Chapter 1: The Start

107 2 0
                                    

Isang maaliwalas na araw. Walang makikitang ulap sa kalangitan. Ang mga puno ay tila nagsasawayan kasabay ng mga kalmadong huni ng ibon. Maririnig mo ang mga sasakyan na nagbabyahe na papuntang opisina. Makikita rin ang mga batang mabilis na tumatakbo papuntang eskwelahan dahil huli na sila sa kanilang pagpasok. Isang normal na araw lang ito, diba? Kung tama ang isasagot mo, mag-isip ka ulit.

Mukhang nagkakamali ka.

------

"ALOID! ALOID! Hintay!"

Isang malakas na sigaw ang narinig ko sa aking lukuran habang ako'y tumatakbo. Nakakairita na. Paulit-ulit na lang! Para bang sirang plaka? At pinagtataka ko lang, bakit ba niya ako tinatawag na Aloid? Panlalaking pangalan iyon, diba? Ang sagwa. Nga pala, ako si Aloidise von Margarnt, isang purong babae at ayoko ng pangalan ko. Pero, mas gugustuhin kong tawagin ako sa pangalang-

"ALOID! Sandali! May dala akong tinapay para sa iy-"

HIYAAAAAAAAAAH!

O, Tignan mo nga naman, bigla na lang gamalaw ng mag-isa ang aking kaliwang paa at sakto, tumama sa mukha nya. Hindi ko kasalanan iyon, ha.

"Bakit mo ginawa iyon?! May ibibigay lang naman ako sa iyo, gaganyanin mo pa ako."

Hala na. Nagsisimula na siyang umiyak. Naku.. Gagawa na lang ako ng dahilan.

"P-pasensya na, ha? Di ko sinasadya. Akala ko kasi maniac ka. "

Napilitan na lang akong ngumiti dahil alam kong hindi uubra ang paliwanag ko. Tinulungan ko na lang siyang tumayo para mabawasan na yung kasalanan ko. Nakakahiya talaga ako. Shhhs.

"Pasensya na talaga ha, Luis?"

Oo, lalaki siya. Lampa ngunit matalino. Mabait at gwapo. Matangkad at sensitibo. Parehas kaming 'blond' ang buhok dahil mga exchange students lang kami galing Germany. Pero tignan mo naman, purong Pilipino ang dating! 

Nagsimula na kaming maglakad nang biglang may humarang samin. Si Madam Lara. Siya ang punong-guro ng paaralang ito. Hula ko, malaki ang sweldo nito. International school na nga, mayaman at malaki pa!

"Von Margarnt! Ba't huli ka na naman? Kung hindi ka lang exchange student, kanina pa kita pinalayas!"

Sinigawan na naman niya ako. Akalain mo yun, kung di lang siya principal, kanina ko pa siya pinatalsik eh. May karapatan nga pala ako sa paaralang ito dahil ang aking mga magulang na sina Ludwig von Margarnt at Almaira Delos Santos ang nagmamay-ari nito. Pero dahil alam nila na hindi ako isang mapagpasensyang tao, bawal akong magsumbong. Magulang ko pa nagsabi nun, ha?!

At bakit ako lang? Ba't hindi kasama si-

"Nawala siya."

Sinabi ko. Naglaho na lang nang parang bula si Luis. Nawiwirdohan ako sa lalaking iyon. Araw-araw na lang, ganito siya. Mabilis talaga syang tumakbo. O nandito ba talaga siya?

-------------

A/N: Yan na muna. Yung susunod na mangyayari, nasa chapter 2 na. Nakakpagod kasi 'tong araw na ito. :)))) Pasensya na, wala kasi akong talent sa pagsusulat ng story. kdjfksfjksdf. Vote and Comment, please~ :) Basahin nyo na rin yung iba. VIELEN DANK~ SARANGHAE~ DAISUKI~

Tied by FateWhere stories live. Discover now