PATAWAD

12 0 0
                                    

'Patawad'

Ang katagang paulit ulit mong binigkas at paulit ulit kong pinakinggan.

Ang katagang sawa ko nang pagbigyan.

Ngayon ako naman ang hihingi sayo.

Ng tawad at pagsamo.

Dahil hindi ko na kaya.

Di ko na kayang lumaban sa paulit ulit na gera.

Di ko na kayang lumaban para sa iisang rason.

Dahil bawat suntok ko, anino ang aking kalaban.

Para akong sundalong handang mamatay sa bayan na kahit kailan, hindi ako binigyang pansin, na kahit kailan hindi ako aalagaan katulad ng pag aalaga ko sa kanya.

Patawad mahal.

Patawad kung di ko na kaya.

Wala na kasi akong panghahawakan. Bumitaw na.

Bumitaw na ang rason kung bakit ako lumalaban.

Binitawan ko na ang rason kung bakit ako lumalaban.

Ang dating magkadaop nating palad ay wala na. Naiwan ang mga kamay ko. Kumakawag at humihingi ng saklolo.

Saklolo. Saklolo. Tulungan mo ako mahal! Wag mo akong iwang nahuhulog sa kawalan.

Pero hayon ka't tumalikod. Naglakad papunta sa kanya.

Ang sakit mahal. Ang sakit sakit.

Na makita ang taong pinag-alayan ko ng buhay, sa iba na masaya.

Mahal ayos lang kung iwan mo ako't piliin mo siya, ang di ko lang matanggap ay kung bakit di ka nagpaliwanag.

Wala na ba talaga akong halaga?

Ano bang wala ako na meron siya?

Gusto kitang sumbatan sa lahat.

Pero natutop ang mga labi ko.

Gusto kitang ipagdamot sa iba.

Kaso naalala ko. Na hindi na pala ako ang nakaupo sa trono ng puso mo. Na meron na pa lang ibang umuukopa sa upuang dati kong tahanan. Sa dati kong naging sandigan.

Mahal bakit mo ito nagawa?

May pagkukulang ba ako o pagkakasala?

Patawarin mo ako kung palagi akong nagtatampo.

Tulad ng sabi ko, lilipas din naman ito.

Oo nga't lumipas. Lumipas katulad ng mga pangako mo.

Mga pangakong ipinako sa magiging lapida ko.

Oo, lapida! Lapida ng patay kong puso. Hindi dahil patay na patay sayo. Kundi dahil pinatay mo.

Sinira. Winasak. Sinakal at tinapak- tipakan.

Wala kang awa. Hindi ka pa nakuntento at sinaksak mo pa. Ng libo libong matatalim na salita. Na parang ako pa ang may maling nagawa.

Bakit Mahal? Dahil ba malayo ako kaya ka nagkaganyan?

Naghanap ka ng ibang mapaglilibangan? Kasi sawa ka nang magkipaglaro ng tagu-taguan?

Ano na bang gusto mong laruin mahal? Apoy at baril-baril? Gusto mo ba ng matinding bakbakan?

Wag kang mag alala mahal dahil huli na ito. Huling pagpapakatanga ko para sayo.

Kasi mahal natauhan na yung ginago mo. Nauntog na sa pader at nagising sa katotohanan.

Na kailanma'y di ka na babalik sa piling ko dahil masaya ka na.

Patawad mahal.

Kung ako na ang kusang lumayo ng walang paalam.

Ayaw ko na kasing masaktan ng tuluyan.

Ayaw ko nang masugatan sa iisang dahilan.

Tama na ang ilang taon ng pagpapakatanga. Titigil na ako mahal.

Sa paglaban at pagsalo ng mga bala.

Sige. Lumakad ka na palapit sa kanya.

Humakbang ka ng isa.

Lalayo ako ng dalawa. Pero sa aking paghakbang ay nahulog ako sa kawalan.

Tumalikod ka mahal at wag nang haharap! Para hindi ka na mahirapang mamili pa.

Kung sasagipin ba ako sa pagkahulog at sa pagkawasak, o ang habulin siya sa damuhang puno ng paru- paro't bulaklak.

Patawarin mo ako mahal.

Kung magtatampo ako sayo't magdaramdam.

Patawarin mo ako mahal.

Kung patuloy akong iiyak habang nilalamon ng apoy ng pagkawasak.

Patawarin mo ako mahal.

Kung patuloy mong maririnig ang impit kong hagulgol.

Kung patuloy mong makikita ang paglandas ng mga taksil kong luha.

Patawad.

Patawad mahal kung ipagkakait ko sayo ang pag-ibig kong akala ko'y walang hanggan.

Magkita na lang tayo sa kabilang buhay mahal.

Baka sakaling doon, may pag-asa nang masuklian mo ang aking pagsinta.

Paalam mahal.

Words Left UnspokenWhere stories live. Discover now