Chapter 2: The Warning

44 0 0
                                    

"Hmm.. Bahala na nga."

 Napatingin na lang ako sa ulap habang nagdadadakdak sa harapan ko si Madam.

"HOY, NAKIKINIG KA BA?"

Sabay sigaw sa mukha ko. Pebrero na pero yung laway nya, namamasko pa rin. Ano ba yan.

"Opo. Opo. Nakikinig ako. Hindi ko na po ito gagawin. Magpapakabait na po ako. "

Sinabi ko ito gamit ang aking "sarcastic" na pananalita. Tinatamad pa akong maging mabuti. HAHA. Sige na, kayo na ang masipag.

"Ngayon-"

Napatingin ako sa kanyang mga mata at patuloy na sinabi.

"Pwede na ba akong pumasok?"

Pagkatapos ko itong winika, pagalit siya na umalis papalayo sa akin. Siguro may takot din siyang naramdaman nung tinitigan ko siya. 

Pero iba itong pangyayaring 'to. Ang inaasahan ko kasi, hihilahin niya ako papuntang classroom at ipapahiya sa buong klase. May hindi magandang nangyayari dito. Yun ang hinala ko.

"Di na lang ako papasok. Nakakatamad na."

Mahina kong winika habang naglalakad palabas ng eskwelahan. Wala rin namang masyadong gagawin ngayong araw. May meeting yung mga teachers kaya malamang, ang magtetake-over ng mga subject, iba't-ibang 4th year students. Hindi naman sa ayaw ko silang makita pero wala talaga akong gagawin doon kundi ang magdrawing at matulog. Mas maganda sa bahay. Matutulog ka sa kama at maglalaro ng Persona 4. 

Hindi ko inaasahan ito. Bigla na lang may nagsalita sa likod ko. Di ko namalayan.

"Wag kang ganyan, Aloid."

Napatingin ako kung saan ko narinig yung boses. Nasa likuran ko pala si Luis. Kanina pa ba siya nandito? Nakakapagtaka talaga 'tong taong 'to. Masyadong misteryoso.

"B-bakit naman? Wala namang gagawin sa loob kaya bakit kailangan ko pang-"

Natigilan ako dahil bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Nanginginig siya.

"Tigilan mo na yang pagiging pasaway mo. Pakiusap."

Nakikita ko sa kanyang mukha at mga mata ang labis na pagkalungkot at pagkatakot. Tila isang babala. Natakot na ako.

"Luis... Sige. Papasok na ako."

Binitawan na niya ang kamay ko. Naglakad na ako papuntang classroom. 

Ayokong nakikita ang mukhang iyon. Masakit sa puso ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tied by FateWhere stories live. Discover now