Hindi ko alam kung paano ako nakauwi matapos akong mapagtripan ng mga bully..
Pinagtripan nga ba o may nag utos?
Ang sakit ng katawan ko, lalo na ang muka ko. Kahit hindi pa tapos yung klase, umuwi na ko. Buti at wala dito si mama kundi, magtatanong yun kung ano ang nangyari. Haayy.. hindi ko na nakita si Gen at hindi ko pa nakikita si Crystal..
Tuloy kaya ang date namin--
*bzzt.bzzt
From: CrystalKO
'JayKO! hindi kita nakita sa school. :'( tuloy date natin ha? :*
-
tutuloy ba ko? may muka ba kong maihaharap kay Crystal? 'oo, meron kang mukang ihaharap, may bangas nga lang'
Nakakainis! baka mapagkamalan pa ko ni Crystal na basagulero at pumangit pa ang tingin nya sakin.
To: CrystalKO
Saan tayo magdedate? :)
-
hayaaaaan! dito ako magaling. Ang ngumiti kahit problemado na.
Ngumiti ako sa sarili ko, 'Hanggang kailan ba ako magpapanggap?' i sighed.
Nakakapagod magpanggap.
Na ngumingiti ka at pinapakita mo sa iba na masaya ka kahit ang sakit sakit na.
Yung tipong nakakalimutan mo na ang sarili mong ikaw para lang sa kanya.
*bzzt.bzzt*
From: CrystalKO
Sa playground na lang jan sa village nyo :)
7pm. see you! may klase na kami. labyooooo!.:*
-
tiningnan ko ang muka ko sa salamin. May pasa ako sa pisngi at may sugat ako sa kaliwang kilay pati sa gilid ng labi.
Sakit ng katawan ko. T___T
Gusto kong magpahinga pero paano ang date namin?-kaya ko namang magtiis para kay Crystal.
Naghanda na ko sa date namin. Kahit alas tres pa lang ng hapon. Haha excited lang? :D
humarap ako sa salamin sa kwarto ko. Nagsuklay ako--na kahit anong gawin ko, kusang nahahati sa gitna yung buhok ko. Naka poloshirt ako na blue--napakaplain, tsaka naka maong short na medyo kupas--luma na kase. -____-
Biglang pumasok na lang sa isip ko., 'ano nga bang nagustuhan sakin ni Crystal?'. --Hindi naman ako gwapo, lalong hindi ako maappeal.. Mabait at matalino lang ata ang maipagmamalaki kong meron akong katangian. I sighed, sabi ni Mama..
'kapag nagmahal ka, mahalin mo ang buong pagkatao nya.. kasi kung iilang aspeto lang sa kanya ang mamahalin mo, paano kapag nawala yun sa paglipas ng panahon?--MAHAL MO PA KAYA SYA?, KUNG WALA NA ANG DAHILAN KUNG BAKIT MO SYA MINAHAL?'
napangiti ako. Tama si Mama, hindi ko maipaaliwanag kung bakit ako ang pinili ni Crystal na maging boyfriend nya, kahit ganito ako.. sya lang ang makakapagsabi ng dahilan. ;)
May mga bagay na hindi mo nakikita sa sarili mo, pero nakikita ng ibang tao. Using by their hearts.
pumunta ako sa kwarto ni Mama. Papantayin ko kasi yung pasa.ko sa pisngi. Para kung magtanong si Crystal.. sasabihin ko na make up. Baka mag alala pa sya kapag sinabi kong napagtripan ako.
Nakita ko yung concealer ni Mama. Eto! sana matakpan.
6pm pa lang andito na ko sa.playground. Ang ganda talaga dito, payapa.
BINABASA MO ANG
Im A Nerd
Teen FictionIto ay kwento ng isang Nerd.. ..Kung paano magmahal ang isang Nerd, ..Kung paano umikot ang mundo ng isang nerd sa babaeng mahal nya, ..Kung paano pinahalagan ng isang nerd relasyon nila Magwo-work kaya sila? ANG ISANG HAMAK NA NERD, UMIIBIG! SAPAT...