapos ko lang itong paglilinis sa kwarto ng kuya mo alam mo naman na ayaw makita ng mommy mo na madumi ang kwarto ng kapatid mo" sabi nito bago isinara ang pintong linabasan.

"sige po" maikling sambit ko

tinignan ko muna ang silid ni kuya bago ako pumasok sa silid ko.

'mahal talaga ni mom si kuya at siguradong kaya wala ito dito ay dahil pinuntahan na naman nya si kuya' sabi ng utak ko.

minsan nga naiisip ko parang si kuya lang ang anak nya eh palaging nasakanya ang oras ni mom.

pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama.

ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ng pantalon ko.

Clyde calling ....

nang makita ko kung sino ang tumatawag, sinagot ko ito.

"oh?" paunang sabi ko

"anong oh? asan ka?" tanong nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playful Destiny: Her Past And Her PresentWhere stories live. Discover now