chapter 3

1 0 0
                                    

Steve's POV.

Simula nong pangyayare sa hospital hindi ko na ulit nakita yong babae Ewan ko nga eh kung bakit ganon ka rude ang treatment nya sakin wala naman akong ginawang kasalan ? And take note! Wala akong kasalan ha! Ako pa nga yong nagligtas sa kanya tapos ganon ganon nya lang ako iniwan tsk! Kainis!

Inis Kong ginulo ang buhok ko nang maalala ulit yon

"Dude ayos ka lang?" Tanong ni liam

"A-ayos lang may iniisip lang bro"

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papuntang cafeteria gusto raw kasi nilang kumain muna bago pumasok sa susunod nilang subject tsk! Ewan ko ba kung bakit di sila tumataba eh sobrang matatakaw naman.

"Are you sure Steve? Kanina kapa naming napapansin na tulala at wala sa focus" wika ni clyde

Tinignan ko lang sya na nagsasabing OK lang ako

"Haha mukha ba akong may problema? Sa mukha na to oh" sabay turo sa mukha Kong nakangisi na abot tenga

Napa iling nalang si third sa sinabi ko na mukhang nakikinig din pala sa usapan namin kahit na nakatigin ito sa libro nyang makapal

"Nakikinig ka pala samin third akala ko wala ka nanaman sa realidad" may panunuyang wika ni clyde pero hindi ito pinansin ni third na ikinatawa namin ni liam

"Dude parang di kana nasanay dyan eh halos maging asawa nya na yang mga libro nya"

Sa amin kasing magkakaibigan si third lang ang matalino paano ba naman walang ginawa kung Hindi magbasa ng magbasa kaya ayon! Napag iiwanan kami but I don't said na mga bobo kami ah its just that wala lang talaga kami nang utak na kagaya Kay third pero kung sa pa gwapohan lang naman eh lamang naman kami sakanya ng isang paligo. Wala eh sinalo ata ni third lahat ng magagandang bagay na inihulog ng kalangitan at samin napunta yong mga tira, ayos diba?

"Tsk! Ewan nakakabobo kaya ang magbasa" sabi ni clyde at nilagpasan kami pero dipa nga sya nakakalayo ng may babaeng sumulpot sa gilid nya at kumapit sakanyang braso

"Oh here comes the possesive girl" sabi ni liam ng makita ito

Tinignan ko ang mga bagong dating na sina Trisha kasama ang dalawa nyang kaibigan

"Hey honey I miss you so much" mapang akit na sabi nito at hinihimas himas pa ang braso ni clyde

Natawa ako sa naging reaksyon ni clyde para kasi itong nadidiri sa mga sinasabi at ginagawa ni Trisha

"Ano bang pinagsasabi mo dyan! at pwede ba wag mo nga akong mahawak hawak Hindi tayo close!" Sabay inaalis ang kamay ni Trisha sa braso nya

Napa iling nalang ako sa dalawa. Ibang klaseng babae alam nya naman na ayaw sakanya ni Clyde tapos pinagsisiksikan nya pa ang sarili nya dito.

"Kung ako sakanya, ako nalang ang landiin nya di ako magdadalawang isip na patulan sya lalo na't maganda at sexy sya" mahinang sambit ni liam

Natatawang tinignan ko sya with 'seriously bro?' Look. natawa lang ito. ano pa nga bang aasahan ko ? He is the great cassanova kaya dapat Hindi na ako nagtatanong ng ganon. lahat kasi ng dumadaang babae sakanya eh puro fling lang o kaya one night stand at wala pa syang babaeng seneryoso.

"Hey I know your thinking dude eh sa ganito ako. Ewan ko nga dyan Kay Dave lumalapit na nga sakanya ang mga babae dipa patusin"

"Wag mo nang igaya Yon sayo and beside Hindi naman sya babaerong tulad mo liam"

Playful Destiny: Her Past And Her PresentWhere stories live. Discover now