***"Alin nga ba ang nakakaramdam ng
pagmamahal? Puso o utak? How will you explain it to me, Ms. Tamara Cabrera?" tanong sa akin ng Psychology teacher namin. Agad akong tumayo at nagsalita."Definitely, it's heart Mam."
Malamang puso. Tss. Ke simpleng sagot
eh. Syempre kapag inlove, kasama na ang puso dun. Kaya nga Heart ang sign of love diba?Sasabihin ko pa sana ang explanation ko nang biglang sumingit ang isang asungot na nasa front seat ko lang.
"To be honest Ma'am, hindi puso ang
nakakaramdam ng pagmamahal kundi
Utak. Responsible ang Serotonin oxytocin and Dopamine sa emotions natin. Tinatawag din silang Love hormones. Kaya pag sinabing
Utak o Puso, it's a paradox. Ginagamit rin ito to differentiate being rational and emotional. So bakit mabilis ang tibok ng puso natin pag inlove tayo? Brain is responsible for that. And it's love hormones including your endocrine glands. Walang magical doon so please don't assume. I hope I did'nt ruin your fantasies. That's all. Thank you."Halos malaglag ang panga ko dahil sa
pagtatalumpati niya sabay tingin nang
makahulugan sa akin."A very excellent answer Mr. Wane
Sarmiento! Let's give him a big hand!"Big hand daw.
Sapakin ko siya eh.
Umalingawngaw ang sunod-sunod na
palakpakan at maraming napa-whoa sa naging sagot niya.Agad akong napaupo at naikuyom ang
kamao ko.Grrrr. Ang walangyang lalaking to. Hindi man lang ako binigyan ng chance para i-defend ang
sagot ko!Bastos! Walang manner!
Hindi ba siya tinuruan ng nanay niya kung paano gumalang? Rrrr.
"Oy, haha. Ayos lang yan. Maganda ka naman Tamara." sinundot sundot ni Missy ang tagiliran ko.
Inirapan ko na lang sya.
"Don't me." bumuga ako ng hangin at
umirap ulit nang makita ko ang pagsulyap sa akin ng nagmamayabang na si Wane.Kaharap ko ngayon ang laptop ko habang nagsi-search ng mga possibilities kung bakit ang isang taong katulad ni Wane ay nag-a-ala Walking Encyclopedia at the same time a Hell-living organism na walang ginawa
kundi alamin lahat ng bagay sa mundo.I mean ang mokong na yun, bat ganun na lang ka-advance ang utak nya?
Don't get me wrong. Matalino rin naman ako.Ang kaso lang di ko matanggap na MAS
lamang siya!Masipag rin naman akong mag-aral at
magbasa ah. Ano bang meron sa lalaking yun?Posible kayang pati evolution ng
ipis, alam na nya?Oh well, kelangan ko talagang malaman kung anong utak meron sya. Baka may micro chip iyon kaya ganun na lang ka-well function ang utak nya.
Hindi maaari to!
Patuloy lang ako sa pagtingin tingin habang dahan-dahang nilalagok ang binili kong Slurpee.
"Ahhcckk!" umubo ako ng paulit ulit at
kinabog ang dibdib ko nang bigla na lang may humampas sakin mula sa likod."Ohmy! Sorry talaga Tamara! Gugulatin sana kita--" tiningnan ko nang masama siM issy. Binigyan lang nya ako ng isang peace sign at umupo na sa tabi ko.
"Seriously, hindi ka nakakatuwa." prangka kong sambit. Tumawa naman siya.
Ganyan talaga kami maglambingan.
Para maiba naman.
"Okay. I'm sorry. Alam kong bad mood ka pa rin dahil nalamangan ka na naman ni Wane the Genius." pasaring nya sa akin kaya nagpantig ang tenga ko. Itinigil ko ang pagkalikot sa laptop ko at ngumiwi na
lamang."Utang na loob. Huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng bwisit na--"
"Waaahh Wane! Patulong naman sa
assignment ko sa Trigo oh!""Wane pleasee! Pramis lilibre na lang kita!"
"Hahaha. Sige. Okay lang. Hindi naman ako humihingi ng kapalit."
Rinig na rinig ko ang boses ng ungas
malapit lang sa kinauupuan namin.Kasasabi ko lang na ayaw kong marinig. Pakshet talaga.
Pa-famewhore ang putcha.
Dali-dali kong niligpit ang mga
nakatiwangwang kong libro maging ang laptop. Isinukbit ko na rin ang shoulder bag ko."Tara na Missy. Let's get outta here." iritado kong sambit sabay lakad papalayo.
Tinambak ko ang makakapal na libro sa sulok ng kwarto ko at dire-diretso sa harap ng computer.
Natatamad akong mag-aral ngayon kaya mag-o-online na lang ako.
Tutal may free wifi ang kapitbahay
namin, susulitin ko na. Pagbukas ko pa lang ng wall ko, nagpop-out na agad ang pangalan ni Wane.Paulit-ulit akong kumurap para tingnan kung mawawala ito pero kahit pumuti ata ang mata ko, hinding hindi mangyayari yun. Naiirita kong binuksan ang message nya.
Wane: Excuse me. Magtatanong lang. Ano nga ulit yung assignment natin sa Calculus? *slightsmile emoticon*
Napapokerface ako.
Ako ba ang ginagawa
nyang tanga? Kelan pa sya nakalimot sa mga lessons at assignments?
Akala naman nya di ko alam na teacher's pet sya.So bad.
Baluga.
Agad akong nagtype sa keyboard. Bawat letra dinidiinan ko talaga para mas feel nabfeel ko ang pagkainis ko sa kanya.
Diba alam mo lahat? Bat di mo
tanungin sarili mo? Nakalimutan ko rin kasi yung term eh!!
Pagkasend ko ay napabuga ako ng
hangin. Talagang kumukulo ang dugo
ko. Nakakairita.Masyado siyang matalino.
Ang hirap hirap
makipagsabayan sa kanya lalo na sa
Academics.***
BINABASA MO ANG
Mr. Know It All (UNDER MODIFIED REVISION)
Teen FictionSi Tamara Cabiera na sobrang insecure sa genius niyang kaklase na si Wane Sarmiento. Paano ba naman nagko-compete pa sila sa position ng top 1 at masyado itong sinseryoso ni Tamara. Sa sobrang asar nya kay Wane, may nabubuo na sa puso nya. Hindi pa...