One shot

18 2 0
                                    

I'm a liar, a cheater, a player. Naninigarilyo, umiinom, may fraternity, lahat na yata ng ayaw ng matinong lalaki ay na sa'kin na.

Until I met you, hindi 'ko inaasahan na sa simpleng text, chat at call ay mahuhulog ang loob ko sa'yo. Almost 1 month ding gano'n ang set up natin. Until we decided to meet.

Nagmeet tayo sa isang mall dito malapit samin, ewan 'ko pero kahit 'yun 'yong unang beses na nakasama kita, naging komportable agad ako sa'yo. Hindi 'ko alam kung anong meron pero sobrang gaan ng loob ko sa'yo. Hanggang sa nag-decide kana ligawan ako.

Every month binibigyan mo'ko ng love letters. Noong una nahihiya kapa kasi sabi mo old school na pero kahit na gano'n, napapakilig mo pa rin ako. Napadalas na rin ang pagkikta natin no'n. Kain, kwentuhan, tawanan, sobrang bait mo sakin at sa araw-araw na nakakasama kita, do'n ay mas nakikilala rin kita. Ikaw yung tipo ng lalaki na sobrang mapagmahal sa pamilya. 'Di bale ng wala ka basta meron sila, sobrang makadiyos mo. Lahat nga rin ng gift mo saakin ay parating rosary.

Sa lahat ng nanliligaw saakin, ikaw lang ang gumawa no'n. Nagsosorry ka pa kasi hindi mo afford ang bouquet ng bulaklak. Sobrang ma effort mong tao, lahat ng effort mo ay old school pero nakakakilig. Yung tipong kahit wala namang okasyon magbibigay ka ng stem rose. Nung una nag tataka pako kung para saan yon hanggang sa nasanay na lang ako. Nginingitian mo lang din naman kasi ako pag tatanungin kita kung para saan yon.

Sa ugali mong yan sino nga na naman ang hindi maiinlove saiyo? After 3 months of courting me sinagot na kita. I still remember that day nasa MOA tayo non. Cheerdance competition pa nga yun e. Pero mas pinili natin na maglakad sa gilid ng bay kesa manood ng competition. Habang naglalakad tayo, biglang umulan, sobrang takot na takot ako nung mga oras na yon kasi may trauma ako sa ulan simula nong bahain kami.

Pero ang sabi mo saakin...

"Wag kana matakot, nandito naman ako, e. Hindi kita pababayaan," dahil don medyo nawala ang takot ko. Pakiramdam ko, kasama ko na 'yung super hero ko. Nang tumila ang ulan, nagpasya na tayong umuwi. At nung nasa bus na tayo don mo narinig ang matamis kong "OO"

Tuwang-tuwa ka ng sagutin kita, gusto mo pa nga sumigaw nung mga oras na yon. Yung ngiti mo abot hanggang tenga at yung singkit mong mga mata ay naging guhit na lang. Habang pauwi tayo non paulit-ulit mong sinasabi saakin na "girlfriend na kita. Sa'kin ka lang, hah?" Sobrang sarap sa pakiramdam na mahalin ng kagaya mo.

At first our relationship went well pero nung umabot na tayo ng 1 year don ay mas naging mahigpit ka saken at ramdam ko na mas lumalalim ang pagmamahal mo.

Mas naging maeffort ka ring tao. Naiingit nga satin bestfriend ko kasi, sya never binigyan ng bulaklak ng bf nya. Pero ikaw? Isang flower shop na yata na ibigay mo sakin kung pagsasamahin ko lahat ng bulaklak na ibinigay mo.

Twing may sakit ako pumupunta ka sa bahay para dalhan ako ng gamot. Minsan naman magdadala ka ng donut kasi alam mong ayun yung paborito ko. Never ako humingi sayo, nagkukusa ka. Naalala ko pa nung nagpakachildish ako sa text sabi ko

"Inagaw saken ng classmate ko yung pastillas ko"

Nagulat na lang ako nung pagsundo mo saken sa school ay may dala ka ng pastillas.

"Ito, binilhan na kita. Wag na sad baby ko ha?" Sobrang swerte ko sayo, ang swerte ko na ako yung girlfriend mo.

Sa loob ng 2 years na relasyon natin, marami na tayong napagdaanan na ups and down. Dumating pa sa point na harap harapan na sinabi ng parents ko sayo na ayaw nila sayo pero never mo akong binitawan dahil sabi mo nga sakanila "Malinis naman po ang intentsyon ko sa anak nyo."

hanggang sa natanggap na lang nila ang relasyon natin. Ang daming masasaya at malulungkot na pangyayari ang naranasan ko noong kasama kita. Pero syempre mas lamang ang masaya. Sayo ko naranasan yung sinabi nila na

"Pag mahal mo talaga ang isang tao darating sa point na mag slow motion ang lahat ng nasa paligid mo."

And yes it happened. Debut ko nung time na yon nakaupo pa'ko sa may sala namin kasi may hinihintay pang mga bisita. Nagulat na lang ako, nasa harapan na kita at lahat sila'y nakatingin satin. Lahat ay may kanya-kanyang ngiti sakanilang mga labi. Biniro mo pa'ko non, kasi sabi mo sa wakas afford mo rin ang bouquet.

Sabi nga nila mala-fairytail daw ang relasyon natin. Everything went well. Nalagpasan natin lahat ng downs natin e. You are a very strong person. Kaya hindi ko kinaya nong lumuhod ka sa harap ko at umiyak dahil alam kong hindi ikaw yon. Hindi ikaw yung lalaking minahal ko. Malakas yun. Hindi yun umiiyak. Pero sabagay tama nga siguro sila na once you fall in love may mga bagay kang magagawa na di mo aakalaing magagawa mo.

Happy 3rd anniversary asawa ko. I hope you're doing well. 3 years na. 3 years na 'yong kwentong sinimulan natin. I love you so much.

I am the luckiest girl on earth because I have you in my life. Sabi mo saken noon ako yong dahilan kaya nalagpasan mo lahat ng problems mo. Ako kasi yung lakas mo e, diba? Now tell me, pano ko malalagpasan yung problema ko? Ikaw yung lakas ko pero ikaw mismo problema ko.

Sabi mo sakin hindi mo ako iiwan, hindi mo'ko sasaktan, hindi mo'ko paiiyakin. Pero bakit di mo tinupad yung sinabi mo? Ang bilis kang binigay ni Lord sakin pero bakit ang bilis ka rin nyang kinuha? Sabi mo saken matutulog ka lang, sabi mo mag papahinga ka lang kasi pagod ka. Pero bakit hindi kana gumising? Sobrang unfair mo.

Pero mahal ko, forever ko, asawa ko, siguro nga pagod kana talaga. Siguro nga tama ka na may plano si Lord para satin. Ano kaya plano nya? Bakit ka kaya nya kinuha agad saken? Kung kelan naman okay na. Kung kelan naman yung tamang panahon nalang hinihintay natin saka ka nya kukunin. Ang unfair mo rin, e. Napakadaya mo. Sabi mo sakin lalaban ka kasi kailangan pa kita. Pero bakit hindi ka lumaban? Bakit nagulat nalang ako nong sinabi nila na wala kana?

Ganyan ka ba talaga kadaya? Wala na tuloy mag dadala saken ng gamot pag may sakit ako, wala ng magbibigay ng isang stem ng rose kahit wala namang okasyon. Wala ng magbibigay sakin ng love letters, wala ng magdadala saken ng donut dito sa bahay, wala na yung nang aasar saken pagkagising na pagkagising ko pa lang, wala na yung nagbibigay saken ng long messages, wala na yung yumayakap saken twing natatakot ako, wala na yung nagpaparamdam saken ng halaga ko, wala na yung magreremind saken na maganda ako, wala na yung tumuturing saken na prinsesa ako, wala na yung poprotekta sakin, wala na yung susuyo saken twing may topak ako, wala na yung super hero ko, wala kana. Ang sakit, mahal ko. Sobrang sakit na iniwan mo'ko. Siguro mas gugustuhin ko pa na makita kang hawak ng iba kaysa hindi na talga kita makita.

Alam ko habang sinusulat ko ito nasa tabi lang kita. Alam ko na nababasa mo ito. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Never kong pinag sisihan na naging sayo ako, never kong pinagsisihan na ikaw ang minahal ko. Promise magiging malakas ako para sayo. Sabi mo nga

"Ang pagsubok dinadaanan lang, hindi tinatambayan."

Alam ko rin na ayaw mong nakikita na nagkakulong lang ako sa kwarto at iyak nang iyak. Sad face emoticons nga lang sa text nagagalit kana, diba? Wala kana para punasan ang mga luha ko, ikaw na kasi ang dahilan ng mga ito. Napakadaya mo talaga, nakakainis ka. Pero salamat pa rin. Salamat sa lahat lahat. Salamat sa pagmamahal mo, pag aalaga mo, sa efforts mo. Thank you for making me a better person. Sabi nga nila mula sa pagkakademonyo naging anghel ako. At yun ay dahil sayo.

You're the best boyfriend I've ever had. Hanggang sa muli, mahal ko. Bantayan mo ako ah. Yakapin mo ako pag natatakot ako. Ngayon lang to. Darating din 'yung time na magkakasama ulit tayo d'yan. At pag dumating ang time na yun, itutuloy natin ang naudlot nating kwento. I will be your girl no matter what.

-------

...WAKAS...

The Girl That Can't Be Move Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon