Unang Pangyayari

13 0 0
                                    


Her Pov

Ang bilis ng panahon, dati lang nag swi-swimming pa ako kasama ng mga pinsan ko tapos ngayon may pasok na? Kaurat lang talaga.

Nakatayo lang ako sa gilid ng quadrangle, naghahanap ng kilala. Pero hindi naman maliit mata ko para wala ako mahanap.

Urat na urat na ako sa kakahanap pero wala talaga. Nag-antay lang ako sa wala, nag-tyaga pa talaga ako tumayo habang bitbit itong backpack kong puno ng libro, baka kasi mag-lesson agad.

''ELIZZZZ!!" Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang may tumawag sa pangalan ko, nanglaki yung mata ko ng nakilala ko yung tumawag sa akin.Laking tuwa ko na may nahanap na rin ako sa wakas! Worth it pala yung pag-tyaga kong pag-tayo at paghihintay.

''Lyce! Buti nakita kita dito, kanina pa ako pasikot sikot at naghahanap ng kakilala ko pero wala man lang ako malapitan o makausap.'' Pataray kong sabi kay lyce. Totoo naman kasi sa dinami dami ng estudyante sa school wala ako malapitan kanina pa.

Natawa naman siya sa action at sinabi ko. ''Loka ka kasi nasa canteen lang naman ako bumili ng pagkain, nagutom kasi ako sa dami ng estudyante dito." Then she laugh.

"Edi sana, minessage mo man lang ako through text or messenger!"

"Nag-message ako sayo sa messenger pero hindi mo man lang sineen. C'mon! look for it Eliz." Sinasabi niya yan habang naka-crossed arms.

So tinignan ko yung messenger ko at may nag-pop out na message pero hindi iyon galing sa kanya. Galing sa kaibigan kong social media. He's name is Rince nakilala ko lang siya sa internet pero hindi yun manloloko, sure ako dun. Kaya tinignan ko muna yung message ni Rince.

GoodMorning taba. May pasok na kayo diba? Ingat.

Sanay na ako na tawagin niyang 'Taba' ayaw ko naman na masyadong defensive kaya hindi nalang ako umaangal. Kaya nireplayan ko nalang siya ng 'Goodmorning din' ayoko mapatagal yung paggamit ko ng phone baka ma-confiscate pa, 1st day na 1st day.

Tinignan ko naman yung message ni Lyce.

Babaita! Nasa canteen lang ako. I'll wait for you. Agahan mo pumasok ah.

Hoyy! ANO BA?! ASAN KA NA BA?! Pisti ka.

Nang natapos ko na mabasa yung mga message nila. Tinago ko na yung cellphone ko sa bag ko.

"Nakalimutan ko pala i-open yung data kanina kaya akala ko hindi ka nag-message" sabay ngiti na labas ngipin. Napailing nalang siya sa akin.

"Sayang hindi tayo classmate. Mapapahiwalay ka na sa squad." Nalulungkot na sabi niya. Ayaw pa i-straightforward na mami-miss lang nila ako.

Ngumiti nalang ako sa kanya at pinakita aking maputing ngipin. ''Hindi naman tayo maghihiwalay, magkatabi lang naman yung room natin kaya magkikita pa tayo'' 

''Pwede rin, Pero dumalaw ka rin sa room ah. Ayaw ko na naghihiwalay tayo'' Sa sinabi niyang yun parehas kami natawa.

"Yak!"

''ATTENTION STUDENTS! PUMILA SA KANYA KANYANG SECTION NG MAAYOS!'' Sabi ng hindi ko alam kung saan yung nagsasalita basta pinapa-pila kami.

Nagpaalam na kami sa isat-isa ni lyce at pumila na kami. Bumalik nanaman si Mr.urat dahil wala nanaman ako malapitan dito sa pila.

Nang may nakilala ako sa unahang pila na ka-section ko din pala.

''Kath! Tina!'' Tinawag kong silang dalawa at nang makita nila ako lumapit agad sila sa akin at nag-kamustahan kami mga ganern chu chu.

Pagkatapos ng mahabang seromonya pina akyat na kami sa magiging classroom namin at ang masasabi ko lang ang panget ng sahig kasing panget ng katabi ko. Hindi kasi ako nakatabi agad kina Tina at Kath dahil dalawahan lang naman yung upuan alangan naman kumandong pa ako sa isa sa kanila.

Umayos agad kami sa pag kakaupo, dumating na kasi yung adviser namin.

''Ang tahimik niyo ah.'' Pa-ngising sabi ni maam hindi ko pa kilala.

''Tahimik talaga kami maam!'' Pabirong sabi ni Pargs, hindi ko siya close, hindi ko rin siya friend basta classmate ko siya.

Nagsulat si maam sa blackboard at nung tapos na siya, tinignan ko yung sinulat ni maam, sinulat pala niya yung pangalan niya.

''Sa mga hindi pa nakakaka-kilala sa akin, I'm Macsyd Badilla ang magiging adviser niyo. Kung ayaw niyo sa akin, bukas ang pinto lumayas kayo sa section na ito" sabay ngiti ni maam. Ang cool ni maam, taray niya infernes.

First expectation ko dito sa classroom..Hindi masaya, puro aral, seryoso sa libro. First section nga kasi. Pero sana hindi naman. I hope so.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon