Chapter 55: Sa bukid

442 13 0
                                    

Syndey POV

         Naka sakay na kami ng airplane ..

         Nakinig ako ng music sa cellphone ko hindi ko namalayan naka tulog na pala ako sa balikan nya at sya tulog na tulog din ..

       Pinag mamasdan ko sya ang gwapo pa rin nya , para syang cute na bata kapag tulog ..

      Bakit ko ba pinupuri ang mokong na ito maka tulog nga ulit ..

       "Syndey , Princess gising na andito na tayo"

        Tumayo ako agad nang "aray ang sakit nang ulo ko" na untog ako tsk.tsk.tsk ..

        Sumakay na kami nang bus  ilang oras din at tanghali na kami naka rating ..

       Sinalubong kami ni grandma ..

       "Mahal kung Syndey , natutuwa akung nakarating ka " sabay yakap sa akin ..

       "Grandma , miss na miss din kita , alam mo naman grandma di kita  matitiis"

       "Sino ba tung kasama mu at parang hirap na hirap sa dala nya .?" Pabulong nyang sabi kasi si Devon ang pinabuhat ko lahat nang mga galit namin bwahaha ..

        "Si Devon po grandma , alalay ko"

        "Ki gwapo , gwapo naman nang alalay mo"

       "Grandma naman syempre maganda kasi itong apo ninyo, nga pala grandma hindi ko nakita si Nicolas ngayon Asan ba sya ?"

        "Noon ayaw mu syang nakita ngayon , hinahanap mu kayo talagang mga kabataan Ewan ko hindi ko kayo ma intindihan , nag bakasyon rin nag mamadali nga yon hindi nag sabi kung Asan pupunta , basta sabi nya sa tawag malayong malayo daw "

       "Aaah ganun ba grandma ano kayang pinag gagawa nang Nicolas na yun"

      "Ang huli nyang sabi nagpa alam sya na sa kanya ka raw muna mga ilang araw, mga ganun ang sabi nya or baka iba yun ang pandinig ko alam mo naman ang grandma medyo mahina na ang pandinig , kasi andito ka naman"

       "Baka binibiro ka lang non grandma"

       "O sya , sya pumasok na tayo , ikaw din iho pumasok ka na rin"

      Kuma in na kaming lahat , masaya nag kwe-kwentohan parang walang problema nakikisali rin si Germs ..

        Hinila ko si germs palabas pagkatapos naming kumain

      "may sakit si grandma kaya ikaw ang gagawa lahat nang gawaing bahay"

        "Huh , ei hindi ako marunong Princess"

        "Ede sasabihin ko sayo kung amung gagawin mu"

        "Tutulungan mu ako princess ang bait mu naman"

        "Nek, nek mu ano ka nanalo nang loto , hindi kita tutulongan kundi ako lang ang mag sasabi kung anong gagawin mu"

       "So germs una mung gagawin huhugasan mu ang pinagkainan natin ngayon, pangalawa ikaw mag luluto nang hapunan nating lahat , sunod mag iigib ka at maglalaba ka kuha mo germs"

       "Huh ang rami nun princess di ko kaya"

       "Diba ang sabi mu germs gagawin mu ang lahat , okay rin na wag mong gawin at kalimutan mo ang deal natin "

        "Aw hehehe , kaya ko yan lahat princess yan lang ba ang dali dali naman sisiw lang yan sa akin "

       "Hindi lang iyang kasi may gagawin ka na iba bukas" sabay ngiti na napaka tamis

       Tingnan natin kung hanggang Asan ka sabi ko sa isip ko .

Sweet Revenge ni Miss Piggy NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon