IAN 4.1
Matapos ang komprontasyon namin ni Genica.. Nandito ako sa school, nag iikot ikot. Kailangan kong makita sya para makapag usap kami na maayos.
Kahit pinagtitinginan ako ng maraming estudyante, wala akong pakialam., basta mahanap ko si Gen.
lumapit ako sa ilang mga estudyante para tanungin kung nakita nila ang espren ko. .-sikat sya dito sa school dahil isa sya sa mga magaganda.., syempre., KASAMA SI CRYSTAL DUN.
habang papalapit ako dun sa mga estudyanteng pagtatanungan ko., pasama ng pasama ang pinupukol nilang tingin sakin.. BUKOD SA PAGIGING NERD KO, ANO PA ANG KASALANAN KO. oo, feeling ko kasalanan ang pagiging nerd ko at lagi nila akong pinaparusahan sa pamamagitan ng pananakit ang pambubully. Naging tama lang ang pagiging Nerd ko ng makikilala ko si Crystal.
"nakita nyo ba si Gen?" nagbulungan muna sila bago nila ako sagutin.
"a-ahh. oo, gusto mo samahan ka namin?" kahit hindi maganda ang kutob ko,
"s-sige." ngumiti naman sila.
Tatlong lalaki ang napagtanungan ko, kahit kinakabahan ako, sumama pa din ako... Gusto ko talagang makausap si Gen bago matapos ang araw na ito.
Huminto kami sa storage room ng school, tambakan nung mga gamit na hindi na ginagamit, mga sirang upuan, lamesa, kung anu ano pa.
Bakit naman pupunta dito si Gen?.
"Sigurado ba kayong andito si Gen?"
"Oo, nakita namin na nagtatatakbo, umiiyak pa nga e."
dahil sa sinabi nya, pumasok ako agad sa storage room para hanapin si Gen, sumunod naman yung tatlo.
"wala naman e!" shet! nasigawan ko sila, nagaalala lang naman ako kay Gen kaya ko nagawa yun e.
bigla akong tinulak ng isa sa kanila, napasubsob naman ako sa lapag na puro alikabok.
napangiwi ako sa sakit. Bakit ba ang lampa ko?
Naramdaman ko na may tumulong likido mula sa ilong ko. Dugo. Nagdudugo ang ilong ko.
hindi ko sila maaninag gawa ng tumilapon ang salamin ko at madilim pa dito.
naramdaman kong tumaas ako mula sa kinauupuan ko at may humila sa kwelyo ko at may sumuntok sakin.
"ayan ang bagay sayo!" sigaw nila sakin at nagtawanan.
biglang bumukas ang pinto ng storage room, narinig ko at may naaninag akong ilaw. Pumasok ang isang babae, sya ba ang may pakana nito? ang ipabugbog ako?.
lumabas naman agad yung babae at bumaling muli sakin yung tatlo.kinapitan ako nung dalawa sa magkabilang braso at yung isa naman taga suntok sakin.
"t-tama na please." may date pa kami ni Crystal mamaya, ayokong humarap sa kanya na may galos ang muka ko. Nakakatawa, mas iniiaip ko ang magiging itsura ko kaysa sa paano ako makakatakas sa kanila.
Sabi ko na nga ba, hindi maganda ang kutob ko.
may pumasok na isang lalaki at bingyan ako ng isang malakas na suntok.
"layuan mo na si Crystal kunh ayaw mong mapasama."
tinawanan ko lang sya bago magsalita. "bakit ko naman lalayuan ang girlfriend ko?" hinarap ko sya pero hindi ko parin maaninag ang muka nya. Kaasar!.
muli nya kong binigyan ng suntok sa muka. "hah! girlfriend? kahit ata sa panaginip mo, hindi sya magiging iyo."
binitawan na ko ng dalawang nakakapit sa braso ko at sumubsob na naman ako sa maalikabok na sahig at umalis na sila.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng mga suntok nila.
Gumapang ako para kapain ang salamin ko, paano ako uuwi neto? tsk! paano ang date namin ni Crystal. Paano ko haharap sa kanya?
Naalala ko na naman yung sinabi nung lalaki, '..kahit ata sa panaginip hindi sya magiging iyo'
'..kahit ata sa panaginip hindi sya magiging iyo'
'..kahit ata sa panaginip hindi sya magiging iyo'
tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan, sabi ni Crystal, ipakita ko na malakas ako. Pero bakit kahit anong pakita kong malakas ako, lumalabas pa din ang pagiging mahina ko.
'kahit ata sa panaginip hindi sya magiging sayo'
PORKET BA NERD WALA NG KARAPATANG MAGMAHAL AT MAHALIN NG PABALIK?
BINABASA MO ANG
Im A Nerd
Teen FictionIto ay kwento ng isang Nerd.. ..Kung paano magmahal ang isang Nerd, ..Kung paano umikot ang mundo ng isang nerd sa babaeng mahal nya, ..Kung paano pinahalagan ng isang nerd relasyon nila Magwo-work kaya sila? ANG ISANG HAMAK NA NERD, UMIIBIG! SAPAT...