Chapter 2

22 2 0
                                    




Scarlette

K I N A B U K A S A N

Naglalakad-lakad ako dito sa park . Naisipan kong lumabas ngayon dahil nakakabored na masyado sa bahay . Gusto kong mag-refresh utak ngayon .

Habang naglalakad-lakad at palingalinga sa kapaligiran ay may nabunggo akong isang lalaki , at ang nakakahiya pa 'don ay 'yong pagkain niya nalaglag .

" Hala ! Kuya , sorry hindi ko sinasadya. " paghihingi ko ng tawad

Hanggang sa unti-unting nag-slow mo noong paharap na siya sa akin . Pero nagtaka ako dahil medyo blurred 'yon mukha niya , pero sinisiguro ko na mala-anghel ang itsura niya . Ang tangi ko lang din nakikita ay ang kwintas niyang may pendant na letter "S".

" Kuya , sorry po talaga . Babayaran ko nalang po . " sabi ko sa kanya habang dinudukot ko ang wallet ko

" No , it's okay lang . " sagot niya

Myghad ! pati yung boses niya mala-anghel sa pandinig ko .

" Ah . Okay . Sorry nalang po ulit . "

Paalis na sana ako pero may tumawag sa 'akin .

" Wait , anong name mo ? " tanong niya sa akin .

" Ako nga pala si Scarlette Dein , pwede mo akong tawagin isa diyan sa dalawa . " sagot ko sa kanya sabay ngiti .

" Ako nga pala si S........ "

Bakit nawala ?

" Hoy Ateng ! Nanaginip ka . "

Gulat akong napabalikwas sa kama

" Hay ! Ano ba 'yan , Shane. Pati ba naman ikaw tutol din na maging masaya ako maski sa paniginip lang . " angil ko sa kanya

" Hahahaha ! Nakakatawa ka kasi , paano ba naman natutulog ka naka-ngiti ka , ano ba kasi napaginipan mo ? "

" Ganito kasi yan ..... "

Kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat ng nangyari simula una hanggang sa dapat malalaman ko ang kanyang pangalan , pero dahil sa umepal siya 'di ko nalaman pangalan niya .

" Myghad ! Bes . O to the M to the G . Yieh ! " paimpit na hiyaw niya na parang kilig na kilig . " Bes , baka naman siya na talaga 'yon "

" Ano ka ba naman lagi mo nalang kaya 'yan sinasabi kapag may kinukuwento akong ganyan . Ayoko na rin umasa noh . "

" Sabagay , pero sa pagkuwento mo feel ko ang guwapo ni Kuya . Teka , diba sabi mo may nakitang kang kwintas na suot na na ang pendant ay letter "S" ? " tanong niya sa 'akin , tango lang ang sinagot ko sa kanya . " Sa tingin mo sa "S" din nagsisimula name niya kung sa "S" nagsisimula ano kaya name niya ? Steve ? Steven ? Silver ? Sake ? or Sam ? "

Parang napaisip din ako don ah . Pero ayoko talagang umasa .

" Wag mo na nga isipin 'yon at hindi naman natin yan makikita "

" Sabagay " pag-agree niya sa sinabi ko , pero biglang bumagsak ang balikat niya

" Wag ka na nga mag-inarte diyan , kumain nalang tayo . " pag-aaya ko sa kanya

" Ay , diyan game ako diyan . " biglang balik ulit ang sigla niya .

" Mauna ka na bumaba sure ako nakahain na rin si Mama at maghihilamos at mumog lang ako .  "

Pagkasabi ko sa kanya ay bumaba narin siya agad .

Pagkapasok ko ng C.R napa-isip ako agad , paano nga kaya kung tama si Shane paano kung siya na nga ? Pero parang napakaimpossible kasi eh . Tsaka kung malalaman ko din pangalan niya saan ko din naman siya hahanapin .

Hay nako ! Tama na nga

Pagkatapos kong maghilamos at mumog ay agad na din akong sumunod sa kusina .

Habang papalapit ako ay naririnig kong naguusap si Mama at Shane

" Shane , sa tingin mo makakaboyfriend na ang bestfriend mo ? "

" Hindi ko po ba alam 'don Tita . "

" Hay nako ! Pagpasensyahan mo na 'yan bestfriend mo at medyo may pagka-choosy . "

" Ay nako , Tita . Wala po 'yon "

" Maraming salamat anak ha ! Sana wag mong pagsawaan tulungan makahanap ng boyfriend 'yang anak ko at matagal na noong naghiwalay sila nung ex niya . "

" Ma ! naman eh hindi naman ako nagmamadali tsaka hindi din naman ako masyadong choosy , basta mahal ako okay na 'ko . "

" Ugh ! ka-touch naman yan Bes . "

" Tama na nga 'yan at kumain na muna tayo at baka mamaya lumamig pa ito . "

Ganito ka-closed si Shane kay Mama parang tinuturing na rin kasi ni Mama si Shane na anak at ako naman parang kapatid ko na rin siya . Minsan nga dito na rin siya natutulog , pinapayagan naman siya dahil halos magkatabi lang din naman ang bahay namin at bahay nila .

" 'O nga pala , Shane . Kamusta Mama mo ? " tanong ni Mama

" Okay lang naman po siya nga ho pala noong isang araw lang din po pinapakamusta din po kayo kaso nakalimutan ko lang po banggitin . "

" Mabuti naman kung ganoon . Kung ako ang tatanungin mo , ayos naman din kami dito ni Dein . "

" Ma ! Scarlette not Dein . " pagtataray ko

" Okay po . Madam Scarlette "

" 'O pumunta muna kayo sa itaas , Scarlette . Ako'ng bahal rito sa pinagkainan . "

" Sige po . "

" Sige po Tita , dito po muna kami . "

Nang makaakyat kami dito sa kuwarto ay agad siyang nagsalita .

" Bakit kaya 'di tayo pumuntang park bukas ? What do you think ? "

" Uhm , ano naman gagawin natin 'don ? "

" Edi refresh-refresh ng mind ganon . "

" Uhm , titignan ko kung nasa mood ako bukas . "

" Sige . Basta punta ako dito bukas ng 1:30 PM " sabi niya . " Sige Bes ! tuloy na muna ako sa bahay , baka hinahanap na din ako ni Mama at hindi ako nakapagpaalam ."

" Lukaret ka naman pala eh , aga-aga mo pumunta 'di ka naman pala nagpapaalam . Sige napagdesisyonan ko na sasama ako bukas . "

" Yes ! Sige See you "

" Sige ! See you . " sabi ko . " Ingat . " habol ko .

Nang makalabas siya sa kuwarto ay gulat akong napasarap pala kami sa kuwentuhan at hindi ko namalayan na madilim na sa labas .

" Nak ! Kain na tayo . " sabi ni Mama

" Hindi na muna ako kakain , busog pa 'ko . "

" O sige basta kapag nagugutom ka bumaba kana lang . "

" Opo . "

Masyado na rin gabi kaya makikita mo na rin ang mga bituwin na lagi kong hinihilingan . Hindi ako makatiis kaya sinubukan kong humiling .

Sana makita na kita .

Inaantok na ako kaya , nagpasyahan ko'ng maglinis ng katawan .

Pagkatapos kong maglinis ay agad na din akong humiga at maya-maya lang din ay nakatulog na ako .

Pipigilan ko ang bulong ng Tadhana

To be continued ...

***

Keep read , vote and comment . Thanks

The Last Star ||On-Hold||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon