BFR: Jobless MayMay

5.1K 169 2
                                    

MayMay POV

"Tabi!!excuse me!!! Paraan tabiiiii kaseeee!!!"

Sunod sunod kong sigaw habang nakikipagsiksikan sa MRT.

Napatingin ako sa wristwatch na suot ko.

Quarter to 9 na MaryDale Entrata!

Diyos ko bai!

Isang oras nakong late sa trabaho!!!

At hindi lang isang beses nangyari to eh!

Napasign of the cross ako.

Diyos ko naman wag naman sanang mabwisit si Mr. Esguerra sakin.

"Kuya matagal pa ba?!!!"

Reklamo ko.

Sabay sabay na napatingin sakin ang mga pasahero.

"Hello! MRT kaya to..di naman to jeep..tangalungs?"

Naginit ang bumbunan ko sa paepal na lalaking amoy uwian na sa gilid ko.

I rolled my eyes and i glared at him.

Kanya kanyang trip eh pakialam ba netu?!

Hummfff!

Halos takbuhin ko ang sakayan papuntang opisina ng tumigil ang MRT sa station nito.

At sa kamalas malasang pagkakataon nga naman oo!

Puno na yung jeep!

Hindi pa naman rush hour ngayon dahil nakapasok na ang mga estudyante at trabahador kaya bihirang mapuno ng mahigit dalawang oras ang jeep dito!

I took a deep sigh at no choice na nagtaxi kahit one hundred pesos na lang ang pera sa wallet ko!

Diyos ko naman kung bakit kase yung sweldo ko ng kinsenas katapusan eh nakikidaan lang sa mga palad ko!

Kaiyyaaakk!

😢😢

"San tayo Miss?"

Tanong ng driver.

"MPC Building manong.."

Wika ko.

Ng makaupo ako sa loob ng taci saka ko lang napansin na hindi pa pala ako nakakapagsuklay!

Diyos ko naman bai!

Few minutes ay narating din namin ang building.

Agad akong bumaba ng taxi at nagbayad.

Pwede nakong sumali ng marathon sa olympics sa bilis ng takbo ko papuntang elevator eh!

Nagdadasal ako sa loob ng elevator na sana wala pa si Mr. Esguerra.

Kundi paktay na bai!!!

Kiss your job goodbye MaryDale!

Parang naririnig kong sasabihin niya.

"Hala ka MayMay! Kanina ka pa hinahanap ni Sir!"

Bungad ni Vivoree sakin.

Napalunok ako.

Ito na nga bai!

Paktay na!

I heard the door being slammed.

"Miss Entrata to my office now.."

Nagkatinginan kami ni Vivoree.

Si Mister Esguerra.

I gulped at sumunod ako sakanya.

"Miss Entrata ilang beses ko bang dapat ipalala sayo na hindi ako nagtotolerate ng mga late at tamad!"

Napalunok ako.

"Sir nakuuu sorry na po..hindi na po mauulit..nakuuu naman sir .."

Sabi ko.

My eyes grew wide ng may kunin siya sa folder at ilapag sa table niya.

"Kasama na dyan yung 13th month pay mo..bonus at separation pay mo..lumabas ka na at linisin mo na ang cubicle mo.."

Napaiyak nako.

Tama nga..wala nakong trabaho!

Laglag ang balikat ko  na lumabas ng office niya.

"Ohhh ano nangyari??"

Tanong ni Vivoree.

Pumwesto ako sa cubicle ko at isa isa ng nilipon ang mga gamit ko.

Ilang beses na din naman akong nalate kaya nakakahiya naman..

Ang kapal na siguro ng pagmumukha ko kung ipipilit ko pa ang sarili ko.

Huhuhu 😢

Pano na ang maintenance ni DaddyPardz ngayon na wala nakong trabaho?

Nga nga na naman..

Kakapit na naman sa mga raket..

Huhu baka sawang sawa na mga tao sa pagmumukha ko.

I carry the box containing my things and nilisan ko ang building.

Kailangan ko ng maghanap ng trabaho..

Kaya mo yan MayMay!

Payt! Payt! Payt!

***

A/N: Hello guys! So this is the second story of MAYWARD .. pansin niyo naman sana na yung plot lang talaga ng Bride for Rent ang idea na ginamit ko but the rest would be based on my own  imaginations na.

Anyways sana magenjoy kayo dito! Thanks😊

Vote&Comment feel free😊

Bride For Rent: MayWard | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon