*FLASHBACK*
3 days na ang lumipas since kuhaan at evaluation ng grades namin. At heto ako ngayon bumalik ng school para sa enrollment.
Makapagtago nga, kasi pag nagkita kami ng friends ko tiyak na matatagalan na naman ako. Hindi naman sa selfish o ano, yun kasing gigising ka ng 5 am para maunang makapag enroll tapos yung kasama mo eh 11 am na dumating sa school, di ka ba magagalit?
Kaya mag isa ako ngayon at ninja moves. Check sa kaliwa, check sa kanan. Nang nakarating na ako sa 4th floor para makakuha ng enrollment form, wagas ang smile ko kasi ako ang nauna. Kaya dirediretso na to.
Pumunta ako agad sa lobby para kopyahin ang codes ng mga subjects na kukunin ko ng may mapansin akong lalaki sa may left side ko. :)
DIBA SIYA YUNG POGING ARTISTA NA SCHOOLMATE KO NA NAKITA KO NUNG ISANG ARAW!
(insert nahimatay effect)
Pero joke lang! Hindi ako nahimatay. Effect nga lang diba?
Oo, siya nga. Di ako pakapaniwala. Nakita ko na naman siya pero yun nga lang nakikita ko lang, ni mag-HI di ko magawa. Ni tanungin ang pangalan ay wala rin eh. Tinitigan ko lang siya ng sobra at ayun presto, SAVED on my MEMORY.
>.< Corny ko.
Kaya ayun wala akong ginawa kundi pinanood siyang nag cocopy dun sa codes. Parang di to nagsasalita. Di rin naman ako napapansin and I don't care kaya ayun, inunahan ko na siyang umalis. Di naman talaga yun artista eh. Isa pa, sa susunod na araw mawawala narin yun. Sa laki pa naman ng school at sa dinami ng students dito, swerte ko nalang kung makapagpang-abot pa kami.
So...
Bye, bye IDOL.
Kaya punta ako sa Guidance office para magpapirma ng kung na anu-ano para ma-enrol at wahhh! Pati ba naman dito nakikita ko parin siya? Kakasabi ko lang na goodbye. Slow mo, bakit di ka makaintindi? As if naman alam niya.
Oh no!
Stalker ko to no?
o kaya crush ako?
tapos susunod-sunod.
bigla-biglang didiskarte.
magpapacute, magpapadala ng kung anu-ano..
Tapos,tapos liligawan ako..
paiibigin..
at iiwan.. T_T
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Masakit yun, kaya ngayon palang I'll break his heart at sorry siya, I'm hard to please and hard to get.
Tama yun nga!
Tsssss. :|
Ang lawak talaga ng imagination ko, nagkita nga lang. Aksidente lang. Tas paiibigan na agad at iiwan. Nonsense!
Umalis nalang ako kasi nagsawa ako sa pagmumukha niya. Ayoko nang makita kasi yun, di ko siya crush naman kasi. Napahanga lang sa mukha kaya yun lang yun. (PERIOD)
Napatakbo ako para matapos na tong lahat. (ang drama lang) Nakita ko bigla si Xtel, my closest friend.
Tapos kana? siya.
Ah, hindi pa eh. Konti nalang ang kulang ko. Magbabayad nalang sa accounting tas magpapapunch sa SSD at encoding. Matatapos narin. Ako.
Galing ah! Ang bilis mo naman.
Remember, daig ng maagap ang masikap. Haha. Sige lakad nako. God Bless! XD
Kaya ayun, dali-daling nagbayad na ako sa accounting, nagpapunch sa SSD at go encoding na for the study load
pero pag minamalas ka nga naman sa mga lugar na yun maliban sa encoding eh andoon si Mr. IDOL. Ayoko na! Ayokong madevelop please. Super bilis ko pa naman ma-inlove na wala sa oras.
Sinusundan ba talaga ako ng lalaking yun o baka naman coincidence lang? Whatchathink?
Naku lalaki ka, lumayo-layo ka nga ng hindi ako ma inlove sayo. Ang bilis ko pa naman magka-crush at ikaw palagi ka nalang nandyan.
PLEASE, maawa ka sa sarili mo at baka ako'y mabuang na sa kakasunod sayo. Baka magsisi ka, siraulo paman din ako. Malas mo!
*END of FLASHBACK*
YOU ARE READING
Stalker in LOVE
Teen FictionSa bawat araw na ginawa ng Diyos, wala akong ginawa kundi ang sundan siya. Alam kaya niya 'yon? Masasabi rin kaya niya na I LOVE MY STALKER? -Daniel Ako si Daniel at ito ang story ko tungkol sa pagsunod-sunod sa aking pangarap. Maaabot ko kaya siya...