UnExpected Love

16.5K 113 47
                                    

Ako si Melody Garcia, 18 years old. Hindi naman ako popular kaya ni hindi rin ako nakakatanggap ng kahit na anong love confession.

Pero ngayon..

Sa unang pagkakataon.

Nakatanggap ako ng isang LOVE LETTER.

***

" Melody ,

I've always had my eyes on you. There is something I want to tell you. I will be waiting behind the gym after the classes are over.

Please do come. "

***

" Waaaaaahhhhhhhhhhhh..."

Sigaw ko, kaya napatingin lahat ng mga classmate ko sa akin matapos kong basahin ang natanggap kong love letter na nakita ko sa ibabaw ng aking desk.

At dali dali naman lumapit sa kinauupuan ko si Scarlet at Lovely para asarin ako.

" Anong nangyare sayo Melody? "

Tanong ni Scarlet sabay akbay sa balikat ko at pinagpipisil nito ang isang pisngi ko.

" Wala .. Wala .. "

" Ano yan? Love letter ba yang tinatago mo sa ilalim ng desk mo? "

Usisa naman nitong si Lovely na nakatayo naman sa gilid ng upuan ko. Na tila nahulaan nito ang itinatago ko.

" Tanga! Syempre hindi. Hindi ganun yun." *blush*

" Hoy! Hoy! Umamin ka.. pero sa tingin ko mas mganda na wag ka na lang umasa." - Scarlet

" Hays! Manahimik ka nga! " Ako.

" Tama! Tama! Baka panget yan. Hahahaha" - Lovely

Hindi naman sa umaasa ako, diba? Masaya lang naman ako sa natanggap ko.

Pero sino naman kaya ang magkakaroon ng gusto sa akin.

Di kaya isa sya sa mga classmate namin or taga junior high.

Sa kabilang banda.

Habang kinukulit ako ni Scarlet at Lovely ay nahuli ko na nakatingin pala sa amin si Danica.

" Ah.. Sorry Danica. Masyado ba kaming maingay? "

Tanong ko, pero sabay din nitong iniwas ang tingin nya sa akin.

" Hindi naman. " malamig na sagot nya.

Hindi ko alam kung bakit..

Pero simula nung nasa iisang classroom na lang kami..

Napapansin ko na madalas ng nagkakatagpo ang aming mga mata.

Hindi nya naman siguro ako tinititgan, hindi ba?

Pero hindi ko maintindihan, kung paano nagagawa ng ibang tao na hindi ipakita sa mukha nila ang expression na nararamdaman nila.

UnExpected Love (One Shot)Where stories live. Discover now