Chapter 9

147 13 0
                                    


"Para sa sangkap ng tinapay, arina, asukal
blah-blah-blah."


Kumurap kurap ako at nangalumbaba
habang pilit nilalabanan ang antok.

Nasa kalagitnaan kami ng discussion pero
palagay ko walang pumapasok sa utak ko.
lnaantok na naman ako.


Mukhang hindi ako makakapagreview
mamaya. Uuwi ako ng maaga.


Agad akong kumuha ng isang pirasong papel
at sinulatan ito.




HOY WANE, HINDI MUNA AKO
MAGREREVIEW MAMAYA. MASAMA ANG
PAKIRAMDAM KO.



Pagkasulat ko, ipinasa ko agad ito kay Wane
na pokus na pokus sa pakikinig sa professor
namin.



Mayamaya ay napakislot ako nang may
mag-abot sakin ng papel.



HINDI KA EXEMPTED.




Nagsalubong ang kilay ko dahil sa nabasa
ko.

Anong akala nya sakin?!



Nasasawa rin naman akong magreview
noh!




YOU'RE NOT THE BOSS OF ME!



Padabog ko ulit itong iniabot kay Wane at
pinanlakihan sya ng mata.
Ipinokus ko ulit ang atensyon ko sa
pagsusulat.

May nag-abot ulit sakin ng papel.



ANONG PINAG-UUSAPAN NYO?



Napangiwi ako.


Napaka-chismosa naman nito.


Padabog ulit akong nagsulat sa isang
pirasong papel at walang tingin-tingin na
iniabot ito sa nagpadala ng sulat.





WALA KANG PAKIALAM.



Sow. Mukhang si Missy lang ang isang to eh.
Ang chismosa talaga ng babaeng to.


Mayamaya ay nag-abot ulit sya ng papel at
napanganga ako sa nabasa ko.








PERO NAGTUTURO AKO.




Nakarinig ako ng mumunting hagikhikan
kaya iniangat ko ang paningin ko at nakita
ko ang nakataas kilay naming Professor.
Napasulyap ako kay Wane.


Nagpipigil ito ng tawanin.



"Ms.Cabrera! Get out of my room now!!"






Patay.





**




Isinukbit ko na ang bag ko at naglakad sa
may football field.
Since pinalabas ako,no choice kundi gumala
muna ako sa kung saan.


Pero bat ako lang yung pinalabas?!
Ang daya daya.Tsk.


"Tammy!" lumingon ako kay Rae at
kumaway kahit nasa malayo pa lang sya.


"Oh? Wala ka ring klase?" tanong nya sakin
nang makalapit sya.



"Mahabang kwento. Anyhoo, tara pasyal
tayo." yaya ko at hinatak na sya.


Pagtatyagaan ko muna ang mukha ng tilapia
na to.




**




"Eto!" Binato ko kay Rae ang coke-in-can na
binili ko at sumalampak sa damuhan katabi
nya.


"Naku acidic to. Baka magka-UTI ako neto
eh." nakangiwi nyang sambit kaya
binatukan ko sya.


"Gago. Adik ka nga sa softdrinks dati diba?
Anyare ngayon?" sarkastiko kong sabi at
sinimulan nang laklakin ang inumin ko.


"Takot na nga akong magka-UTI. Umibig
Tapos lniwan." ako naman ang napangiwi
dahil sa sinabi nya.


Sa isang iglap ay humagalpak sya ng tawa
na parang may nakakatawa talaga dun sa
hugot nya?



l'm sorry. Hindi sa KJ ako pero wala talaga
akong ideya na hugot pala yun ng isang
tilapia? Okay. Shut up na ako.




"Rae nagkagirlfriend ka na ba sa Canada?"
natutop ko ang bibig ko nang kusang
lumabas ang mga salita.



Naging seryoso siya at napatingin sa akin.



"Wala ka naman kasi sa Canada. Kaya nga
ako bumalik dito dahil sayo diba?"
nakangising sambit ni Rae.



Sa akin?


Nagpakawala ako ng awkward na tawa.


"Ha-ha. Quit joking you little idiot." biro ko
na lamang sa kanya.


"Hindi ako nagbibiro." nawala ang ngisi ko
nang maging seryoso siya.




Awkward atmosphere.


Ayoko ng mga ganitong topic.


Napaiwas ako ng tingin at mayamaya'y
humagalpak ng tawa.


"Anong nakakatawa?" kunot noo nyang
tanong pero pinisil ko lang ang pisngi nya
saka tumayo para tumakbo.



"Hoy--aray--ouch! Tammy naman! San ka
pupunta?!"



***

"Ms. Cabrera and Mr. Sarmiento, pinapatawag kayo sa office."


Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at
sumulyap muna kay Wane.


Walang umiimik saming dalawa hanggang
sa paglabas ng room. Mas nauna syang
maglakad.


Grrr.


Hindi ko pa nakakalimutan ang lahat.

Sya ang dahilan kung bakit napalabas ako
ng room!


Talagang simula pa lang may bias na
talaga!
Dapat pinalabas din ang gagong to!


Mayamaya ay nagtitigan muna kami ng
masama bago buksan ang pinto ng office.


Face to face. Parang ganun.






"Have a sit." aya ni Mam habang busy sa
pag-ayos ng mga papeles sa table nya.


"Pinatawag ko kayo dahil may mahalaga
akong announcement. And l'm sure
naman, mag-e-enjoy rin kayo rito."


"Enjoy?" nakanganga kong tanong.
Ano naman kaya yun? Mag-e-enjoy ba?
Haha.


Sana cancel na ang Quiz Bee para mag-
enjoy talaga ako ng bongga.


"Yes. Nagkaroon ng bagong schedule ang
Contest. And that would be on the next day."





Laglag panga akong napatitig sa kanya.


Say what?! Sa isang araw na pala ang Quiz
Bee pero wala pa man lang akong
natututunan!


"Mam, you've got to be kidding us."
napailing-iling ako na parang di
makapaniwala samantalang si Wane walang
karea-reaksyon.
At mukhang okay pa sa kanya ang lahat!



"Oh lm not. And by the way, ngayon pa lang
mag-empake na kayong dalawa ha?" todo
ngiting sambit ni Mam at excited kaming
tiningnan.



"Mag-empake? Para saan?" naguguluhang
nagtanong si Wane.


Buti naman nag-react na rin sya sa wakas.


"Pack your things up. I-he-held ang Quiz Bee
sa Baguio and since you're the two
Representatives, kayo ang isasama ko. One
week tayo dun."




Nanlalaki ang matang nagkatinginan kami
ni Wane at agad napatingin kay Mam.






"Sa Baguio?!!" halos sabay naming sigaw.




***

Mr. Know It All (UNDER MODIFIED REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon