Chapter 3

9 2 0
                                    




Scarlette

K I N A B U K A S A N

Hindi ko alam kung bakit maaga akong nagising ngayon . Tinignan ko ang orasan at alas tres palang ng umaga . Pilit kong bumalik sa tulog pero hindi na'ko inaantok .

Nakita kong maliwanag sa labas kaya sinubukan kong i-dungaw ang ulo ko sa bintana . Napa-wow sa nakikita ko dahil sa kagandahan ng langit na punong-puno ng bituwin na nagbibigay ng liwanag sa madilim na kalangitan .

Maya-maya habang nakatitig pa rin ako sa kalangitan , nagulat ako dahil may dumaan na shooting star .

" Hindi ko naman alam kung ano i-wiwish ko. " bulong ko sa sarili ko

Naalala ko si Steve siya yung ex ko , oo tama kayo nagkaroon na ako ng isang ex pero sobrang  tagal na 'yon , siguro mga dalawang taon na nakalipas . Pero ewan ko ba kung bakit naaalala ko pa rin siya , siguro kasi first boyfriend ko siya . Ewan ko ba 'don sa lalaking 'yon nagsawa ata sa 'akin , kaya ayon naghanap ng iba pero noong una sabi ko hindi magagawa ni Steve 'yon dahil mahal na mahal niya ako , pero akala ko lang pala 'yon dahil ako mismo nakatuklas na meron na nga siyang iba .

Hindi ko namalayan na may luhang naglalakbay patungo sa pisngi ko . Parang yung alaala ang nagpapasakit ng pakiramdam ko ngayon , maski napakatagal na non . Siguro akala ko talaga kasi kami na pero sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala . Naawa ako sa sarili ko kung babalikan ko ang nakaraan , dahil halos hindi ako kumakain non at lagi lang din akong nakakulong sa kuwarto ko at iyak ng iyak . Natakot nga sila non kasi akala nila mababaliw na talaga ako nung mga panahon na 'yon . Dumating na nga din sa point na gusto kong mag-suicide .

Pero sabi ko sa sarili ko , bakit ako magpapakamatay dahil lang sa isang tao ? Hindi ko siya deserved , tsaka nakaparaming nagmamahal sa 'akin unang-una andyan si God , si Mama na laging andiyan sa tabi ko at higit sa lahat andiyan ang bestfriend ko na si Shane na sometimes bestfriend always sister . Kaya bakit ko sasayangin ko ang buhay ko ? 'Yan ang nagpatigil sa 'akin sa masamang desisyon . Kaya sobrang thankful ako dahil andiyan lang sila lagi .

Maya-maya medyo nakaramdam ako ng antok kaya sinubukan kong humiga at ipikit ang aking mga mata , hindi naman ako nabigo dahil nakatulog ako kaagad .

------

" Goodmorning 'Nak " bungad sa 'akin ni Mama

Maaga lang din akong nagising kaya makakatulong ako sa paghanda ng umagahanan .

" Goodmorning din 'Ma , ako na po magbaba ng plato . "

" O sige at kukuha lang ako ng kain at yung ulam . "

Habang hinihintay ko si Mama , may biglang pumasok sa isip ko , pupunta nga pala kami ni Shane mamaya sa park .

" O heto na , kain na . "

" Siya nga pala 'Ma , nabanggit po ba sa inyo ni Shane na pupunta kami ng park mamaya ? "

" Oo . o ano sasama kaba ? "

" Opo , sinabi ko naman po sa kanya . "

" Eh kung ganon , ayain mo nalang siya at dito nalang siya mananghalian . "

Sige po , text ko nalang po siya maya-maya ."

" Sige , kain na tayo . "

Habang kumakain kami ay naisip ko naman kung ano ang pwede namin gawin mamaya sa park ? Kumain ? Mag-selfie ? Maghanap ng forever ? Haist isip ng isip . Bahala na mamaya .

" 'Ma akyat na po muna ako tawagin niyo nalang po ako kung andiyan na po si Shane ."

" Sige. "

The Last Star ||On-Hold||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon