Heto na Naman

0 0 0
                                    

Heto na naman tayo.

Sa mga panahong hindi magkandatuto.

Sa mga panahong hindi mapakali.

Sa mga panahong pinagmamasdan ka.

Heto na naman tayo.

Ako, na pinanonood ang bawat galaw mo.

Ako, na pinapanood ang bawat kilos.

Bawat kibot ng labi.

Ikaw, na walang katulad.

Ikaw, na kabighabighani.

Heto na naman tayo.

Sa mga panahong hinahabol ng aking mga mata ang kislap ng iyo.

Sa mga panahong gusto kong hawakan ka't sabihing 'Mahal kamusta na?'.

Heto na naman tayo.

Sa mga panahong iiwas ka tuwing daraan ako.

Sa mga panahong nawawala ang kislap ng mga mata mo tuwing makikita mo ako.

Sa mga panahong nawawala ang mga ngiti sa iyong labi.

Heto na naman tayo.

Sa pag-iwas at pagtakbo.

Sa pag-iyak at pagsamo.

Heto na naman tayo't tinataguan ang nakaraang pilit tayong sinusundan.

Heto na naman tayo.

Sa pasilyo kung saan tayo unang nagkakilala.

Kung saan ako unang nabighani sa tunay mong ganda.

Ganoon ka pa rin.

Alon-alon ang buhok mong may kahabaan.

Katamtaman ang tangkad, balingkinitan ngunit hindi kaputian.

Makislap ang mga mata mo sa araw na ito.

Hindi sa saya, kundi dahil sa mga luha.

Luhang nagbabadya. Luhang dulot ko.

Heto na naman tayo.

Sa pasilyo na naging saksi ng pagmamahal ko sa iyo at sa pagmamahal mo sa akin.

Sa pasilyo kung saan tayo bumuo ng sarili nating mundo.

Kung saan tayo lang ang nagkakaintindinhan.

Kung saan ikaw lang ang aking nakikita.

Heto na naman ikaw at ako.

Sa pasilyo kung saan natapos ang 'tayo'.

Oo nga pala, tapos na 'tayo'.

Natapos na pala 'tayo'.

Ngayon, meron na lang ikaw at ako.

Wala nang 'tayo'.

At kailanman, hindi na magkakaroon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Words Left UnspokenWhere stories live. Discover now