Chapter 4

6 2 0
                                    

Scarlette

Napatitig talaga ako sa mga mata niya. Mga matang para kang kinakausap , at yung mga bawat mga niluluwa niyang salita ay parang sirang plakang pauliut-ulit sa pandinig ko . Yung ngiti niyang makalaglag panty . 

Pero parang hindi siya ganon kasikat eh , siguro talaga gwapo at maganda ang boses kaya pinag-kakaguluhan siya ngayon . Hindi ko alam kung bakit ako naattract sa mga magagaling kumanta at mag-gitara para sa akin kasi parang ang lakas ng datingan parang ganon ba .

" Uy ! Bes , tapos na . Tulaley parin hanggang ngayon ? " paggambala sa akin ni Shane

Nung makabalik ako sa ulirat ko . Napansin ko nga din na nagsisialisan na ang mga tao hanggang sa kami nalang ni Shane ang natira .

" A-ah ! Hehehe " wala akong maisagot sa kanya . Ayoko din naman sabihin kay Shane na parang naattract ako 'don sa lalaki . Kasi alam kong mang-aasar lang 'yon . 

" Tara na . " yaya niya sa 'akin 

" Saan tayo pupunta ? " tanong ko sa kanya

" Libot-libot malamang kaya nga tayo lumabas eh . " pambabara niya sa 'akin 

" Ah ! Sige . " 

Habang naglalakad kami nakakita kami ng swing kaya pumunta kami doon at nag-swing .

Iniisip ko parin yung lalaki kanina . Siya na kaya ? Pero paano kung meron naman pala iyang girlfriend ? Ano kaya pangalan niya ? Paano ko naman malalam eh mukhang nakauwi na siya ? Pero paano kapag wala pala siyang girlfriend ? Urgh , bahala na . Hindi ko pa nga alam pangalan eh . Napakadming tanong sa isip ko , pero halos lahat ng tanong alam ko ang sagot . 

" Di'ba Bes ? " sabi ni Shane pero yun nalang ang narinig ko dahil sa kakaisip . 

" Ha ! A-ah , Oo . Oo ! " nagkunwari nalang ako 

" Sige nga , sabihin mo ulit yung sinabi ko from the start . " paghahamon niya sa akin 

" A-ah , e-eh ! Hehe ! " tawa lang naisagot ko dahil hindi ko talaga alam sinabi niya

" Tignan mo na . Lutang ka kasi eh . " pang-aasar niya sa 'akin . " Ano b kasi iniisip mo ? " 

" Ah . Wala , wala . " pagsisinungaling ko 

" Ewan ko sa'yo ! Scarlette ! " sigaw niya

Alam kong nagtatampo siya dahil ngayon ko nalang ulit narinig na tawagin niya pangalan ko 

" Eh , wala naman kasi talaga eh . " paliwanag ko . " Kain nalang tayo ! " pag-aaya ko sa kanya . " My treat . " 

Agad nagliwanag ang mga mata niya 

" Sige , sige . " mabilis pa sa aso na agad siyang tumayo 

Hay nako ! Pag-libre talaga eh hindi pwedeng uurong . 

Pumunta kami sa paborito naming ihaw-ihaw

Agad siyang kumuha ng limang stick ng isaw , dalawang stick ng BBQ at isang stick ng atay . Ang timawa parin niya talaga . Ako naman kumuha lang din ako ng tatlong stick ng isaw at dalawang stick ng atay . Pagkatapos kong magbayad ay agad namin 'yon nilisan . 

Agad kaming nakahanp ng mauupuan para magpahinga at kumain .

" Ang gwapo nung kanina noh ! Yiehh " parang kinikilig kunwari niyang sinasabi 

" Hehe ." 

Unting katahimikan ang nangyari sa paligid , huni lang ng ibon ang maririnig mo at ang hangin lang ang mararamdaman mo sa iyong balat . Habang kumakain kami agad nag-vibrate yung phone ko . 

Agad kong tinignan kung sino yung nag-text 

Conversation : 

" 'Nak , saan na kayo padilim na , uwi na kayo maya-maya . Ingat . " 

" Okay po . " 

End of Conversation .

" Sino 'yon ? " tanong ni Shane 

" Si Mama , pinapauwi na ako maya-maya . " sabi ko . " Anong oras na ba ? " 

" Magaala-sais na . " 

" Ano ?! " gulat 'kong sbai at agad napatayo . " Tara na . " 

Hala ! Ganon na ba kabilis yung oras at halos apat na oras kaming nandito sa park 

" Sige . " 

Agad kaming naglakad . Habang nagmamadali kaming umuwi , may nakabangga akong lalaki . Ow Shit . Wrong timing . 

Pag-angat ko ng ulo , laking gulat ko na parang nakikila ko siya . OMG , siya yung kumanta kanina . 

" Gosh ! K-kuya , So-sorry , hindi ko po si-sinasadya . " nakita ko yung pagkain niya sa sahig 

" No , it's okay . " narinig ko nanaman prang boses ng anghel 

" A-ah , ba-bayaran ko nalang p-po . " sobrang utal kong sabi 

 "No , hindi mo kailangan gawin yon , I know na hindi mo naman sinasadya . " ang bait din niya 

Parang ang ganda-ganda ko naman ngayon . Hihihi 

Pero nung mapatingin ako sa leeg niya , ngulat ako . W-Wait . Hindi ba ako nananaginip ? Myghad ! Yung letter "S" na necklace na suot ng lalaki sa panaginip ko ay nakikita ko ngayon suot ng lalaking kaharap ko ngayon , tapos parang siya din yung nakabangga ko sa panaginip ko at dito din sa park nangyari at natapon din yung pagkain niya . Geez . Pero kailangan ko ng malaman pangalan niya . 

" A-ah , ano ? Kasi . " pag-aalinlangan ko kung tatanungin ko pa ba . 

" What ? " balik niya

" a-ah . " 

Paano ba ? Paanong tanong ? Hays , 'di ko alam .

" Hey bro , there you are , kanina pa kita hinahanap . Pinapauwi ka na ni Tita . " may parang kabute na sumulpot sa tabi nung anghel . " Bilis . " 

" Ah . Nice to meet you , but I gotta ko . Bye . " pagpapaalam niya at agad siyang sumunod 'don . 

Myghad ! Parang gusto ko ng himatayin sa kilig . Yiehhhh . Pero sayang hindi ko parin nalalaman yung pangalan niya .

" Tara na nga lang umuwi . " pag-aaya ko 

Gabi na kami nakauwi ni Shane , kaya dito ko na siya pinaghapunan . Nang matapos lang din siya ay agad na din siyang nagpaalam dahil gabi na nga daw at baka hanapin siya ni Tita . Pagkahatid ko sa kanya sa labas ay agad na din akong umakyat ng kuwarto . 

" Susubukan kong gawi ang bagy na ka'y hirap gawin , makamit ka lang . " 

To be continued ...

The Last Star ||On-Hold||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon