Chapter Six...

34 0 0
                                    

"HUUWWAAAHHH!!!!"

"AAAAAAHHHHHH!!!!!"

"HAHAHAHAHAHA!"

"LECHE KA AKIRA!!" 

"PEACE ON EARTH BEBE!" Sabay peace sign niya. Pinanliliitan ko siya ng mata habang nakasapo sa kaliwang dibdib ko yung kamay ko. Bwiset akala ko mahuhulog na puso ko sa sobrang gulat!!

"Ang hilig mong mang-gulat!" Sabi ko atsaka dinilaan siya sabay talikod. Nasa bahay ako ngayon, specifically... sa sarili kong kusina. Kauuwi ko lang galing sa shop. I'm making macaroons. "Teka, paano ka nakapasok sa kusina nang di ko nakikita?" Pagtataka ko. Katapat ko lang kasi yung pinto ng kusina kaya imposibleng di ko siya makikitang papasok doon.

"Paano... Po... Kasi." Matigas ang pagkakasabi niya sa bawat word. "Wala ka na naman ata sa sarali mo kaya hindi mo na napapansin ang paligid mo." She added. Kinuha niya yung bote ng vanilla saka inamoy. 

Napa-ngiwi na lang ako pagkuwa'y ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Sang-ayon ako kay Akira. Siguro nga wala na naman ako sa sarili ko kanina kaya di ko siya napansin. --__--

"May iniisip ka friend?" She asked.

"How'd you know?"

"HALER!? Obvious kaya! Tsk!" Umupo siya sa stool na katabi ko lang at pinanood ako habang gumagawa. "Just share it, you know." Sabi pa niya.

Actually, malalim talaga ang iniisip ko. Kahapon pa. Plano ko nga na mag-stay buong araw sa shop eh, para doon lang nakabaling atensyon ko at pag-iisip ko. Pero naisip kong umuwi na lang para magpahinga.

"Uhm... Aki?" I stopped what I'm doing. Nakatingin lang ako sa coconuts na ihahalo ko pa lang sana dun sa mixture na nagawa ko na kanina. "What if somebody offered you a help?" 

"Edi tatanggapin ko yung tulong." Dagli niyang sagot. "Pero depende na lang kung anong klaseng tulong yan. Ano ba yan?" 

"Kasi ganito. The guy that I had a date with, offered me a help... and that help is to... to... get me pregnant." Medyo nag-aalangan pa akong sabihin iyon. 

Tumingin sa akin si Akira with shocked eyes. Her red lips were parted a bit. 

"OMG." She said without any expression.

"Yeah, omg." I said then bit my lower lip. 

"Kilala mo na ba siya?" 

"Yeah."

"As in buong pagkatao niya?"

"Not yet."

"Kilalanin mo muna! Baka mamaya killer yan or rapist eh! Kapag nakilala mo na, saka ka magpabuntis. GO!" Iwinasiwas pa niya yung kamay niya like 'shoo!'

"Nakakainis ka." I said softly. Feeling ko maiiyak na ako.

"Aba bakit?" Nagpameywang siya habang nakaupo at nakataas ang kanang kilay niya. Nagtataray!

"Kasi... kasi di mo ako pinipigilan sa kagustuhan kong mabuntis." Then tears fell in my eyes.

"Ayy? Kaloka ka alam mo yon? Eh syempre bestfriend kita, malamang susuportahan kita! Atsaka, I don't see anything wrong naman with what you wanna happen. Puwera na lang dun sa ayaw mong magkaroon ng tatay yang anak mo. Psh!" Kinuha niya ulit yung bote ng vanilla atsaka sininghot-singhot iyon as if it is a kind of drug. Well, parang drug nga naman ang bango ng vanilla. 

"Yiiiee! I love you Aki!" Panlalambing ko sa kanya. I hugged her tight! Grabe, I'm so blessed to have her in my life. :)

"Yeah, yeah. I love you more Ella." Then she hugged me back. "Basta ako ninang pag najontes ka na ah?" Kumunot yung noo ko habang nakangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Desperate and the Lover (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon