"Baklaaaaa, gising! May Greek God kang bisita," namulatan nya ang pinsan na nagpapapaypay sa sarili.
"Napaano ka?" pupungas-pungas na sabi nya rito.
"Bumangon ka na bilis, now na! Mag-ayos ka at may naghihintay sayo sa baba."
Ganun na lamang ang kabog ng kanyang dibdib.
"Parang alam ko na kung sino," sabi nya sa sarili. Dali-dali syang bumangon. "Maghihilamos lang ako. Parang OA naman kasi kung maliligo pa ko. Tama ganun nga. Teka, bakit ba ko natataranta?" Gaya ng naisip, naghilamos sya... hilamos na tila naligo na rin. Nagsipilyo at nagpalit ng damit, T-shirt at shorts.
Pagkababa nya ay ganun na lamang ang pagkadismaya nya nang ang maabutan ay si Carding, ang delivery boy ng purified water. Ngiting-ngiti ito habang pababa sya ng hagdan. Nilingon nya ang pinsan na nakangisi rin sa kanya. Pinukol nya ito ng matalim na tingin.
"Good morning, ganda," bati sa kanya ni Carding. "Nariyan na yung tubig nyo. Dalas-dalasan nyo naman ang pag-inom ng tubig at nang maubos agad ang laman ng galon para naman makasilay lagi ako sayo, Candy," kasabay ng maluwag na ngiti. Taray ng ngipin, may bakal.
Pilit na ngiti ang kanyang isinagot. "Sya sige, bayad naman na ata kayo. Hatid ko na kayo sa gate," pasimpleng taboy nya kay Carding. Di naman na ito tumutol. Pagbukas na pagbukas ni Candy ng gate ay ang makalaglag pangang mukha ni Trevor ang sumalubong sa kanya, plus ang napakabango nitong amoy... amoy kare-kare?
"Hi," bati nito. Shit na malagkit. Nakahakot agad ito ng atensyon sa paligid. Ang mga aso ay sabay-sabay nagsi-tahol at ang mga magwawalis ay napahinto sa mga ginagawa, nagtanggal ng sombrero na akala mo'y nakakita ng santo. The heck.
"Ang bango mo... este, anu yang dala mo? Ang bango." Di nya na namalayan ang pag-alis nina Carding at tanging batok na lamang ng lalaki ang kanyang nalingon. Putragis na batok yan, nanlilimahid. Sana lang tigyawat lang ang nasa batok nya at hindi pigsa. Eeeww.
Itinaas ni Trevor ang hawak na plastic. "Kare-kare. Dito ko sana balak mananghalian." Sinundan nito ng tingin ang tanaw ng dalaga. "Boyfriend mo o manliligaw?" Nahihimigan nya ito ng pang-aasar.
Wow ha, lakas mo men. "Baliw. Boyfriend agad? Di ba pwedeng nagdedeliver lang ng tubig? Hayun at may dalang galon, oh. Tara na nga, pasok na tayo sa loob bago pa magbago isip ko," sabay paikot ng mata, ngunit napapikit naman sa kilig pagtalikod. Pagpasok nila sa bahay ay binato nya ng mapang-asar na tingin na may kasamang dila ang pinsang natulala na sa lakas ng appeal ni Trevor.
"Ah, Trevor, si Toyang, pinsan ko."
"Sya pala yung sumusundo sayo every time na naka-checkin ka sa hotel," ani Trevor.
"Ha? Nakita mo syang sinusundo ako? Ibig sabihin hindi ka umaalis hangga't di ako nakakauwi?"
Namula na naman ang binata. "Ha, eh, of course. Sayang kaya yung refundable deposit pagka-checkout mo." Nakahanap ng dahilan si pogi.
"Ahhh, oo nga naman," di mapinta ang mukha ng dalaga kung nakumbinsi ba ito o hindi. "Anyway, sya ang kasama ko dito sa bahay. Wala na kasi akong parents. Toyang, si Trevor. Sya lang naman si mystery guy na laging naghahatid sakin sa hotel."
"Hi!" sabat ni Toyang na atat nang makausap ang binata. "Sabi ni Candy magnanakaw ka raw?" Bumakas ang gulat sa mukha nilang dalawa ni Trevor at sabay pa silang nagkatinginan. "Magnanakaw ng halik. Ahahaha." Ngali-ngali nyang ibuhos ang kare-kare kay Toyang. Nakitawa na rin si Trevor.
Nang isinasalin na nya ang kare-kare ay biglang lumapit si Trevor sa kanyang likuran. Sobrang lapit.
"Magnanakaw pala ng halik ha," bulong nito sa kanyang tainga na nagpataas ng balahibo sa leeg at braso nya. Wala sa sarili na napaharap sya dito.
BINABASA MO ANG
Lasing Na Pag-ibig (COMPLETE)
RomanceIsang babaeng palaging lasing ang nagigising sa isang hotel, ngunit sino nga ba ang tagahatid sa kanya sa hotel na iyon? Iyon ba si guardian angel? O anghel na pilit lamang itinatago ang sungay nito dahil gustong maging knight in shining armor sa ka...