Jayren's POV
Nagdecide na akong pumunta ng playground sa village namin bago umuwi, baka mahalata ni mama na naiyak ako dahil sa MALING NARINIG ko. ha-ha.
Di ba mali naman talaga yung dinig ko?-Oo tama mali.
Umupo ako sa swing sa playground. Nakakatuwa naman dito, tahimik.
Ngumiti ako ng malungkot., ilang segundo na lang pala at magse-7:00pm na.
nag count down ako..
10...
9...
8...
7...
6...
5...
4...
3...
2...
1..
*lights on*
"happy monthsary Crystal KO" bulong ko sa sarili ko.
kaya tahimik dito sa playground ng village kung saan ako nakatira.,
..kasi, nakiusap ako dun sa mamang guard na wag munang magpapasok, dahil gagawa ako ng surpresa ngayong araw na to para kay Crystal. Mabuti nga at pumayag.
yung tali ng swing, nilagyan ko ng bulaklak tapos bumili ako ng foam- dito kasi kami uupo titingin sa langit, nagresearch kasi ako kung kelan may meteor shower., buti natapat ngayon. Kaso..,
WALA SYA. haaay :(
may RESEARCH kasi sya diba? RESEARCH.
tapos yung seesaw, pinalibutan ko ng christmas lights, iba't-ibang kulay kaya hindi madilim., ganun din ginawa ko dun sa slides.
Buti may ipon ako. Pinaghandaan ko talaga to e, madalas hindi ako nagla-lunch sa school para dito sa araw na to, pati hindi na ko nagtataxi papuntang school, dinadala ko na lang yung bike ko para makatipid sa pamasahe., pero binutas yung gulong nun, tsaka sinunog., pwede pa namang gamitin at ipagawa kaso, inuna ko to. Kaya halos dalawang bwan na akong naglalakad papuntang school.
Yung Christmas light naman, inarkila ko lang yun sa kalapit bahay namin. ha-ha! Nakita ko kasi na nagkakabit sila ng Christmas light sa bahay nila., e september pa lang.
..buti pumayag :)
tapos, ako na yung nag arrage ng lahat.
Nakakapagod nga, kaso..
..tuwing naiisip ko na para kay Crystal tong ginagawa ko, lumalakas ako., parang magic.
"Ha-ha-ha" natawa ako ng mahina sa mga naisip ko. Grabe pala ang sakripisyo ko para paghandaan ang monthsary namin., na ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
bukas ko na lang to liligpitin, pagod na talaga ako.. Madaling araw pa lang kasi, inayos ko na to., tapos naglakad pa ko papuntang school. Haaay
tumingin ako sa langit. Ang ganda talaga ng langit at mga bituin.
pumikit ako para damhin ang pagdampi ng hangin sa muka ko.
"Sobrang mahal kita, Crystal" sabi ko na para talagang kaharap ko sya.
palpak man ang araw na to para ipakita ko ang pagmamahal ko sa kanya sa pamamagitan ng 'effort'...
..araw araw ko nalang ipaparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal..
tumayo na ko at pinunasan ang luha ko., kanina pa pala ako umiiyak.
aish! kaya nga ako nagpunta dito para hindi mahalata na naiyak ako. tsk!
BINABASA MO ANG
Im A Nerd
Teen FictionIto ay kwento ng isang Nerd.. ..Kung paano magmahal ang isang Nerd, ..Kung paano umikot ang mundo ng isang nerd sa babaeng mahal nya, ..Kung paano pinahalagan ng isang nerd relasyon nila Magwo-work kaya sila? ANG ISANG HAMAK NA NERD, UMIIBIG! SAPAT...