Stalker in LOVE 1- Meet Daniel

644 8 5
                                    

Daniel po! Labing-anim na taong gulang.

Matalino, mabait, masayahin, palakaibigan, simple pero medyo chubby. Babae po ako, di nga lang halata. Para kasing panlalaki ang name ko, right? Sabi ni Mama cool daw yun para akalain ng ibang tao lalaki anak niya, pero pag ipinakilala na niya dapat magulat daw sila. Iba rin talaga trip ng Mama ko. 

Sabi rin ni Dad na cute ang Daniel kasi dream name niya 'yon at isa pa magko-complement daw sa secod name ko. Well, ang haba na pala ng explanation ng aking pangalan. So, moving on.

Full name?

Daniel Angelie Perez, nag-iisang anak at syempre walang kapatid (nag-iisa nga diba?). Araw-araw na lang ng buhay ko puro nalang ako panaginip. Nasa akin na siguro ang lahat, maliban nalang sa PAG-IBIG!

Hobby?

Tumblr, Wattpad, Reading, Writing, Kalokohan with friends, Studying, at minsan talking with myself. Ang pinaka-importante sa lahat? Stalking! -_-

Love Resume?

Meron ba nun? Sige na nga lang. Ahh, na-inlove na ako noon, sa bestfriend ko pa talaga. Pero wag niyo nalang isipin yun. Epic Fail yun eh. T_T

Pero talking about boyfriends? NBSB po ako. Matatawag rin kasi akong one of the boys kaya walang naniniwala na ni isa sa kanila ay hindi ko gusto. Nakikipagharutan lang ako sa kanila (joke lang). Masaya lang kasi ang company nila eh, takbuhan, suntukan, tawanan, ganyan lang kami everyday.

Educational Attainment?

At 16, second year college na ako (accelerated lang?) sa EU (Easy University) taking up Bachelor of Arts in Masscommunication.

Tambayan?

Library, student lounge, canteen, classroom, quadrangle ‘yan nalang ang route ko everyday. Sa mga lugar na yan inaabangan ko siya o di kaya ay aksidenteng nakikita. Hindi ko naman po sinasadya na makita siya, minsan lang. (haha) Destiny na sigurong matatawag yun diba?

Feelings?

Hindi ko na alam sa ngayon kung ano talaga ang nararamdaman ko. Pag-ibig na kaya ito? Maaari rin kayang mahulog siya sa akin o hanggang pangangarap nalang ito ng gising.

Pero sa tinggin ko, this is pure fascination lang talaga. Hindi ko pa naman iniiyakan ang taong to. Nakakatulog pa ako kung iniisip ko siya. Namumula lang ako, hindi pa napapangiti. Kasi sabi nga nila meron daw malaking pagkakaiba ang love at like.

According to akosipolpol, my tumblr friend:

*Kapag tumingin ka sa mata ng taong gusto mo, namumula ka, pero kapag sa mata ng mahalmo, napapangiti ka.

* Sa harap ng taong gusto mo, nahihiya ka, pero sa taong mahal mo, nagpapakatotoo ka.

*Hindi ka makatingin ng diretso sa taong gusto mo, pero sa mahal mo, nakikipagtitigan ka pa.

*Kapaag umiiyak ang taong gusto mo, pinapatahan mo lang,pero kapag umiiyak ang mahalmo, napapaiyak ka din.

So, sa tingin niyo, Ano na? Diba hindi pa love?

Aalamin ko nalang siguro, trip kong mang-stalk eh. Sama ka?

Stalker in LOVEWhere stories live. Discover now