*WYNONA*
tok-tok-tok
nagising ako sa isang mahinang katok. Pagtingin ko si Kevin, kumakatok sa glass wall
"bakit?" tanong ko
ay bobo di nga pala ako nito maririnig, nataranta ako nang biglang nabukas ang glass wall may pinindot ata siya
"sorry for my unacceptable attitude a while ago" Sabi niya
"nah , you're already forgiven" sabi ko
"as what I have heard from my guard, you are Lady Wynona? Am I right?" tanong niya
"yeah, and you're Lord Kevin? Correct me if I'm wrong" sabi ko naman
"yeah, Kevin" sambit niya.
natahimik kami ng mga ilang minuto.
"from what family you came from?" basag ni Kevin sa katahimikan
"Cass" sagot ko
"oh , I'm from the family of Colin" pagpapakilala niya saakin nginitian ko nalang siya, wala na akong ibang masabi
"stroll stroll naman tayo sa labas" sabi niya
"Marunong kang magtagalog?" tanong ko bigla
"oo naman"
"bat di mo sinabe? pinahirapan mo pa akong mag english!" sabi ko
"di ko naman alam na marunong ka, mukha mo kasi pang koreana" paliwanag niya
"oo na lang" sabi ko
"so? ano na, sama ka?" tanong niya bigla
"oo na , teka lang kunin ko lang jacket ko" sabi ko atsaka pumunta sa mga maleta ko. Dito na kasi kami titira hanggang matapos ang 5years. Tagal no? nang makita ko na ang jacket ko, lumapit na ako sa kanya
"lord Kevin, ano tara na?" tanong ko
"tara Lady Wynona" sabi niya atsaka kami lumabas. Napansin ko lang bakit dalawa lang ang rooms dito? Binaling ko ang atensyon ko kay Manong Guard
"manong, Bakit dalawa lang ang kwarto rito?" tanong ko
"ganun talaga yun Lady Wynona , ang building kasi na ito ay may 15 floor , tayo po nasa 14th storey, bale kada floor may dalawang kwarto , sa 13th floor si Lady Bernadette at Lord Jake , sa 12th floor naman sina Lord Jacob at Lady Antoinette" pagpapaliwanag ni manong.
"yung natitirang floor , anong meron doon?" tanong ni Kevin
"Dun ang mga classrooms niyo nakalocate" guard naman ni Kevin ang sumagot
"ahhhhh." sabay pa kami ni kevin
"halika Wynona, sunduin natin si Jake" sabi ni kevin
"Lord Jake po" sabi ng Guard kevin
"oo na, sunduin na natin si Lord Jake" sabi ulit ni kevin at ayun nga sumakay kami sa elevator at pumunta sa 13th floor
tok-tok-tok
kumatok si Kevin nagbukas ang pinto at iniluwa ang lalaking nakatopless na kinukusot pa ang mata
(//o\\) ako
"oh bro, nadalaw ka?" jake
"gala tayo, sama nadin natin tong si-- oy Wynona! bakit mo tinatakpan ang mga mata mo?" salita ni kevin
"hindi po siya sanay sa ganyang eksena, tandaan mo yung nangyari kanina" paliwanag ni manong Guard
"ay oo nga pala, hahaha o sige na Lord Jake, magsuot ka na nang damit doon para hindi na matakot si Lady Wynona! hahahahaha" sabi ni kevin kay jake
"oo na , sandali lang ah? Lady Wynona sorry, hahahahaha" Jake
"wala na ba siya?" tanong ko
"oo, wala na"
(^o\\)
sinilip ko at ayun nga, wala nang nakhubad.
"mehehehe, sorry" sambit ko
ayun lumabas na si jake, kaya ang ginawa namin? Naglaroooooooooooo! Hihihihi. May playground itong academy kaya dun kami nagpunta, may mga gold crown at blue level parin na narito. Pero hindi kami pinapalapit ng mga guard namin sa kanila, delikado daw.
"bakit ganun?" tanong ko sa dalawang itlog na kasama ko
"ewan ko rin, mukha naman silang mababait eh" jake
"oo nga, oh ang ganda pa nga nung isa eh!" Kevin
(-_-) ako (-_-) jake
"baliw na" bulong ko kay jake
"oo nga, bading pa ang itinuro, di na nahiya" sagot naman ni jake
"HAHAHAHAHAHA" tawa ko, totoo naman kasi eh, bading yun. Halata pang pineke ang dimples
"ano yun? Bakit may narinig akong nagbubulungan?" tanong ni kevin
"ah. Hehe, wala yun, nilalambing ko lang si Lady Wynona" pagtanggi ni Jake
"hindi eh , may narinig talaga ako!" kevin
"narinig mo naman pala eh , bat mo pa kami tinatanong?" pilosopo kong tanong
"Lady and Lords , bawal po ang mag-away" salita nung Guard ni jake
"ahhhh! I hate daddy for enroling me in this school!" pagwawala ko
"kahit na ako! pag nakalabas ako dito , humanda yung lolo ko !!" Kevin
"ako, wala akong sisisihin dahil mahal ko ang mama ko." Jake
"MAMA's Boy lang? HAHAHA" Kevin
"oo, MAMA's Boy ako" jake
"grabe Jake, di ka man lang nag deny ng konti" sabi ko. Haha baliw eh
"proud eh! HAHAHAHA" Jake
"antok na ako mga Lords, tulog na tayoooo" pagdadrama ko sa harapan nila
"ang bilis naman" kevin
"oo nga , mag enjoy pa tayo!" jake
"mahuhulog na talaga ang mga mata ko oh!" sabi ko atsaka ipinakita sa kanilang ang mga mata kong namumugto sa antok
"oo na, tara na nga!" jake
"oo na, cute kana Wynona! Panalo ka na, matutulog na tayo!" sabi naman ni Kevin
HAHAHAHAHAHAHA cute naman talaga ako, kaya ayun bumalik na kami sa mga kwarto namin at nagpahinga.
nakilala ko na ang dalawa sa mga Black Thrones, tatlo na lang ang natitira.
